Chapter 3

550 25 2
                                    


Macey's Pov

Habang nag-uusap kami ni sir Nathan ay biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami sa lalaking kakapasok lang. Nagulat ako ng makita ko isang familiar na mukhang LION. Teka Bat nadito to? Naligaw ba to? Dapat nasa zoo to hmmp wag niyang sabihin na hindi niya alam kung pano pumunta doon. Natigilan ako ng bigla itong lumapit sakin at nagsalita.

"Oh hi miss praning, nice to see you again. Hindi ko aakalain na makikita kita dito namiss mo ba ako?" pang-aasar na sabi nito.

"Well sorry di kita na miss mister LION. Teka nga bat kaba nandito? Sinusundan mo bako ha? Oh come mister lion hanggang dito ba naman susundan muko natakot ka siguro sa mga sinabi ko nu." confident na sabi ko sa kanya. Wala akong paki kung marinig man ni sir Nathan ang pag-uusap namin.

"Huh? ako matatakot? In your dreams, kahit kailan di ako natatakot sa isang babaeng katulad mo." nakangiting sabi nito.

"Umalis ka nga dito nakakahiya ka! Tingnan mo nga yang sarili mo oh tumingin kaba sa salamin bago umalis? Para kang bakla sa suot mo! Just go awayyy!" sigaw na sabi ko habang hinahawakan siya sa braso para kaladkarin.

Dapat ko siyang paalisin dito bago pa pumasok ang may ari ng Hotel kung hindi masisira talaga yung meeting naming.

"Hep hep hep! Hindi muko pwedeng paalisin di---"

"Ayaw mo talagang umalis ha itong sayo." hinubad ko ang sandal na suot ko at akmang ihahampas kona sana sa kanya ng biglang sumigaw si sir Nathan.

"Don't do thattttt!!!"sigaw nito.

Lumapit ka agad sa akin si sir Nathan.

"He's the only son of the owner of this Hotel." sabi niya sakin habang hinahawakan ang aking kamay kung saan hawak ko ang sandal na akmang ihahampas ko sana sa lalaking mukhang lion.

"I'm so sorry Mr. Vendra hindi ko inaasahan na magkakilala pala kayo ng secretary ko. Kung meron man kayong away o hindi pinagkakasunduan I hope hindi ito makaka-apekto sa kompanya at pagpasensyahan mo na rin yung secretary ko." mahinahong sabi ni sir Nathan habang nakangiti ito at nakatingin sa aming dalawa.

Anong sabi ni sir? Mr. Vendra? Nabingi ba ako?? Yung lion na to ay isang anak ng may ari ng kompanya. Napa nganga ako sa nalaman ko hindi ko kayang magsalita sa harap niya parang nahiya ako sa ginawa ko.

"Well it's okay Mr. Montenegro wag kang mag-alala hinding-hindi makakaapekto sa kompanya ang anumang namamagitan sa amin ng secretary mo. Actually kagabi lang naman kami nagkakilala eh." he said while smiling like a jerk.

Kami magkakilala? Ni hindi niya nga tinanong ang pangalan ko tinawag ba naman akong miss praning hoyy lalaking mukhang bakla nang dahil sa bulaklaking pulo na suot mo Macey yung pangalan ko as in M-A-C-E-Y Macey. Nagulat ako ng bigla itong lumapit sakin.

"Shock ka nu? Yan kasi sa sobrang daldal mo nakalimutan munang kilalanin kung sino ang kaharap mo." bulong nito sakin na agad namang ikinainis ko.

Bwesit talaga itong mister lion na to. Kala niya natalo niya na ako pwes maghintay kalang dahil may araw ka rin sakin.

"Oh by the way wala pala si Dad kaya ako muna ang nag-aasikaso ng kompanya. So let's start."ani nito kay sir Nathan.

Natapos ang buong meeting na hindi ako nakikinig sa usapan nila. Iniisip ko kasi kung pano ako makaganti sa lalaking to. Ayokong matalo nalang ako ng basta-basta aarrggggghh damnn  he's getting into my nerve.

"Bye miss Praning siya nga pala tandaan mo ang sinabi ko ha, kilalanin mo muna kung sino ang kaharap mo bago ka magsalita mapapaaway ka niyan ng walang sa oras eh. Sige ka baka masabunutan ka o di kaya ipakidnap." ngiting sabi nito habang may pakindat pang nalalaman.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon