Author's note: I'm really confused sa words na "dining" and "dinning" which is correct? Dinning room or Dining room? Lmao. Btw, don't be shy to comment about your thoughts of the story, or this chapter perhaps. I will be replying. Thank you!
-o0o-
"Wala bang nangyare?" Natatawang tanong ni Ysabelle.
Nagkatitigan kami ni Gabriel.
I could feel my heart thumping hard inside my chest. Alam kong medyo uncomfortable ito para kay Gabriel and it makes me uncomfortable too. I mean sanay na ako sa pang-aasar ng mga kaibigan ko pero bakit gayong kami ni Gabriel ang inaasar ay hindi ako makapalag ng pambato sakanila.
"G-Guys! Ano ba! Masyado niyo namang iniintriga si Gabriel at James. Tignan niyong nahihiya na si Gabby oh." Sabi ni Ria.
I swear if I would hear that endearment one more time I can't hold on to this another uncomfortable feeling inside me. Parang naiinis ako kay Gabriel for letting Ria calling him the way I call him back then.
"Childhood friends si Gabriel at James. Kaya walang dapat ika-bahala." Ria said.
Napatango naman silang lahat pero natigilan ako kay Czach na nakangiti sa amin ni Gabriel. Nagkatitigan kami pero nilipat nito ang titig kay Jackson na ngayo'y seryosong nakatitig sa amin sabay balik sa akin ng tingin. Natawa pa ito ng bahagya na mas ikina-ugat ng leeg ko
Kita ko ang pag-igting ng panga ni Jackson habang nakatitig siya sa amin. Napalunok ako.
"Oo nga. Magkaibigan kami ni James. Nothing good will happen kung may benefits."
I don't know if maooffend ako sa sinabi ni Gabriel or makakahinga ng maluwag dahil nakapagsalita rin siya.
"Why not? If I were you, mas gusto ko pa ng friends with benefits kesa sa friends lang." Pambasag ni Jackson.
Napatingin ako kay Jack dahil di ako makapaniwalang sinabi niya ito. Although, di talaga nila alam na may nangyare na sa amin.
"But you're not me so..." Biglang naging awkward ang ambiance nang sumagot si Gabriel.
Nagkatitigan silang dalawa ng matagal bago ko naisipang magsalita.
"Okay. Where's the beverages at?" Tanong ko kila Holland.
Agad silang tumayo at kinuha ang alak na dinala nila sa kotse siguro nila. Medyo nakabawas ng awkwardness ang ginawa ko. Kita ko ang pagclear ng lalamunan nila Ysabelle, Jane at Hazel. Nagkibit balikat si Baste sa akin.
--
"Gabriel! I did not expect you here." Bungad ni Mama nang siya'y dumating.
Nakipagyakapan at beso beso sila Ysabelle kay Mama habang nakatitig ito kay Gabriel. Nakangiti namang tumango si Gabriel at saka sumagot.
"Inimbita po ako ni Ria. Di ko naman inexpect na kasama pala ang mga kaibigan nila ni James." Aniya.
Ngumiti si mama saka tumango.
"Welcome ka naman parati dito anak." Nagngitian sila.
"So let's eat?" Sabi ni mama at nagtungo na siya sa dinning area at saka umupo.
"Tita si Tito Jimmy po?" Tanong ni Jack.
"Naku. Busy sa office pero hahabol yun tonight." Tumango si Jackson sa sagot ni mama.
Maingay ang hapag. Masaya at punong puno ng tawanan. Nagkukwentohan sila Ysabelle, Jean, Hazel, Ria at Mama about girl matters. Samantalang matalim na nagtititigan si Jack at Gabriel sa dako namin.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Romance[BOOK 1] Lost in love but mended by another. James was broken for years by his greed to be loved by someone. This, however, was mended by another. James tried to be patient as he could but will time help him for his second chance to love? A James T...