Part 19

78 8 0
                                    

"James!" rinig ko na sinigaw ni Jackson ang aking pangalan nang makarating kami sa bahay.

Agad na dumalo sa akin si Nanay Pasita at si Jackson. Kita sa kanilang mukha ang pag-aalala nang makita ako. Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Gabriel na naka bridal style. Kahit nahihilo at medyo lasing pa ako ay nagawa ko pang hilain ang aking sarili palapit kay Gabriel at saka ko tinago ang aking mukha sa kanyang leeg.

Ang kanyang amoy ay nakakaadik na sa aking panlasa. Amoy ang kanyang pawis na hinaluan ng pabango at amoy ng alak.

"Saan ka ba nagpupunta bata ka?" Sabi ni nanay saka niya ako tinignan sa bawat sulok ng aking katawan. Nang dumako ang kanyang paningin sa aking kanang paa ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Jusko po! Jackson kunin mo ang first aid sa hanging cabinet. Dalian mo!" Utos ni Nanay kay Jackson.

Ramdam ko parin ang kirot at sakit ng aking kanang paa na nakaapak ng kung anong matulis kanina. Pinisil ito ni Nanay dahilan para gumalaw ako sa sakit.

"Ma wag! Masakit yan. Ipapasok ko muna si James sa kwarto niya at para mahugasan ang kanyang paa sa kanyang CR." salita ni Gabriel.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at mahigpit akong humawak kay Gabriel nang inayos niya ako't dinala sa aking kwarto. Pinasok niya ako sa cr at saka hinugasan ang aking paa ng tubig at saka sabon.

"A-Ah! Masakit." Daing ko sa hapdi ng aking paa.

Napatingin sa akin si Gabriel saka niya ako nginitian. Nagulat ako nang dampian niya ako ng halik sa aking pisngi. Natulala ako saka dahan dahang lumingon sakanya. Nakatitig lang siya sa aking nakangisi.

"Kapag umaray ka pa lalaplapin na kita." Aniya na ikina tigil ko.

He scoffed saka niya pinagpatuloy ang paghugas sa aking talampakan. Napapangiwi nalang ako sa hapdi at sakit. Hindi ko alam pero parang gusto kong um-aray. Ngunit diko na ginawa dahil nababahala din ako na baka pumasok sila Jack o Nanay dito.

"Ano ba kasing naisip mo at nagtatakbo ka ng walang tsinelas?" Inis niyang sambit.

Hindi mo ba alam na ikaw lang ang iniisip ko buong magdamag. Naghihintay sa iyong pagdating pero di ka na bumabalik. Hindi ko maiwasang mainis sa kanyang pinapakitang pagsusungit samantalang di niya alam kung ano ang dinanas ko.

"Ikaw." sagot ko na ikinatigil niya sa paghaplos ng aking talampakan.

Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Anong ako?" Nagtataka niyang tanong.

Bumuntong hininga ako saka ko siya nilabanan ng titig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung sinasadya niyang gawin ang mang-asar para paulit ulit kong sabihing mahal ko siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko kaya napatingin siya sa aking labi saka binalik ang tingin sa aking mata.

"Sabi ko ikaw lang naman iniisip ko kaya ako walang tsinelas na tinakbo ang daan para makita ka na akala ko di ka na babalik kasi sa iba ka sumasama!" Di ko maiwasang tumaas ang boses ko sakanya.

Natawa siya saka niya pinagpatuloy ang paghugas at paghaplos sa aking talampakan. Iniinis talaga ako nito para paulit ulit kong ipahiya ang sarili ko. Hindi ko alam na kapag paulit ulit ka palang umaamin sa taong mahal mo ay nahihiya ka na.

"A-Ah!" Daing ko nang pinisil niya ang aking sugat. Tumingin siya sa akin kaagad at napatingin sa aking labi na agad kong tinakpan.

"Pinisil ko para makita kung tumigil na ang pagdurugo." Aniya saka ako tumango.

Ngumiti siya sa akin saka niya pinatay ang gripo ng shower. Agad akong nag-ayos ng upo at saka niya ako binuhat muli at pinaupo sa aking higaan. Sakto ding dumating si Jackson dala ang med kit na pinapakuha ni Nanay sakanya. Agad siyang dumalo sa aking tabi.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon