Part 18

64 6 0
                                    

I smiled at her beautiful face as she smiled back at me. I looked down and I saw their hands intertwined with each other. Hindi ko maiwasang mawala ang ngiti ko sa labi at nagtaas ng kilay. Kasabay ng pagpintig ng aking noo at mga mata ang inis at selos na aking nararamdaman.

I looked up at kitang kita ko ang genuine na ngiti galing kay Gabriel. Masaya siya kay Jeanery, mahal niya si Jeanery. Parang sampal sa akin ang kanyang pagkatao dahil ano nga ba ang laban ko sa babae?

Gabriel is a matured man, and probably he's on a stage where he already think of having his own family. Fostering their own children and watching them grow with his wife. His WIFE.

Every truth about Jeanery diminishes my every hope I have left.

Maganda siya. I can tell that. What else could I give Gabriel bukod sa love? Hinihiling ko na sana bumalik si Ria, sana dumating si Nanay Pasita para makahinga ako ng maluwag. Sa prisensya nilang magjowa para akong nawawalan ng hininga.

"Hello. Ikaw pala yung palaging kinukwento ni Gabby sa akin." ani ni Jeanery at nakangiti nitong nilahad ang kanyang kamay sa akin.

I forced a smile saka ako napatingin sa kanyang kamay saka binalik ang tingin sakanya. Ang kanyang mga mata'y sinasabing mahal niya rin si Gabriel. She even called him 'Gabby' na akala ko ako nalang ang makakatawag sakanya nito since Ria is not calling him that anymore. Akala ko si Ria parin ang tipo nito at handa sana akong magtiis na amining mahal ko siya since alam kong hindi gusto ni Ria si Gabriel. Pero dahil iba na naman ang tipo niya, parang mahirap. Mahirap dahil isa sa mga pinaka ayoko ay ang magmamahal ka pero may nasasagasaan kang ibang tao.

Nabalik ako sa ulirat ko nang magsalita si Gabriel.

"Uy, James makikipag-kamay lang di pa magawa." ani ni Gabriel.

"Ah-- sorry. Hello. James kababata ni Gabriel." sagot ko saka ko tinanggap ang kanyang kamay.

Nakipagtitigan ako sakanya saka kami bumitaw sa pakikipag-kamayan sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga titig pero ramdam ko ang tensyon sa kanyang mga mata. Ramdam ko rin ang tensyon kay Gabriel. Pero higit sa lahat, ramdam ko ang tensyon sa aking sarili.

Nag-iinit ang aking tainga, ang aking mukha sa diko maipaliwanag na karamdaman. Para akong kinakabahan or nagseselos. Halo halo na ang bumubugso sa aking damdamin.

"James!" Napalingon ako nang tinawag ako ni Nanay Pasita.

Humahangos itong papalapit sa amin. Hindi ko alam kung gaano ako nalubayan ng loob nang makita ko si Nanay. Biglang umapaw ang mga luha ko sa mata na hindi naman kaagad nakatakas sa paningin ni Nanay. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya nang nakita si Nanay.

Lahat ng kaba ko, takot at mga nararamdaman ko kanina at biglang naglaho. Lalapitan sana ako ni Nanay pero mas gusto kong pumasok sa bahay. Agad akong naglakad at nilagpasan si Nanay dahil hindi ko na kayang manatili sa harapan ni Gabriel. Nagtataka siguro sila kung bakit ako umalis nalang ng ganon pero hindi ko na alintana ang hiya bagkus mas umaapaw ang sakit na nararamdaman ko.

Alam mo yung masakit? Yung wala kang karapatang magreklamo at umiyak sa harapan ng mahal mo. Una sa lahat ako ang may kasalanan kung bakit ako uli nasasaktan. Naniwala ako sa sarili kong makakatulong si Gabriel para maka move on ako at ganun nga ang nangyare. Ngunit hindi ko alam na masasaktan muli ako sa piling niya. Hindi ito kasalanan ni Gabriel kundi kasalanan ko. Dahil hindi niya naman alam na may gusto ako sakanya. Sobrang sakit.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sakit na ito. Mahigpit kong hinawakan ang damit ko sa parteng dibdib. Nang makapasok ako sa bahay ay doon na ako napahagulgol. Hindi ko na napigilang hindi mapa-iyak. Ang tanga tanga ko para humawak sa isang taong wala akong kasiguraduhan kung tama lang na sakanya ako kumukuha ng pag-asa.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon