Welcome to Pinamalayan Oriental Mindoro.
Angganda dito grabe. Hinihila hila ko lang si Llyndon kung saan saan buti nga at hindi nagrereklamo.
"Mais ineng."-alok sa amin ng tindera.
Wow mukhang masarap ah."Dalawa nga po."-nakangiting sabi ko dito. Nginitian din ako ng tindera pabalik.
Nilagyan niya ito ng margarine. Nakakapaglaway naman.
"Ehem. Gusto mo?"-tanong ko kay Llyndon. Inilapit ko sa kaniya yung mais.
"Whats that?"-maarteng tanong niya.
Pinanglakihan ko siya ng mata.
"Don't tell me hindi ka pa nakakatikim nito. Mais ito sweet corn."-
"I know. Pero hindi ko pa natitikman yan eh."-kunot noong aniya.
Jusko naman ito.
"Kaya nga tikman mo ng malaman mo. Masarap ito, dont worry hindi ka mamamatay dito."-natatawang sambit ko.
Richkid nga talaga ni hindi man lang nakakatikim ng mga ganitong pagkain e, siguro pop corn lang ang alam nito.
Pinanood niya lang yung hawak ko at tinitigan ng ilang minuto.
"Kukunin mo ba o hindi? Uubusin ko na ito sige ka."-nanghahamong sabi ko.
Sa wakas ay kinuha niya na rin sa kamay ko. Tinikman niya ito at pinanood ang reaksyon niya.
Mukhang nasarapan naman siya.
Masarap naman talaga eh."Kayo bagay mag asawa na?"-napatingin kami pareho sa tindera ng mais.
"Hindi pa po e. Pero malapit na."-nakangiting sagot ko.
"Thick!"-hindi ko alam kung ako ba yung pinariringgan ni Llyndon.
"Abay bagay na bagay naman talaga kayo ay. Kaya ikaw binatang pogi, huwag mo ng papakawalan itong napakagandang binibining ito."-natawa ako sa sinabi ng tindera.
"Salamat po hehe."
"Abay ilan baga ang inabalak niyong anak?"-
Biglang nabilaukan si Llyndon sa tabi ko. Agad ko siyang pina inom ng tubig na baon namin kanina.
"Ayos ka lang iho?"-nag aalalang tanong ng tindera.
Sumenyas lang si Llyndon sa kaniya.
"Pasensya na kayo ha?"-napapa hiyang sambit ng tindera sa amin.
Gusto kong sabihing okay na okay lang haha pero hindi nalang ako nagsalita. Ni hindi na magawang lumingon ni Llyndon sa akin.
Alas onse na nagsimula ang parada at enjoy na enjoy ako. Napakarami ring taong nanonood sa makulay na parada. Manghang mangha ako sa sining ng kanilang mga damit at maskara.
Maraming mga babae ang napapalingon syempre sa kasama ko talaga namang agaw pansin ang itsura niya eh kaya naman hinaharangan ko na lang siya para hindi na siya pagpyestahan pa ng tingin ng mga babae. Akin lang siya no.
That was fun, nakipag selfie rin ako sa mga Moriones kanina kahit pa mukha silang nakakatakot.
Napagod din kami sa kapapanood kaya ng matapos ay agad kaming naghanap ng restaurant.
Kinikilig na naman ako yiee. Alam niyo naiisip kong nag di-date kami ni Llyndon. Ganito raw kasi pagdate kayong dalawa lang ang namamasyal at kumakain. But I think the feeling is not mutual kasi parang ordinaryo lang ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
When Will You Be Mine? |Completed|✓
Novela JuvenilAngeli Sashimi Laurel is the only daughter and the heir of one of the most renowned international company, a perfect woman indeed that every man dream off. An independent and a very down to earth at the age of 21 she already know her goals in life. ...