Chapter 7: Drew's Flashback

32 0 1
                                    

[FLASHBACK]

[Drew's POV]

4th year na kami ni Aya. Graduating na kami kaya mejo busy. Ayy, andito nga pala ko sakanila ngayon, inaantay sya. Magbabonding kami eh, miss ko na din kasi sya. Sembreak na kasi namin, eh kaso kahit sembreak busy pa din sya sa mga program na gagawin sa school eh. Officer kasi sya ng SGO. Tas yun, mga ilang araw na din kami di nagkikita kaya naisipan kong puntahan sya kaso wala pa pala sya. Nagpaalam ako kay tita na dun nalang ako sa kwarto ni Aya mag aantay. Inaantok din kasi ko, well, para na kayang anak na din ako ni Tita tsaka kasi nga gusto nila ako para kay Aya. *u* Tsaka home sweet home na ko sa bahay nila noh. Ganun din naman si Aya samin. ^_^

Umakyat ako sa kwarto ni Aya. Ang kupad talaga nun -__- Eh, basta dito nalang muna ako sa kwarto ni Aya. Hmm, napagisipan ko magtingin tingin ng gamit ng bestfriend ko :) HAHAHAHAHAHA, Revenge 'to! Lagi din nya kasi pinapakealamanan mga gamit ko eh. 

Tawa lang ako ng tawa sa mga pictures nya. Tas may nakita akong isang box. Hmm, ano ba 'tong mga ntbk na to?? Diary?? At dahil mabait akong bestfriend, pinagbabasa ko yung diary nya. HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHA, tawa lang ako ng tawa. Nung elementary pa pala sya neto. Puro yung crush nya nakalagay. HAHAHA, May pang asar na ko sakanya. *evil laugh* Napagod na din ako kakawalwal sa gamit ni Aya, napagdesisyunan ko ng humiga. Hmm...

"ARAAAY!" ayy, ano ba yun ang sakit??  May nadaganan akong matigas sa ilalim ng unan ni Aya. Ang sakit ah. Tinignan ko naman yun at nakita ang isang notebook. Hmmm.. Ano 'to?? Diary ulit? 

Binuksan ko naman ang ntbk. 

"Journal..." mahina kong sabi sa sarili ko. Binuklat ko pa ang mga kasunod na page. O___O Oh??? Bat andito ako?! Ahhh, eto yung 1st time na nagkita kami, sus, sabi na eh, nagwagwapuhan sakin 'tong bespren ko eh. Oh nakasulat sa diary nya oh. AHAHAHHAA. Nagbasa pa ko ng nagbasa, nakakatawa mga nakalagay. Mejo weird din talaga 'tong bespren ko. 

"November 28,2010..."  binabasa ko ng mahina ang diary nya, tas O____O nagulat ako sa nilagay nya sa diary nya. Nung isang araw lang to ah?! Teka, ano 'to?? O__O Inlove na sakin bespren ko???" O_o

INLOVE SAKIN SI AYA!! INLOVE SAKIN SI AYA!!! ^____^ ang saya saya ko nung araw na yun, inlove din sakin yung babaeng mahal ko. Oo, sa isang taon at ilang buwan kaming magksama, nainlove din ako kay Aya. Sya yung tipo ng babaeng gusto ko eh, simple lang tsaka masayang kasama. Tas ngayon nalaman kong mahal din nya 'ko! Ang saya saya ko ^_____^  Agad ko namang binalik ang journal nya sa ilalim ng unan nya dahil narinig ko na ang boses ni Aya. Anjan na sya. Nagtago ako sa likod ng pintuan nya nung marinig ko na yung yabag ng paa sa hagdanan, baka si aya na yun, gugulatin ko. Mwahahahha

Bumukas na nga ang pintuan ng kwarto ni Aya,at ng makasigurado akong si Aya ang pumasok

1

2

3

"Boooooooooooooooooo!" sigaw ko ng malakas at kahit nakatalikod si Aya, nakita ko ang pagkagulat nya :D Epektib! :D

"MAMAAAAAAAA! TT___TT" Gulat na gulat na napasigaw si Aya, nung nakita naman nya akong tawa ng tawa bigla syang tumakbo papalapit sakin na msamang masama ang tingin atsaka pinaghahampas ako.

"Waaaaah! Lintek ka talaga! Lagi mo nalang ako ginugulat, gusto mo ba 'kong atakihin sa puso?!!"  tawa pa din ako ng tawa kahit gigil na gigil na sya sakin. :D Ang kyut nya kahit galit pa din, lalo ako naiinlove pag naiinis sya sakin. *u* HAHAH. Ayaw pa din nya tumigil sa paghahampas kay niyakap ko nalang sya, inipit ko yung dalawang kamay nya tas niyakap sya. SObrang tuwa ko din siguro kasi nalaman kong mahal din nya 'ko.\(^___^)/

"Bitawan mo nga ako" pagtatampong sabi nya.

"Ehhh! Ayoko nga, namiss kita bespren eh^^" sabi ko naman sakanya. 

"Tse!" Tas tinulak naman nya ko kaya napaupo ako sa kama

 Ehh?? Bat ganun ang cute pa din nya?? ^__^ HAHA

[End of Flashback]

Oo, mahal ko nga si Aya. Sa totoo lang ilang beses ko na inattempt na magtapat sakanya kaso ewan ko ba, natatakot ako eh. Pano pag nasaktan ko sya?? Kahinaan ko pa naman yung iyak nya. Ewan ko ba! Natatakot talaga 'ko. Ayoko mawala sya sa buhay ko, eh pano kung maging kami tas nagbreak kami?? Pano na ko?? Mawawala yung bestfriend ko. Kaya yun, napagdesisyunan kong wag muna umamin. Naghahanap ako ng babaeng mapagbabalingan ng atensyon, gusto ko muna iwasan si Aya, lalo akong naiinlove eh. >_< Sakto naman nakilala ko si Irene, yun, mejo nalibang naman ako, lagi ko syang kasama. Masaya naman ako eh, pero may kulang. May kulang talaga, si Aya pa din e. Si Aya yung niisip ko kahit kasama ko si Irene.

One time, hindi ko na kayang tiisin eh, miss na miss ko na talaga si Aya, tinext ko na sya. Sabi ko magkita kami, susunduin ko sya sakanila. Balak ko na din umamin sakanya. Mahal ko talaga ang bespren ko eh. Gusto ko sya maging girlfriend! Ahhhhh. bahala na nga eh. Tas yun sinundo ko sya nung gabing yun, nagulat ako pagpasok ko ng kwarto nya. Himala ahh, nagayos ang bespren ko. Lalo pa syang gumanda sa totoo lang. Niyaya ko sya sa park, this is it na ba? Isip ko nun. 

"Ooy bespren ano ba yung sasabihin mo sakin?"  pangungulit nyang tanong sakin nun.

"Eh kasi ano eh.." kinakabahan ako. Parang ang hirap sabihin nung eh kasi mahal kita. Ayun lang naman gusto ko sabihin sakanya eh. Eh bat ganito pinangunahan nanaman ako ng takot ko! Bwiset! :'( 

"Ha?? Ano??" sabi nya sakin. 

"Liligawan ko na kasi si Irene, gusto ko maging memorable yung panliligaw ko sakanya. Tulungan mo ko please bespren"  Ayun nalang yung lumabas sa bibig ko. Kitang kita ko namang nasaktan sya sa sinabi ko. Pero nasasaktan lalo ako, ayoko nga sya makitang masaktan, pero wla eh, pinangunahan ako ng takot ko! Ang tanga tanga ko nun! Tumango nalang sya sakin, tutulungan daw nya ko sa panliligaw. Eh! si Aya ang gusto ko ligawan, hindi si Irene! Patay na. Napasubo na TT__TT. Tas nagpaalam na sya sakin nun, alam kong joke lang yung may gagawin sya, sabi nya kasi may gagawin daw sya. Pero alam ko namang nasaktan ko sya kaya gusto na nyang umalis eh. Tumayo na sya at nagmadali umalis.

"gusto kita Aya,  mahal kita. Sorry, nangibabaw nanaman ang takot ko. Nasaktan tuloy kita" naluluha kong sinabi habang pinagmamasdan ang papalayong si Aya. 

Nung araw na gumagawa kami nung props na gagamitin sa panliligaw ko kay Irene tamad na tamad ako nun. Ayoko na nga ituloy eh, kaso nageeffort na silang lahat. Ano ba 'to!! Andun pa si Aya, alam kong nasasaktan sya pero wala eh.. Weak ako, takot akong masaktan ko sya, pero sa ginagawa ko nasasaktan ko pa din sya eh. Di ko alam gagawin ko nun. Kinausap ko si Aya nung araw na yun, tinanong ko sya kung sasagutin kaya ako ni Irene. Tumango naman sya, tas nagpanggap akong masaya ako, niyakap ko sya kunyare dahil sa sobrang tuwa ko. Pero di nya lang alam, niyakap ko sya kasi nakikita ko sa mga mata nyang nasasaktan ko sya. Ang hirap.

Nung araw naman na nagpropose na ko kay Irene kung pwede ko ba sya maging girlfriend, nakasuporta pa din sakin si Aya nun. Di man nya pinapakitang nasasaktan sya, pag tinititigan ko ang mata nya, kitang kita ko yung sakit na nadulot ko sakanya.  Natapos yung proposal, hinanap ko agad si Aya habang nakayakap ako kay Irene. Nakita ko naman sya, naglalakad papalayo, parang nagpupunas ng luha. Parang kinukurot naman yung puso ko nung nakita ko si Aya. Nasasaktan nanaman sya at ako ang dahilan! 

Pano na 'to?? Pano na 'ko makakawala sa desisyon na 'to??? May girlfriend na ko, pero hindi naman talaga sya ang mahal ko.

-----

A/N: Yehey. Tapos na Chapter 7, ang sipag ko mag update noh?? Gusto ko kasi matapos na 'to bago magpasukan sa Monday. Yay. Sana matapos ko na 'to. Comment/ Suggest po kayo para sa story. It's a big help po. Thankyou :*

-E.xx

He Will Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon