Chapter 1: He met Her

72 1 0
                                    

A/N: Hi guys, so here's my chapter 1. Hope you'll like it.

-E.xx

--------------------------------

CHAPTER 1: He met Her

"Booooo!" panggugulat ni Drew sa bestfriend nyang si Aya.

"Waaaaah! O_O Kahit kelan ka talaga!" Sigaw ni Aya habang pinaghahahampas sa braso si Drew. 

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHHAA, Tara na bespren! Pasok na tayo sa school" sabay akbay ni Drew kay Aya kaya minsan hindi din maiwasan na tuksuhin sila ng ibang tao dahil sa sobrang pagiging malapit nila sa isa't isa, ngunit nakasanayan na din ni Drew at Aya ang mga tukso sa kanila kaya parang wala nalang sakanila 'to.

Highschool palang ay magbestfriend na si Drew at Aya. Sobrang dikit sila sa isa't isa. Parehong palatawa, parehong malakas mangtrip, parehong kwela kumbaga kaya nung unang beses palang nilang nagkatabi sa upuan ay nagkapanatagan na agad ng loob ang dalawa. Hindi nagtagal, naging matalik nga silang magkaibigan hanggang ngayong kolehiyo na sila.

Si Drew ay isang binatang nagmula sa mayamang pamilya. Si Aya naman ay mula sa may kayang pamilya. Hindi naman naging hadlang ang estado ng kanilang buhay sa kanilang pagkakaibigan dahil magkaibigan ang mga nanay nila Drew at Aya at sa totoo lang, ayun ang naging dahilan kung bakit simula nung dumating si Drew sa Pilipinas mula sa ibang bansa eh napagdesisyunan ng mga nanay nila na sa iisang paaralan lang pag-aralin ang mga anak nila. Gusto rin kasi nila itong maging magkaibigan, kung tutuusin gusto nilang maging mag-asawa ang mga anak nila eh, pero sa isip isip ng dalawang nanay, masyado pang bata ang mga anak para itali sa isa't isa kaya hinayaan nalang nila na maging magkaibigan ang mga anak kung sakali at hindi nga naman sila nabigo, naging magbestfriends pa ang dalawa.

"Ooy, bespren! Ang tahimik mo ata?? Kinakabahan ka ba sa 1st day ng college life mo?? Hahahahahhahaha, weak ka talaga!" pangangantyaw ni Drew kay Aya na noon ay tahimik lamang at para bang di mapakali

"Hoooy! Hindi ah.."

"wushhooo, ako pa lokohin mo Antonia Franchesca Lozano!" 

"Pwede ba, wag mo ko tawaging Antonia, ang bantot eh!"

"Hahaha, parang ikaw, mabantot. Di ka naligo noh?!"

"Hoy Drew Robert Matias, ikaw lang naman hindi marunong maligo sating dalawa eh"

Araw araw na eksena nalang ng dalawang magkaibigan ang mag asaran, ngunit sa huli lagi pa ding talo si Aya sa pang aalaska ng bestfriend nya.  

"Haha. Eto naman! Ang aga aga ang highblood sakin. Loveyou bestfriend ^___^" sabay kurot ng pisngi ni Aya.

"Loveyou your face!-_-" pagtatampong tugon ni Aya.  

"Haha, bespren naman eh. Juk lang ^^. Oh, eto na tayo. Welcome college life!!!! Yuheee" Sabay akbay muli ni Drew kay Aya. 

Pagpasok na pagpasok nila ng gate napanganga si Aya sa dami ng estudyanteng naglalakad sa University na pinasukan nila, ang daming magaganda't gwapo. Sabagay, pang mayamang paaralan naman talaga 'to at sikat na sikat na unibersidad. 

"O____O Ang daming tao bespren" sabi ni Aya habang pinagmamasadan pa din ang mga taong palakad lakad sa harapan nila. Malayong malayo kasi ito sa paaralan nila nung highscholl na 12 lang sila sa klase kaya naman naninibago talaga sya.

He Will Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon