Matapos kaming kumain ng lunch ay agad kaming nagpababa ng kinain. Habang abala sila Papa, Mama, Nanay Pasita sa pag-aayos ng mga pinagkainan, agad akong nagpunta sa second floor ng cottage at hinalungkat ang bag ko.
Hinanap ko ang sun screen at agad na nagpahid sa braso, mukha at leeg ko. Agad din akong nagpalit sa swimming beach shorts ko at sa rash guards. Nagshade rin muna ako para sa liwanag ng araw.
Nang makababa ako agad na sumalubong sa akin si Gabriel.
"James."
"Gabriel."
Sabay naming sambit. Napangiti siya. Nakita kong may hawak siyang sun block sa kamay.
"Nakapag lagay ka na ba ng sunblock?" Tanong niya.
I nodded. "Oo eh. Ikaw?"
"Ah. Magpapatulong sana ako maglagay sa likod ko." Sagot niya.
I gulped. Bakit ako pa? Meron naman si Ria? Sa dinami rami ng tao ako pa.
"Bakit si Ria?" Tanong ko.
"Nahihiya ako." Sumilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
I sighed.
"It's okay kung ayaw m--"
"Akin na." Nilahad ko ang kamay ko sakanya.
Ngumiti siya at agad na umakyat at pumasok sa kwarto. I heavily heaved an air. Bakit kelangan pa sa kwarto.
Agad akong sumunod sa loob.
"Nalagyan ko na lahat sa likod nalang." Aniya at tinanggal ang kanyang polo.
Napalunok ako nang makita kong muli ang kanyang topless na katawan. Why do I feel like this is the first time?! Well, James, it isn't so stop being a virgin dahil di ka na virgin.
Well yeah. Until this man took my virginity!
Right. That's very uncomfortable.
Nilalahad niya sa akin ang sun block at agad ko itong kinuha. Nakaupo siya sa bed at tumalikod sa akin. I even heard him chuckle.
"Kay Ria nahihiya ka samantalang sa akin di ka nahihiya?" Tanong ko.
I'm a little bit surprised sa boses ko because there was a hint of jealousy there. Muntikan ko ng sampalin ang sarili ko. Why did I even asked!
"Babae kasi siya." Sabay tawa niya.
"Bakla ako."
Natahimik siya bigla. I was waiting for him to talk pero di siya umimik na. Malapit ko ng matapos bahidan ng sun block ang katawan niya nang bigla siyang nagsalita.
"Kelan mo pa nalamang bakla ka?" He asked.
Di ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng mga ganitong tanong but I think curious lang siya. I cleared my throat at pinagpatuloy sa ginagawa.
"Since highschool pero closeted pa ako noon." I answered.
I saw him nod. I breathed in and out. Tapos ko ng nalagyan lahat at iniabot sakanya ang sun block. Bigla siyang humarap at nagulat ako dahil ilang pulgada lamang ang layo ng mukha niya sa akin.
"And yung tinutukoy ni Ria kanina na 'you remember him'. Ex mo yon?"
Napatitig ako sakanyang mga mata na parang nakikiusap na sagutin ko lahat ng tanong niya.
I nodded. "First Ex Boyfriend." Paglilinaw ko.
"Bakit may pangalawa ka pa ba?" He asked.
Natawa ako na umiiling habang pinupunasan ang kamay ko sa tissue. Kunot noo siyang nagsuot ng polo niya.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Romans[BOOK 1] Lost in love but mended by another. James was broken for years by his greed to be loved by someone. This, however, was mended by another. James tried to be patient as he could but will time help him for his second chance to love? A James T...