Chapter 18

188 18 0
                                    


JC's Pov

Kakapasok lang namin ngayon ni Joy sa loob ng hall ng WGL at nagulat ako dahil nakaabang na agad si daddy samin. Nakatingin lang siya sami-no kay Joy siya nakatingin na para bang kinikilatis niya ito.

Kinakabahan ako ngayon hindi para kay Joy kundi kay daddy. Tsk! Madami kasi siyang tinatanong minsan. Patay ako nito pag nagtanong siya ng kung ano-ano at baka mabisto niya yung plano ko.

"Ahhmm dad, this is Joy my girlfriend." sabi ko kay daddy.

Lumapit ito kay Joy at mas tiningnan niya ito ng maigi. Tiningnan ko si Joy pero mukhang kalmado naman siya. Para ngang wala siyang pakialam na tinitinggnan siya ni daddy. Haist!

'Magsalita ka naman hoy!'

"Good evening po." magalang na bati ni Joy.

" Hmm....Ano bang apilyedo mo iha pwed---"

"Jeoneun...ieyo Joy Perez po. But you can call me Joy Joy." masiglang sabi ni Joy kay daddy.

[Jeoneun...ieyo] translate my name is..

'Tsk! Pucha kailan kapa natuto magsalita ng Korean?? At saka wag ka ngang ganyan sa harap ni daddy baka malaman niyang nagpapanggap lang tayo.'

"Joy Joy?" kunot noong tanong ni daddy.

"Yes po, Joy Joy. As in Joy to the world." confident na sabi ni Joy at saka ngumiti kay daddy.

Magsasalita na sana ako ng biglang.......

"BBWWWWAAAAAAAHHHHHHH."

'What the hell?! Tumawa si daddy?'

"BWWWWWWAAAAAHHHHHHHH."

Tumawa siya ulit. At nang makarecover na si dad agad itong nagsalita.

"You're so funny naman iha. Sana pala dinala ko yung mommy ni JC dito para makilala ka rin niya." sabi ni daddy.

"Anyway bakit pala ganyan yung suot niyo?" takang tanong nito.

"Ahh eh kasi po nasa party kami kanina nung tumatawag ka po kaya hindi na kami nakapagbihi----"

"It's okay iha. Don't worry ang ganda mo kaya sa suot mong gown kaya pala nagustuhan ka ng anak ko. At kaya pala hindi niya kayang mabuhay na wala ka dahil kakaiba ka sa lahat ng babae." sabi ni daddy at agad na kinindatan ako.

'What the f*ck dad?!'

"Po?" naguguluhang tanong ni Joy.

Bago pa magsalita ulit si daddy nagsalita nako. Tsk! Baka ano pa ang sabihin kay Joy eh.

"Don't listen to my dad honeybuch. Sakin kalang maniwala okay." malambing na sabi ko kay Joy.

Joy's Pov

"Don't listen to my dad honeybuch. Sakin kalang maniwala okay." malambing na sabi ni JC sakin.

'Epic fail ka talaga JC. Ano bang pinagsasabi mong bakulaw ka.'

"Joy Joy." tawag sakin ng daddy ni JC.

'Ohhhh myyy goddd! Bwwaaahhhh seriously naniwala siya sa sinabi ko na pwede niya kong tawaging Joy Joy. Hahahaha laughtrip to!'

Hindi ko ipinahalata na parang matatawa ako kaya kinagat ko nalang yung ibabang labi ko saka nagsalita.

"Po sir?"

"Don't call me sir. Call me tito Min or daddy Min. But since dahil girlfriend ka ng gwapo kong anak I prefer you to call me daddy Min." nakangiti nitong sabi.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon