Kabanata 25

69 5 0
                                    

"Who are you?"-tanong niya habang nakakunot parin ang noo.

Napawi bigla ang ngiti ko sa labi. This can't be. Alam kong nagbibiro lang siya, right?

Agad siyang nilapitan ng momy niya habang ako ay naestatwa na sa kinatatayuan.

Ang sakit!

"Jeys. Hindi mo ba siya kilala? She's Angeli, your fiancee."-paliwanag ng momy niya sa kaniya.

Parang lalong naguluhan si Llyndon.

"Wala akong maalala na may fiancee ako mom. My girlfriend na ako and it's Ria."-sabay baling niya kay Ria na nakaupo sa tabi niya.

Shit! So hindi niya nga ako naaalala? Pero bakit? Hindi ko na mapigilan ang pagluha ko. Agad akong nilapitan ni tita Kristine para patahanin.

"No Llyndon she's your fiancee."-paliwanag pa ng dady niya pero parang wala lang kay Llyndon. Napangiwi pa siya.

"No dad! Ni hindi ko nga yan kilala. Si Ria ang mahal ko dad."-pilit niyang sabi at tiningnan ako ng masama.

Oh my gosh. Parang hindi ko na kaya. Ang alam niyang gusto niya ay si Ria pa rin. He can't remember me now. What happened? Nagka amnesia siya? Pero bakit ako pa yung nakalimutan niya.

It's so unfair to my side.

Nakita ko si Mr. De Guzman sa gilid na naaawang nakatingin sa akin.

"Ben, call a doctor!"-mariing utos ni tita Kristine. Parang lahat sila ay naaawang nakatingin sa akin.

Nakita ko kung paano tingnan ni Llyndon si Ria ngayon. Ni hindi na rin magawang tumingin ni Ria sa akin.
Pareho silang nagtatawanan sa gilid na parang sila lang yung nag eexist sa mundo, na parang walang ako na nanonood sa kanila.

It was a double kill. Para akong nanonood ng lovestory nilang dalawa. Ni wala na ngang magawa sina tita at tito kundi tingnan ako ng may naaawang ekpresyon. Ni hindi ako binabalingan ni Llyndon parang wala talaga siyang pakealam sa akin.

Dumating ang doktor. Medyo lumayo muna kami sa kama ni Llyndon para hindi niya marinig ang pag-uusap namin.

"Doc, ano pong nangyari? Bakit iisang tao lang po ang nakalimutan niya?"-tanong agad ni tita sa doktor.

"Yun ang isa sa mga komplikasyon. Naalog ng husto ang utak niya nung maaksidente at talagang hindi malabong magka-amnesia siya. Marahil ay napakaimportanteng tao ng nakalimutan niya, may mga case talaga tayong ganiyan na kung sino pa ang palaging nasa isip ng taong iyon ay siya pa ang unang una niyang makakalimutan."-paliwag ng doktor.

Nakikinig lang ako dito sa tabi at balisa.

"Ano pong pwedeng gawin para makaalala po siya ulit?"-tanong naman ng dad ni Llyndon.

"Sa ngayon magkwento muna kayo ng mga bagay na makakapagpaalala sa kaniya. Pero kung hindi talaga ay mas mabuting huwag na nating pilitin baka mas lalo lang lumala."-wika ng doktor.

Hindi ko alam kung nasaan na ang tapang ko. Kaya ko pa ba? More than a year akong nagsakripisyo para sa kaniya ngayon paba ako susuko?

"How long does it takes to recover from his amnesia?"-tanong ulit ni tito.

Nakikinig lang ulit ako sa kanila habang patagong nalulungkot. Sa totoo lang sobrang sakit talaga kasi mahal na mahal ko siya tapos makakalimutan niya lang ako?
I will endure the pain for him.

"It depends, usually kusang bumabalik naman ang memory or maybe it takes a month or even years and worst hindi na talaga siya makakaalala."-malungkot na wika ng doktor bago tuluyang umalis.

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon