Chapter 12

258 22 0
                                    


JC's Pov

Dalawang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isipan ko ang mga nangyari noong birthday ni Brent. Hindi ako makamove-on sa mga nangyari, hindi ko akalain na magaling palang kumanta si Macey. Haisst! Ulol talaga yung pinsan kong si Kurt imbis na ipahiya niya si Macey sa maraming tao tssk! ayon siya pa mismo ang napahiya sa mga pinang-gagawa niya. Haa na karma ata.

Pero grabi hindi ko akalain na ganun pala ka mahal ni kuya Diego ang kanyang kapatid. Akalain mo yun bago sila umuwi may nasuntok pa siyang isang lalaki.



-----------------Flashback------------------

"Bro una na kami sa inyo ha." sabi ni kuya Diego sa amin.

"O sige ingat kayo ha. Macey ingat sa pag-uwi." sigaw ko naman sa kanya at agad na kumaway.

Nasa ganoon kami ng sitwasyon ng may biglang lumapit na dalawang lalaki kay Macey.

"Hey miss, uuwi kana? Hindi pa nga tayo nagkakilala oh." sabi nung isang lalaki.

"Ahh eh oo ba---"

"Dito ka muna magsasaya pa tayo eh. Ako nang bahala sayo mamaya ihahatid kita. Wag kang mag-alala safe ka sakin miss." sabi naman ng isang lalaki at agad na hinaplos yung pisngi ni Macey.

Agad namang napaatras si Macey sa ginawa ng lalaki sa kanya.

Abay loko ang mga to ah.

Hindi ata napansin ni kuya Diego ang ginawa ng dalawang lalaki sa kanyang kapatid dahil abala ito sa pakikipag-usap kay Kurt at Nathan.


"No, it's okay may kasa---"

"Wag kanang magpakipot miss beautiful." sabi nung lalaki na siyang humaplos sa pisngi nito at biglang hinawakan si Macey sa braso.

Bastos tong mga to ah. Mabilis kong nilapitan si Macey.

"Hey! Don't touch her!!" sigaw ko sa lalaki at agad na tinulak siya dahilan upang bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso nito.

"Ano ba?!! Wag kang makialam dito!" malakas na sigaw nung lalaki sakin.

Lahat ng tao napatingin sa kinaroroonan namin pati na sina kuya Diego.

"Talagang mangingi-alam ako!! Eh binabastos niyo na siya eh!." sigaw ko.

"Bakit sino kaba sa tingin mo ha?! Hindi ikaw ang pakay namin okay. Yung gusto namin siya!!" sigaw ulit ng lalaki habang tinuturo si Macey.

"Let's go JC. Wag muna silang patulan. Tara na." sabi ni Macey sakin at akmang aalis na sana pero bigla ulit siyang hinawakan ng lalaki sa braso.

"Hey miss beautiful, aalis kana kaagad hindi pa nga kita natikman eh. Alam mo sigurado akong---"

/////Bbbooooggggsshhhhhhh//////

"WTF?!!! Gago ka ha!! Hindi mo pwedeng bastusin yung kapatid ko ng ganun-ganun nalang!! Gago!" galit na sigaw ni kuya Diego sa lalaki.

//////Booooggggssshhhhhh/////

Sinuntok niya ulit ito kaya natumba yung lalaki.

"How dare you to do that to her?!! Alam mo bang nabwebwesit ako kapag binabastos yung kapatid ko ha?!! Alam mo bang kaya kitang patayin gago ka!!! Pwede ka namang makipag-kaibigan sa kanya pero yung bastusin mo siya..." huminga muna ito ng malalim bago magsalita. "Shittt!!" galit na sigaw niya.

"Bro tama na yan." pigil nina Kurt at Nathan sa kanya.

"Ku..kuya please tama na, umuwi na tayo." mangiyak-ngiyak na sabi ni Macey.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon