[DREW's POV]
3 months na kami ni Irene, ang bilis ng panahon noh, pero bat ganun?? Parang ang lamig na nya. Hindi na ko sumasaya pag kasma ko sya. Puro away na pati, ang hirap nyang suyuin pero nagtitiis lang ako. Minsan lumilipas ang isang linggo hindi na nya ko tinetext. Speaking of hindi tinetext, hindi ko pala narereplyan ang bestfriend ko sa mga text nya ah, napakadalang na. >___< Nakoo, baka nagtatampo na sakin yun, isip ni Drew.
TO: Bespren <3
Bespren!
*sent!*
Nakatulog na pala ko habang nag aantay ng reply ni Aya. Agad kong kinuha ang cellphone ko,at chineck, 4 msgs. 3 GM, 1 galing kay Irene. Tss, nakakawalang gana narin 'tong si Irene eh, pag tinext ko mag aaway lang din kami.Bored na bored na ko, kaya bumaba nalang ako sa garden para magpahangin.
"Nak, nabisita mo na ba si Aya?" ay, si mommy pala. Teka?? Ano daw?? Si Aya??? O__O
"Ha? Bakit napaano si Aya?"
"Di mo alam?! O_O" kitang kita sa muka ni Mommy ang pagkabigla, pero teka lang?? Ano ba talaga nangyare??
"Ano nga nangyari Mommy?"
"Naospital sya ah. 3 days din sya don, kanina ata nakauwi na. Mejo okay na ata"
Nabigla naman ako sa sinabi ni Mommy. Naospital ang bestfriend ko?! :O Bat hindi ko alam. >_< Nagmadali tuloy akong pumunta sa bahay nila Aya. Pinapasok agad ako ni Tita at sinabing nasa kwarto daw si Aya, nagpapahinga. Puntahan ko nalang daw kasi may inaasikaso pa sya. Tumango naman ako kay tita at dali dali umakyat sa kwarto ni Aya.
Pagpasok ko, nakita ko si Aya, nakatalikod sya eh mula sa kinakatayuan ko, pero kita kong yakap nya yung stuff toy na bigay ko sakanya. Umupo ako sa gilid ng kama nya habng pinagmamasdan lang sya. T-teka?? Humihikbi sya?? O__O Umiiyak ba sya?? :o
"Aya?? Gising ka ba" napansin ko naman ang pagtigil ng paghikbi nya at lalong humigpit ang pagyakap sa stufftoy. Oh?? Umiiyak nga yung bestfriend ko!! :| PInilit ko naman syang humarap sakin at nakita kong nakapikit sya at lumuluha.
"Aya?? Bakit ka umiiyak?! Ui!! Hindi pa din sya nagsasalita, ano ba 'to! Nakakapanic naman bespren ko. Ano bang nangyayare sakanya?!
"Aya, ano?? May masakit ba??" nagwoworry na ko, lalo pa syang umiyak, ano ba to?!
"Drew, ang sakit.." hala! Msakit daw?! :( Anong masakit?? T_T Anong masakit sa bespren ko.
"... ang sakit sakit Drew."
Bat ganun, nasasaktan din ako, parang napakawalang kwenta kong besprend. Humiga din ako sa kama nya at niyakap nalang sya. Nasasaktan sya, bat nasasaktan ang bestfriend ko. NIyakap din nya ako pabalik at patuloy pa din umiiyak
"Bespren ko, tama na. Wag ka na umiyak oh. Nag-aalala ako sayo eh"
""Talaga? nag-aalala ka?" umiiyak pa ding sabi nya. Tumango tango naman ako. Naging tahimik ang sumunod na minuto. Maya maya naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap sakin ni Aya. Nakaharap siya sakin at nakasubsob sa may dibdib ko, at ako naman eh nakapatong ang baba ko ulo nya. Nilayo ko ng bahagya ang ulo ko at nakitang nakatulog na pala siya. Pinunasan ko ang luhang umagos mula sa mata nya. Di ko din naiwasang pagmasdan sya habang natutulog. Oo, lagi ko naman sya pinagmamasdan habng natutulog eh, pero ngayon iba. Kasi alam kong nasasaktan sya, miski ako walang magawa eh. Pero teka, bat nga ba sya nasasaktan?? Bat sya naospital?? Anong masakit sa bespren ko??
Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat makita syang nasasaktan. Kaya nga pinili kong humanap ng ibang mamahalin eh, kaya siguro tinago ko 'tong nararamdaman ko. Kasi natatakot ako, natatakot ako. Baka masaktan ko lang sya...
Oo, Tama kayo. Mahal ko ang babaeng 'to. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko, higit pa sa pagiging bestfriend kaso...
Hindi ko kayang makita syang masaktan lalong lalo na kung masasaktan sya at ako ang dahilan.
-----
BINABASA MO ANG
He Will Never Know
Novela Juvenil"I like you. But I can’t like you. You have someone and we’re just friends. Sometimes I question that. We click. We constantly talk. We have a lot in common. Our personalities intertwine together. I have never really had a crush on someone and not...