Kabanata 19

48 5 0
                                    

Bago niya ako ihatid sa bahay ay dumaan muna kami sa mall. Nagulat pa ako noong bumili siya ng napakalaking teady bear. A human size teady bear, hindi naman talaga ako mahilig sa teady bear pero ng dahil sa binigay niya sa akin ay minahal ko na rin ang teady bear na iyon.

It was a color skyblue cute bear na may ribbon sa leeg. Naiimagine ko nalang na si Llyndon yon. I really love the bear kaya hanggang sa pagtulog ay yakay yakap ko yon.

Ilang linggo nalang bago sumapit ang wedding day. Everyone are so excited.  Dumating narin ang parents ko, bukas na ako susukatan ng gown. Kumuha sila ng designer from Paris para mag disenyo ng wedding gown ko. Bonggang kasalan ang gusto ng parehong pamilya namin dahil paniguradong may mga dadalong mga kilalang personalidad at heir at heiress ng parehong malalaking kumpanya ang ikakasal kaya naman talagang enggrade ang magiging kasal.

December na ngayon kaya taglamig na. It's already 7 in the evening. Nakatingin lang ako sa mga bituin. Malapit ng maging happy ending ang buhay ko. Ilang linggo nalang at makakasama ko na habang buhay ang lalaking pinapangarap ko sana eto na iyon. Sana siya na talaga ang forever
ko.

"Lalim ng iniisip natin a."-napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Dady.

"Hi dad."-niyakap ko si dady.

"Iniisip mo ba ang lovestory mo anak?"-pabirong tanong ni dady.

"Pano niyo po nalaman?"-nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Anak kita kaya alam ko, May mga bagay talaga na hindi natin masasabi  hanggat hindi pa nangyayari."-makahulugang sambit ni dady habang nakatingin sa akin.

"What do you mean dad?"-naguguluhan kong tanong.

"Nothing."-nag iwas siya ng tingin.
"I hope the best for you anak. Basta normal lang ang masaktan para sa isang tao kaya if ever masaktan ka don't easily give up. Pero kung wala na talaga hindi rin masamang sumuko."-may kakaiba talaga sa mga sinasabi ni dad e.

Hindi ko lang makuha kung ano yun.
Hindi ko nalang inisip yon. Natulog ako ng maaga dahil magsusukat pa kami bukas.

Kinabukasan.

Maagang dumating ang stylist kaya nasukatan ako ng maaga gayundin ang mga abay namin.

"You're so gorgeous. I think, all of my works fits on you."-nakangiting sabi sa akin ng baklang stylist.

I just smiled at him.
Kulay blue ang motif ng kasal kaya mga blue ang suot ng abay iba iba lang ang design. Ako ang pumili ng mga abay na babae habang sa part naman ng groom ko ang sa mga lalaki.

Ang napili kong gown ay isang offshoulder kind. Sobrang ganda talaga at tingin ko ay babagay sa akin.

Ang kinuha kong maid of honor ay si Kaye. Isa sa mga kamag anak ko. Hindi ko masyadong ka-close ang mga pinsan ko kasi most of them ay nakatira sa ibang bansa at may sariling business ang pamilya nila kaya napaka busy rin nila at hindi nakakadalaw sa bahay namin.

Apat lang ang abay na kinuha ko. Si Kaye, si Kristal na kapatid ni Kaye, si Mika at si Soleil. Magaganda silang apat baka mag mukhang fashion show ang kasal ko niyan.

"Congrats sayo iha."-bati sa akin ni Tita Jenina, ang kapatid ni Momy. Siya ang momy nina Kristal at Kaye. Kakauwi lang nila galing Amerika para lang dumalo sa kasal ko ang I am happy dahil matagal tagal ko na rin silang hindi nakita at nakasama.

"Thank you Tita."-nakangiti kong sagot.

Nagbatian pa muna kami saglit bago ako dumiretso sa fitting room para kumustahin ang dalawa kong kaibigan.

Pagkarating ko ng fitting room ay naabutan ko silang suot suot na ang kani-kanilang gown. They are all stunning with their gowns.

"Here comes the bride."-natatawang sambit ni Soleil, sabay lapit at yakap sa akin.

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon