Everything happens for a reason. But we cannot be ascertain of how it would turn out for us. It depends on how we reflect it with our lives.Kasalukuyan akong naglalakad sa hallways ng aming college. Nothing changed except for the crowded corridors before, now it wasn't the same. Classes has started pero it seems like we weren't so ready.
Aaminin kong mas marami ang aking katamaran kesa sa aking kasipagang mag basa ng mga libro ko. Kung noon hindi ako mahilig magcellphone dahil for emergencies lang ang call and text.
But now, it seems like every second is an emergency. I always check my messages and messenger if may message ba si Gabriel. It's been a month since school has resumed.
Kwento ni Nanay ay naghahanap ng trabaho si Gabriel sa Manila. I miss him. So much.
I walked towards this bench sa corridor saka ako naupo doon. I still have 7 hours before magstart ang klase ko pero nasa school na ako. I wanted to go sa library pero hindi pa bukas. Napalingon ako sa mga estudyanteng dumaan sa harapan ko.
I sighed. Nasaan na ba si Ria? We agreed to meet pero parang nauna pa ako sakanya? First time ata to? Parating nauuna si Ria sa akin pero wala pa siya.
I was about to stand nang mag vibrate ang phone ko. Agad ko itong tinignan, expecting it was Gabriel pero si Ria lang pala.
Agad ko itong sinagot kasabay ng pag-irap ko.
"Ria. Nasaan kana?"
"Wait lang! Traffic!"
I sighed. Napalingon ako sa entrance ng college namin. May mga estudyanteng pumasok at lumalabas doon. Dagsaan na ang mga tao dito kaya agad na akong tumayo para tignan kung nakabukas na ba ng library.
"Sige. Tignan ko lang ulit kung bukas na ang library." I answered.
"Oo sige. Wait mo ako diyan malapit na ako sa College Avenue."
Pinatay ko kaagad ang tawag saka pumunta sa second floor kung nasaan ng law library. Hindi nga ako nagkamali, bukas na ito.
Agad akong pumasok at unang bumungad sa akin ang student data log in computer. Nilingon ko ang librarian at nakita kong nakangiti ito sa akin. Tumango ako sakanya saka ako nag log in at naupo sa dulong parte ng library para makaiwas sa ingay.
Maliit lang ang law library namin. Bukod sa mga libro ay may mga computers din na nasa 8 o 9 na bilang. Hindi ko rin masyado ma appreciate ang library namin dahil plywood lamang ang dingding na naghihiwalay sa isang classroom na katabi ng aming library kaya rinig na rinig ang ingay nila kung sakali.
Nilabas ko ang aking libro at nagsimulang magbasa. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang nag vibrate ang aking cellphone. Agad ko itong tinignan at napangiti ako nang makita kong si Gabriel ang nagmessage.
Gabby:
"Kamusta kana?"Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Simpleng pangangamusta lang ang message niya pero grabe na ang bilis ng tibok ng puso ko. Agad akong nag type ng sagot.
"Ayos naman. Ikaw?"
Pinalitan ko na ng Gabby ang kanyang contact name kasi parang special na ang ganyang tawag ko sakanya. Pero hindi niya alam na ganyan ang pangalan niya sa akin. Tsaka hindi rin ganyan ang tawag ko sakanya sa personal. Nahihiya pa ako.
Biglang nagvibrate ulit ang aking cellphone sa kanyang message.
Gabby:
"Okay din ako. Nakahanap na ako ng trabaho dito. Kaso under probation palang ako."
BINABASA MO ANG
Begin Again
Romance[BOOK 1] Lost in love but mended by another. James was broken for years by his greed to be loved by someone. This, however, was mended by another. James tried to be patient as he could but will time help him for his second chance to love? A James T...