Chapter 15

260 22 2
                                    


Macey's Pov

Nakatingin ako ngayon kay JC na naglalakad habang binubuhat si Joy. Mabuti pa siya binuhat ni JC haisst! Wag kang mainggit Macey pwede ba.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang lumapit sakin si tita, yung mama ni Joy.

"Nako Macey saan dadalhin ni JC yung anak ko?" nag-aalalang tanong niya.

"Hayaan muna tita, may importanteng pupuntahan ang mga yun."

"Huh? Eh saan naman? Baka anong mangya---"

"Calm down tita, pupunta sila ngayon sa White Garden Land gusto daw kasing makita ng daddy ni JC si Joy."

"Kung ganoon, bakit hindi manlang nagpa-alam sakin?"

"Wala na siyang oras tita, 30mins lang daw kasi yung binigay sa kanya ng daddy niya para pumunta doon at saka nakita niya daw kayong busy kaya hindi nalang siya nag-abalang istorbuhin ka. Don't worry hindi niya pababayaan si Joy."

"Okay, basta sisiguraduhin niyang ibabalik niya yung anak ko dito."

"Of course tita. Ibabalik niya talaga yun ano kaba." natatawa kong sabi.

Matapos noon iniwan nako ni tita upang asikasuhin yung mga bisita niya. Ang dami kong iniisip sa mga oras na yun ng biglang dumating si Amanda. Haisst!! Ano naman kaya yung kailangan nito.

"Yes? May kailangan ka?" mataray kong sabi.

"Hmm wala naman, napansin ko lang kasi hindi mo kasama ngayon si Joy." sarkastikong sabi nito.

Eh pakialam mo ba.

"So? What's the big deal?"

"Eh kasi gusto ko sana siyang asar---"

"Ahhh gusto mo siyang asarin, well sorry ka nalang dahil umalis siya ngayon..." tiningnan ko muna siya ng matalim bago nagsalita ulit. "kasama yung boyfriend niya."

"Whattt?! As far as I know she don't have---"

"Well as far as I know" panggagaya ko sa sinabi niya. "boyfriend niya lang naman yung nilalandi mo kanina." mataray kong sabi.

"What?! Hindi ako naniniwala sayo!!" inis niyang sabi.

Ahhh talaga lang ha.

"Whatever." sabi ko at inirapan siya.

"Grrrrrr! Bruha!" sigaw nito sakin at akmang aalis pero hinawakan ko agad yung braso niya.

"What did you say?! Bruha ako?" pag-uulit ko sa sinabi niya.

Haisst! Kung sa amin ni Joy ay katuwaan lang ang pagsabi ng bruha sa isa't-isa tsssk! Ibahin niyo si Amanda hindi ako papayag na sabihan niya ako ng bruha. Hindi kami close nu.

"Try mo kayang tumingin sa salamin nang matauhan ka." sarkastiko kong sabi.

"Whattt?!"

Puro ka nalang what tssk! Nakakairita!

"Kasi sa tingin ko ikaw yung mas deserving na tawaging bruha. Look at yourself Amanda mukha kang birthday gift sa suot mo." natatawa kong sabi.

"Tssk!" sabi nito at agad na umalis.

Ewan ko sayo lakas ng topak mo eh. Sana hindi nalang kita pinatulan. Tsk!


Biglang nahagip ng paningin ko si sir Nathan. Nagulat ako dahil nakatingin ito sakin. Ohh myy kanina pa kaya siya nakatingin? Nakita niya kaya yun? hayyysss.

Lumapit ito sakin.

"Hi sir." bati ko sa kanya.

"Ang tapang mo talaga." nakangiting sabi nito.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon