Chapter 20

187 16 0
                                    


Kurt's Pov

Nagmamaneho ako ngayon ng sasakyan papuntang mall. Naisipan ko kasing bumili ng bagong mamahaling relo.

MALL

Papunta ako ngayon ng 3rd floor ng biglang nahagip ng mga mata ko si Mariel. Hindi niya ako nakita kaya naisipan kong magtago sa kanya. Ayoko siyang makasama o makausap manlang sobrang nandidiri kasi ako sa kanya. Alam niyo naman ako ayokong may dumidikit sakin na babae.

Mabilis akong naglakad papuntang elevator. Inaasahan kong hindi niya ako makikita pero mukhang nagkamali ata ako.

"Kurt!" tawag nito sakin.

Hindi ko siya nilingon at nagkunwari nalang akong walang narinig.

"Kurt!" tawag ulit nito.

Hindi ko alam na lumapit pala ito sakin at agad na kumapit sa braso ko.

"Woooohhhh. Ikaw pala Mariel." gulat kong sabi.

"Yeah it's me baby. Oh by the way mag isa ka lang?"

'Tsk! Tanga ka ba?! Mukha bang may kasama ako dito ngayon? Nakita mo namang mag-isa lang ako dito eh tapos magtatanong kapa. Stupid!'

"Yeah."

"That's great. Tara samahan mukong mag shopping."

"No, ayoko."

"Why?" kunot noong tanong nito.

"Eh sa ayaw kitang kasama eh tinatanong pa ba yun. Tsk! Diyan kana nga." inis na sabi ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

"Hey kurt baby, hintayin muko."

Wala nakong nagawa sa kanya kundi ang pabayaan siyang sumama sakin.

Nagpumilit siyang manood kami ng sine kaya no choice ako kundi ang sabayan ang trip niya. Pagkatapos namin manood sinamahan niya rin akong bumili ng relo. Hanggang hindi ko na namalayan yung oras gabi na pala.

"I'm hungry na, I want to eat dinner." reklamo nito.

"Tsk! Eh di kumain ka. Doon oh." masungit kong sabi saka tinuro yung fast-food dito sa mall.

"Ayoko diyan. Gusto ko sa isang restaurant."

"Anak ng.. Ang arte talaga." bulong ko sa sarili.

"Halika samahan mukong kumain. May alam akong magandang restaurant sigurado akong magugustuhan mo doon."

Hindi nako nakaangal pa dahil hinila niya ako ka agad.

Restaurant

"Let's go Kurt doon tayo oh." sabi ni Mariel sabay turo sa dulo ng restaurant kung saan wala masyadong tao.

Sinundan ko siya ng tingin saka nagsimulang maglakad at laking gulat ko ng makita ko si Nathan na kakaupo lang. May kasama itong babae kaso hindi ko makita yung mukha niya dahil nakatalikod ito. Mukhang masaya silang nag-uusap. 

Hindi ko alam pero saglit akong napatigil sa paglalakad dahilan upang mapansin ako ni Nathan.

"Hey bro." gulat na tawag ni Nathan sakin habang kumakaway pa.

Nginitian ko naman siya.

"Kurt bakit nandiyan ka----oh nandito pala yung kaibigan mo. Tara doon nalang tayo sa kanila sama nalang tayo para mas masaya 4 chairs naman yung nandoon eh." nakangiting sabi ni Mariel sakin.

"Huh? Eh mukhang----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinila nako ni Mariel papunta sa table nina Nathan.

"Hi, ikaw yung kaibigan ni Kurt diba? Can we join you? tanong ni Mariel kay Nathan.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon