Chapter 14

272 23 0
                                    


Joy's Pov

"Good evening tita happy birthday po." bati ni JC kay mama.

"Thank you son."

"Mama naman eh don't call him son hindi mo siya anak okay." inis na sabi ko.

"Kahit na, anak parin yung turing ko sa kanya dahil boyfriend mo siya. Wag ka ngang magselos diyan ikaw parin naman yung baby ko eh." malambing na sabi ni mama at agad na hinawakan ako sa pisngi.

Biglang lumapit si papa samin at hinawakan niya si mama sa baywang.

Hayyy ang sweet naman.

"Hon this is JC the boyfriend of your daughter." masayang sabi ni mama.

Hindi ko nga siya boyfriend eh.

"Nice to meet you po." sabi ni JC kay papa at agad nakipag-kamayan.

"So ikaw pala yung boyfriend ng prinsesa ko alagaan mo ng mabuti yan ha. Wag na wag mong sasaktan kung hindi makakatikim ka sakin at sa kanya." sabi ni papa at agad na tinuro si kuya Diego.

"Papa naman eh wag mo nga siyang takutin. Sige na alis muna kami."

Inis akong umalis agad at nahagip ng mata ko si Macey kaya pinuntahan ko siya. Hindi ko alam na hindi pala sumunod yung bakulaw na yun.

"Oyyy bruha kong pinsan." ngiting sabi ko kaya agad naman siyang napatingin sakin.

"Akalain mo yun nakalabas ka rin ng kwarto."

"Oo bwesit ka talaga!"

"Why?" kunot noong tanong nito. "Hindi kaba nag-enjoy sa ginawa ko? Chance muna kaya----

"Shut up, tigilan muko okay. Bruha ka talaga." inis kong sabi.

"So kamusta?"

"Anong kamusta?" kunot noong tanong ko.

"Yung pag zipper ni JC you know, ahmm hinawakan ka ba? Naglam---"

"Ewww nakakadiri ka Macey."

"Hahahaah kadiri daw halata namang nagustuhan mo din. Ayaw lang aminin ayieeee." pang-aasar niya.

"Whatever! By the way where's your sir Nathan my loves? Hindi ko ata siya nakita."

"Ahmmm ayun may kinausap lang." sabi nito at agad na tinuro yung kinaroroonan ni Nathan.

"Let me guess? Part of business na naman yang pinag-uusapan nila nu?"

"Sinabi mo pa."

Kainis naman itong si Nathan oh napaka-slow. Hindi niya ba nahahalata na may gusto yung pinsan ko sa kanya o sadyang pa hard to get lang talaga siya.

"As what I've said dadating si Amanda Anaconda." wala sa sariling sabi ni Macey habang nakatingin sa kinaroroonan ni Amanda kaya napatingin din ako.

Whattt the?!!

"Tumingin ba yan sa salamin bago pumunta dito." natatawang sabi ko.

"I think no. Hahaha baka nga walang salamin sa bahay nila." natatawang sabi ni Macey.

Eh pano ba naman kasi yung suot niya para siyang ibinalot na pang regalo. Imagine kulay pink na long gown tapos may malaking ribbon sa bandang dibdib. Anong klasing style yan? Naging mukha siyang katawa-tawa sa suot niya.

"Look mukhang hindi pa ata kontento sa ribbon na nasa dibdib at naisipan pa niyang magdagdag ng ribbon sa ulo niya. Hahahahahha." tawang-tawang sabi ni Macey.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon