Chapter 27

12 0 0
                                    

Kurt's POV

"Wohhhh grabe ang saya!" sigaw ni Macey pagkatapos magpa-picture sa mga nagsasayaw sa daan.

Grabe hindi ko akalaing ganito pala kasaya yung Dinagyang Festival dito sa Iloilo. Hindi ko talaga pinag-sisihan yung desisyon kong ito.

Napaplibutan kami ngayon ng napaka-raming tao marami ring mga paninda kung saan pwede kang bumili ng mga souvenirs. Halos lahat ng tao ay nakikisaya sa celebrasyong ito.

"Sir Kurt ikaw naman. Pipicturan kita kasama nila"

"It's okay Macey ikaw nalang" sabi ko sa kaniya at akmang kukunin ko na sana yung camera na dala niya ng biglang may lumapit sa amin na dalawang babae.

"Sige na po sir payagan niyo na po yung gf niyo ako nalang po yung kukuha ng picture niyong dalawa" nakangiting sabi ng isang babae.

"Excuse me miss? Hindi ko siya gf she's my...my... friend" naiiritang sabi ko

"Sorry sir kala ko po kasi girlfriend niyo bagay kasi kayong dalawa eh" hindi nalang ako nagsalita ulit at pinag-bigyan ko na rin yung gusto ng dalawang babae na picturan kaming dalawa ni Macey.

"Oh wow ang ganda ng kuha natin dito sir Kurt" masayang sabi ni Macey pagkatapos nagtatalon-talon na para bang bata na first time binigyan ng candy haysss.

"Thank you talaga miss" sabi niya doon sa babae na nagpicture sa amin wala akong sa mood na makipag-usap kaya nginitian ko nalang yung babae.

"Wala yun miss. Uhmm siya nga pala una na kami ha huwag mo palang kalimutan na sabihan ng PALANGGA KITA yung kasama mo ha" nakangiting sabi niya kay Macey

"Huh? Palangga kita?" nagtatakang tanong nito.

"Ahhh eh yung ibig sabihin kong sabihin---"hindi na natapos ng babae yung sasabihin niya kasi bigla siyang hinablot ng kasama niya. Agad namang napatingin sa akin si Macey kaya nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko din kasi alam kung anong ibig sabihin ng babaeng yun.

Buong araw kaming nagsaya ni Macey lahat ata ng pwedeng pasyalan ay napuntahan na namin. Wala na rin kaming pakialam kahit sobrang init ng panahon basta ang importante ay masaya kami at nakikita ko siyang masaya.

Ilang minuto nalang ang natitira bago mag 7pm pero hindi pa rin bumabalik si Macey dito sa hindi ko alam kung saan ito basta yung alam ko lang ay manunuod daw kami ng banda ngayon. Sabi niya sa akin kanina pupunta lang siya ng cr tapos hanggang ngayon hindi pa dumadating hayss nakakainis. Tatawagan ko nalang sana siya ng biglang may natanggap akong text message galing sa unknown number.

[Kamusta Kurt? Masaya ka ba ngayon? Dahan-dahan lang sa pagsasaya baka mamaya bigla kang mamutla sa matatanggap mong balita kaya kung ako sayo mag-ingat ka kung ayaw mong may mapahamak dahil sayo lalong-lalo na ang babaeng kasama mo!!!]

Bigla akong kinabahan pagkatapos kong basahin yung message na yun. Sinubukan ko ring tawagan pero hindi na makontak. Agad akong napahilamos ng mukha ng maalala ko na hindi ko pa pala kasama ngayon si Macey at hanggang ngayon hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero cannot be reached yung cellphone niya akmang aalis na sana ako sa kung saan man ako naroroon ng biglang may tumawag sakin.

"Sir Kurt" narinig kong tawag ni Macey sakin kaya agad akong napalingon at ng makita ko siya hindi ko napigilan yung sarili kong yakapin siya. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad yung sarili ko kapag mayroong nangyaring masama sa kaniya.

"Ang tagal mo namang bumalik" bulong ko sa kaniya.

"Ahh eh naligaw kasi ako sir Kurt pasensya na po." napansin kong mukhang awkward yung sitwasyon namin kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. Hayss hindi ko dapat ginawa yun.

"Nag-alala ka po ba sa akin sir? Pinag-alala po ba kita?" tanong niya sabay tingin sa mga mata ko. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya kaya naisipan kong aalis na lang sana ng bigla siyang magsalita ulit.

"Palangga kita sir" mahinang sabi niya. Wait! Ano daw? Hindi ko maintindihan yung pinagsasabi ng babaeng ito. Sandali lang siyang nawala tapos pagbalik niya nag-e alien talk na.

"What did you say?"

"Hmm natandaan mo po ba yung sinabi ng babae kanina na sabihan daw kita ng palangga kita kaya ayan sinabi ko sayo bago matapos yung gabing ito." paliwanag niya.

"Alam mo kung anong ibig sabihin nun?"

"Hindi po sir Kurt hehe" nakangiti niyang sagot
Hayss ang lakas ng loob sabihin nun sa akin tapos hindi naman pala alam kung anong ibig sabihin.

"Uhmm excuse me pero mukhang nakaka---"

"Siya nga pala sir Kurt, ito po pala si Venz Lee Cruz kaibigan ko siya yung tumulong sa akin upang makabalik dito." nakangiting sabi ni Macey sabay hila doon sa lalaking kaibigan niya daw. Teka parang namumukhaan ko siya saan ko nga ba siya nakita hmmm...tama siya yung lalaking nagligtas kay Macey doon sa holdaper. Kaya pala familiar siya sakin pero teka bakit siya nandito? Ano naman yung ginagawa niya dito sa Iloilo?

"Nice meeting you Venz, I'm Kurt" sabi ko saka nakipag-shake hands sa kaniya.

"Ayan na sir Kurt magsisimula na yung banda!" sigaw ni Macey saka mabilis na tumakbo papuntang harapan kaya agad naman kaming sumunod sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto napapansin kong parating nakatingin si Venz kay Macey. Hindi ko alam pero ang sama ng kutob sa lalaking ito. Nakakapagtaka lang kasi kung bakit siya nandito sabagay mukhang marami ring pera yung lalaking ito kaya nagagawa niyang pumunta kung saan-saan para mag-enjoy.






JC's POV

Ilang gabi na ako hindi makatulog matapos noong huling pag-uusap namin ni Joy. Hindi ko alam kung bakit sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya sa akin. Matapos niyang malaman ang lahat, lahat ng kagaguhan ko, lahat ng plano ko na pati siya ay nadamay. Siguro tama nga siya isa akong manggagamit, walang hiya, at gago na lalaki. Sinubukan kong kausapin at ipaliwanag sa kaniya yung lahat pero hindi niya ako pina-kinggan. Mahal ko na si Joy hindi ko kayang mawala siya sa akin pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Ilanga raw na akong nagmumukmuk dito sa loob ng kwarto ayokong kausapin ako ng ibang tao, si Joy yung kailangan ko siya lang wala ng iba. Habang nag-iisip ako ng malalim naisipan kong tawagan yung pinsan kong si Kurt nagbabasakali na tulungan niya ako.

"Hello cuz" mangiyak-ngiyak kong sabi.

[Yes cuz? Napatawag ka, teka sandali bakit ganyan yung boses mo? umiyak ka ba?]

"Ano kasi...wala na kami ni Joy nalaman niya kasi lahat ng plano ko cuz. Ano ng gagawin ko? Ayokong mawala siya cuz mahal ko na siya. Ayokong iwan niya ako ng ganito"

[Sinubukan mo bang kausapin siya?]

"Oo pero ayaw niyang makinig sa akin"

[Bakit kasi nalaman niya?]

"Naabutan niya kasi akong kausap si Alleyah tungkol sa planong iyong hindi ko alam kung narinig niya lahat pero noong makita ko siya sobrang galit na galit siya sa akin."

[So saan ka ngayon?]

"Nandito ako sa bahay ngayon"

[Sige pupuntahan kita diyan mamayang gabi. Ngayon kasi yung flight ko pauwi diyan ng Manila pero huwag kang mag-alala pagkalapag ng eroplano pupuntahan kaagad kita diyan]

"Sige cuz ingat ka" sabi ko saka e-end yung call.





-------------------------------------------------
❣️❣️❣️LADYZOM❣️❣️❣️

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon