Chapter 13

232 18 0
                                    


Macey's Pov

***Bahay***

"O anak galing kaba kina Joy?" agad na salubong na tanong ni mama sakin.

"Opo." maikling sagot ko.

"Yung damit mo na susuotin mamaya nandoon na sa kwarto mo inilagay ko kanina."

"Thanks ma. Si kuya nga pala at si papa nasaan?"

"Nako yung kuya mo hindi ko alam kung nasaan. Yung papa mo naman kasama ata yung tito mo ngayon."

Hayyy saan kaya si Kuya hindi na kasi kami nakapag-usap matapos yung party na yun. Naging busy din kasi siya lately.

"Ahmm ma punta lang ako ng kwarto ha, matutulog muna ako."

"Okay, I will wake up you at around 4pm para makapag-bihis ka."

"Thanks ma. I love you and I heart you." ngiting sabi ko sa kanya habang hinugis puso yung kamay.

"I love you too and I heart you too anak."

Umakyat nako at pumasok ng kwarto ko upang matulog. Hayyy wala naman akong ginawa pero mukhang pagod na pagod ako.

Nagising ako ng biglang may kumatok sa pinto.

"Anak maligo kana at magbihis 4pm na."

"Yes ma, salamat sa pag-gising, I love you talaga."

"I love you too baby."

Nang umalis na si mama agad akong nagtungo ng banyo upang maligo. Kailangan mabango ako nandiyan kaya si sir my loves ayieeeee. I can't wait na.

Matapos kong maligo nagbihis ako kaagad at naglagay ng konting make-up. In fairness bagay sakin yung suot kong gown.  Tube yung style nito kulay black siya na merong konting desinyo sa dibdib. Mas lalong kita yung pagkaputi ko sa damit nato.

"Ang ganda ko naman." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang pumasok si mama sa loob ng kwarto.

"Wow ang ganda naman ng baby ko." Manghang-mangha na sabi ni mama.

"Syempre naman nagmana kaya sayo."

"Hali kana bumaba na tayo naghihintay na yung prince charming mo eh."

"Huh?! Nandiyan na si sir Nathan ma? Ohhh myy How do I look? Okay ba? Maganda ba? Hindi ba pangit?" natatarantang tanong ko kay mama.

"Ikaw talaga anak diba kakasabi ko lang sayo na ang ganda mo. Tara baba na tayo."

Bumaba na nga kami ni mama at agad kong nasulyapan yung mukha ng gwapo kong boss. Ohhh my ang gwapo niya ayieeeee.

Nakasuot ito ng kulay black na tuxedo kung saan bumagay sa kanya.

"Wow you look so beautiful Ms. Perez." ani nito.

Waitttt. Waittt kinikilig ako sobra ayieeeee wag kang ganyan sir baka bigla akong tumalon kahit naka high heels ako.

"Hindi naman sir. Mukhang binobola mulang ata ako eh." nahihiyang sabi ko.

"No it's not that. Hmm I'm just telling you the truth."

Ohhh myy noo sir wag mong sabihin yung totoo okay. Kinikilig ako ehh ayyiieeee ano ba.

"Let's go." yaya ni mama sa amin.

"Ahhm wait, si kuya at si papa?"

"Nandoon na sila anak. Don't worry mas excited pa nga sila sa party." ani ni mama.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon