You know what could be the only thing that could save your relationship from LDR?
That is to trust your partner. But before you trust them, make sure that you are aware of their capabilities and their commitment. It might not be easy to establish trust but this process would be built before entering into relationship. You get familiar with each other's preferences, with their personalities and their ways of living. Everything about them that needs to know, you have to know them all. And when you do, you can now contemplate whether you should trust him or not.
And that's why Gabriel and I lasted for these past few months. Ngayon, patapos na ang semester namin and it's almost six months. And by next week matatapos na ang probationary period ni Gabriel sa company na kanyang pinagtatrabahuan. Hindi ko alam kung gaano ako ka excited at sa sobrang preoccupied ng utak ko ay hindi ko na napapansin si Ria na dada ng dada sa tabi ko.
"Nakikinig ka pa ba sa akin?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Napatingin siya sa aking cellphone na hawak at kunot noong kinuha ito mula sa akin. Agad naman akong napatayo sa kanyang ginawa.
"Kamusta ang work?" Pagbasa niya sa text ko kay Gabriel na kanina ko pa naisend. Parang nandidiri siyang napatingin sa akin.
"Jejemon! Bakit yan?" Sabi niya saka niya binalik sa akin ang cellphone ko.
"Ikaw James di ka naman ganyan kaadik sa cellphone mo noon. Nagka Gabriel ka lang di ka na makausap." Bulyaw niya sa akin.
"Sshh! Marinig ka nila Nanay!" Inis kong sambit.
Umirap siya sa akin saka siya naupo sa kama. Napabuntong hininga ako saka nagpunta sa study table ko. Agad kong inayos ang printed cases na nakakalat doon.
"Labas tayo tonight? Bar?" Yaya ni Ria. Saglit akong natigilan at saka ako napalingon sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"You know I can't." Sagot ko.
I don't know why. Pero since nang may namamagitan na sa amin ni Gabriel ay gusto ko nalang magkulong sa bahay. O kaya naman deretsyo akong uuwi galing sa eskwelahan. Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko na baka makagawa ako ng kasalanan kay Gabriel pero simula nang makilala ko si Gabby kuntento na ako sa mundo ko.
"Come on! Napaka KJ mo na ha! Ako magpapaalam sayo kay Gabriel." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sakanya at madaliang umiling.
"No. I won't go parin." I answered with finality in my voice saka ko tinuloy ang pag-aayos.
I heard her sigh.
"Baka kasi puro lalake nandoon. Ininvite kasi ako ni Kuya Roen." Sabi niya na nagpatigil sa akin.
Kumunot ang noo ko saka ako napatingin sakanya. Iniisip ko kung paano sila naging close ni Kuya Roen. Gayong sobrang sipag ni Kuya Roen sa studies at hindi nagagawang sumama sa mga get outs. Nalaman ko ito dahil kinukwento rin sa akin ni ng bruhildang kaharap ko. Napansin niya ang pagtataka sa aking mukha dahil sa kanyang sinabi. Dahan dahan akong naglakad papunta sakanya saka ko hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Kelan pa kayo naging close ni Kuya Roen?" Agad kong tanong.
These past few months, napapansin kong napapaaga na rin ng uwi si Ria. Mas nauuna pa siyang magpaalam kesa sa akin. Nakakapagtaka talaga dahil siya ang nangungunang magyaya na gumala pero ngayon siya na ang unang umuuwi sa amin. Hindi kaya sila na ni Kuya Roen?
Unti unti kong napagtatagpi lahat ng nalalaman ko at nanlaki kaagad ang nga mata ko. Napatakip ako sa aking bunganga kasabay ng pagsinghap ko. Wala akong nakuhang pagtutol sa kanya subalit namumula ang kanyang mga pisngi.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Romance[BOOK 1] Lost in love but mended by another. James was broken for years by his greed to be loved by someone. This, however, was mended by another. James tried to be patient as he could but will time help him for his second chance to love? A James T...