Chapter 10

11 7 0
                                    

Chapter 10: Mr.Asungot

Jessa's POV

Hindi na nakakapagtakang babangon ako ng masakit ang katawan ko dahil sa sahig ako natulog. Pangalawa ay hindi din ako magtataka na magulo ang bahay dahil puro kalabog nga ang narinig ko na nanggaling sa may baba kagabi. Pangatlo ay hindi na ako magtataka kundi ang maglinis kami buong araw dahil mukhang nilindol o dinaanan ng malakas na bagyo itong bahay na tinutuluyan namin.

Hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng nangyayari pero alam ko na may mali at gusto kong matuklasan kung ano ba talagang misteryo ang bumabalot dito sa Terrent Village.

Pinulot ko na ang mga basag na piraso ng vase sa sahig at tsaka ito winalis. Kami ni Akeisha ang nagwawalis dito sa may sala habang yung dalawang babae ay abala sa may kusina dahil nagkalat daw doon ang mga kutsara, tinidor pati na rin ang mga basag na pinggan.

Si Zach at loves naman ang nag-aayos sa sirang bintana. Samantalang yung magkapatid ay nasa labas para daw tignan yung Van namin and speaking of nandyan na sila.

"Uhh.. Guys may masamang balita ako" si Jace na kakapasok lang ng pinto at pawisan pa ito.

"Sirang-sira yung Van natin mukhang dito na ata tayo titira ahh hehehe grabe yung pagka-sira" kumamot pa siya sa batok niya.

"I don't know what happened siguro may kinalaman yon sa nangyari kagabi" si Jhay naman ang nagsalita.

"Kawawa naman yung baby Van ko hays yung gulong lang problema non eh tas ngayon lahat na ata ng parte ng Van sira na" pagpapatuloy ni Jhay.

See? Bad news nga talaga.

"Pero.. ano?! Di na tayo makakauwi?!" pasigaw na tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango lang sila sa akin bilang sagot.

"Huwag niyo sabihing aabutin dito yung pag-ce-celebrate ng birthday ko?" huhuhu sinasabi ko na nga ba eh.

"Bakit? Ayaw mo ba na dito mag-celebrate loves?" tanong ni Fynn at inakbayan pa ako nito.

"Nang-aasar kaba o ano?" sarkastiko kong tanong sa kan'ya.

"Chill lang loves gagawan natin ng paraan yan at gagawin nating memorable birthday mo" kumindat pa siya sakin. Ewan ko sayo.

Iniwan ko na siyang nakatayo don at lumabas ako para mag-pahangin. Buti nga't wala ng asungot eh kase pagka-gising ko wala na si Brian at yung kambal niya daw na si Gio yung asungot. Kasama dinnata nila si Nanay Flora at yung batang Celestine na umalis.

Ewan ko ba kung bat kumukulo ang dugo ko sa kan'ya kapag nakikita ko siya dahil siguro kung di sa mga papel niya eh di ako mapapadpad dito. Siguro may plano talaga siyang papuntahin ako dito. Pero sa pagkakakilala ko ibang iba yung actions niya sa papel na sinusulat niya kesa sa kan'ya mismo. Diba dapat may pagka-misteryoso siya? Pero bat ambait bait niya? Teka bat ko ba siya iniisip?

"Oh girl bat nakakunot yang noo mo? Ang aga aga para kanang umuwi galing trabaho sa night shift HAHAHAHA" babatukan ko talaga 'tong si Elissa eh bigla bigla nalang sumusulpot.

"Ewan ko sayo Elissa nai-stress lang ako sa mga nangyayari" seryoso kong sabi sa kan'ya.

"Ang galing nga eh akalain mo may nag-e-exist palang zombie HAHAHA" nababaliw na ata kaibigan ko guys pakidala na siya sa mental.

HAUNTED VILLAGE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon