Chapter 5

389 29 0
                                    


Joy's pov

Nagmamaneho ako ngayon ng sasakyan pauwi ng bahay galing na naman kasi ako ng mall hehe. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi ako nagsasawang magshopping halos araw-araw na nga yata akong pumupunta doon. Ahhh basta yun na yun masaya ako sa ginagawa ko.

Hala bakit may sasakyan dito sa labas ng bahay? Kanino kaya to?

"Oh anak nagshopping kana naman? Kahapon ka lang nagshopping ah tapos ngayon---" hindi ko pinatapos si mama sa kanyang sasabihin.

Hayyyy kahit kailan talaga nakakairita siyang pakinggan.

"Parang hindi kana nasanay sakin ma. Magpapahinga na muna ako tawagin niyo nalang po ako kung kakain na tayo ng dinner." sabi ko habang tinatalikuran siya at akmang aakyat ng hagdan.

"Magbihis ka at bumaba ka agad dito, asikasuhin mo yung bisita mo hindi yung pinagod mo yung sarili mo tapos sasabihin mong magpapahinga ka." she said.

Bisita? Ako merong bisita? Parang wala naman akong natatandaan na may pupunta dito sa bahay. Dahil nga nacurious ako tinanong ko na si mama.

"Whattt? Bisita??"  Taas kilay kong tanong. "Wala namang akong bisita ma eh. Wag niyo nga akong pinagloloko di----"

"Si tita Emerald mo nandito." sabi niya habang hindi nakatingin sakin.

"Manang Auring sabihan mo sina Flor and Marisa na magluto kayo ng maraming masasarap na pagkain okay." nakangiting sabi nito kay manang na katulong namin dito sa bahay.

"Si tita Emerald lang naman pa---"

"Kasama niya yung boyfriend mo." she said while smiling.

Ano daw? Nabingi ba ako ng dinig?

"Magbihis kana at agad na---"

"Ma! I don't have a boyfriend. Kaya pwede ba---" hindi niya na naman ako pinatapos sa sasabihin ko.

Nakakainis na ahh. Sinabi na ngang wala akong boyfriend. Natigilan ako dahil biglang lumapit sa akin si mama at nagsalita.

"Kung wala ka ngang boyfriend, then sino yung lalaking nandoon sa garden natin ngayon kasama yung tita mo?" kunot-noong tanong nito.

"Whatttt?!" inis na sigaw ko.

Agad akong tumakbo papuntang garden at doon ko nakita si..si ..si BAKULAW kasama niya nga yung tita ko. Shit bakit niya nalaman na dito ako nakatira? Stalker ko ba siya? Yung bwesitt na to ohh sumusulpot bigla.

Sa sobrang inis ko nilapitan ko siya at hinila sa braso. Kinaladkad ko siya papalayo kay tita.

"Hoyyy bakulaw! Whattt the hell are you doing here?! Diba may usapan tayo, na sa birthday lang ni mama ikaw magpapakita. Sa isang linggo pa yun. Hindi kaba nakakaintindi ha?!!! inis na sabi ko sa kanya.

Aba loko-loko to ahh kita na ngang naiinis yung tao nakukuha niya pang ngumiti.

"Sorry kung napaaga akong pumunta dito hehe. Namiss lang kasi kita eh." he said while smiling like a jerk.

"Umalis ka nalang dito. Na bwebwesit ako sayo eh. Alis!!" sigaw ko.

"Naku Joy wag mo namang paalisin yung boyfriend mo. Pagpasensyahan muna ako, ako kasi yung nagyaya sa kanya na pumunta dito eh." paliwanag ni tita sakin habang hinahawakan ako sa baywang.

"Ehhh tita naman eh alam mo namang---" hindi natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumunog yung cellphone niya.

"Maiwan ko muna kayo ha sasagutin kulang yung tawag." ani nito at kusang umalis.

I'm Not A GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon