Chapter 14

26 6 1
                                    

Chapter 14: Next Victim pt.2

Jessa's POV

"Nasaan yung magkapatid? Si Jace at Jhay??" pag-uulit ko ng tanong.


Wala ba silang balak sagutin ako? Huwag niyong sabihing may nangyaring masama?


"They're still outside" si Loves ang sumagot, nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at nilagpasan niya ako para umakyat na din sa taas.


Ano namang gagawin nung magkapatid sa labas?


Tinignan ko silang lahat and they're seems tired and look dissapointed. Kasalanan ko 'to eh dapat pala di ako nagpadalos-dalos at nagpadala sa damdamin ko.


"Puntahan ko lang si Celestine kay Nay Flora" pagpapaalam ni Gio at lumabas na kaagad siya.


Naiwan si Celestine sa bahay ni Nanay Flora kagabi at nag-away pa kami ni Gio dahil sabi ko ay papuntahin nalang dito si Nay Flora pero nagpumilit pa den si Gio na doon nalang si Celestine dahil mas ligtas daw si Celestine sa bahay ni Nay Flora.


Naupo nalang ulit ako sa sofa at tumabi naman sa akin si Zach.


"I think nakahalata yung suspect sa kinikilos natin kaya di siya nagpakita" pagsisimula ni Zach at napabuntong hininga pa siya.


Para kaming nalaos sa business na pinapatakbo namin dahil lahat kami dito ay bigo at pagod. Nagsisimula palang kami kaya hindi pa ito ang oras para sumuko agad kami.


"Pakiramdam ko bantay-sarado ang mga kilos natin sa kan'ya 'lam mo yun para siya cctv camera na kita tayo pero di siya kita" pagbibiro ko sa kan'ya.


"Yeah maybe you're right kaya dapat from now on dapat maging alerto tayo sa bawat kilos natin"


Nakapa-seryoso talaga nito ni Zach di manlang sinakyan biro ko.


"Alis nako" si Brian kaya naman tumango ako sa kan'ya at tuluyan na siyang lumabas ng pinto.


"Sa tingin mo ba may kinalaman sila dito?" tanong ni Zach.


"Huh? Sinong sila?" si Elissa at nililinis niya parin hanggang ngayon yung tasa ng kape na nabasag kanina.


Kailan ba siya matatapos? Kanina pa siya naglilinis diyan ahh.


"Kanina kapa diyan ahh di kapa tapos?" tanong ko kay Elissa.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon