Chapter 3: Being a Bestfriend

35 0 0
                                    

Chapter 3

If you love someone, showing is better than just telling it.

AYA's POV

1 month since classes started. 1 month simula nung nakita nya yung babaeng yun. 1 month simula nung naging matamlay na yung pakikitungo nya sakin. 1 month na! :( 

Pinapakita ko sakanyang okay lang ako, na ganun pa din, pero bat ganun?? Nawawalan na sya ng panahon sakin? Puro Irene na, IRENE!! IRENE! IRENE!, eh pano naman si AYA?? Pano na ko :'(  Namimiss ko na yung bestfriend ko ah. Miski text bihira nalang.

Bored ako ngayon, weekend eh. Kinuha ko agad phone ko at tinext si Drew, ayun na kasi yung nakasanayan ko pag gigising ako eh..

TO: Bespren <3

Goodmorning Bespren!!! Wake upp na, kain na ng breakky. Missing you -__-

Syempre, nagaantay ako ng reply nya.Eh kaso mag aalas dose na wala pa din syang text :( Eh?? Napaano na kaya yun? :( Ugh.

Napaka boring ng araw na 'to. Tinititigan ko lang yung fone ko. waiting for his text. 

1 MESSAGE RECEIVED

From: Bespren <3

Time: 3pm

Bespreeeeeeeeeeen! Sorry ha?? Di kita natetext. Anyway, sunduin kita jan senyo, I'll tell you something. Foodtrip na din tayo.. ^^

*Reply*

To: Bespren<3

Yes Bespren. I'll wait. :)

Natuwa naman ako! Yesss! Sa wakas, naalala ako ng bespren ko \(^____^)/   Yehey, magksama kami mamaya. I'll prepare na. Miss na miss ko na talaga sya eh. Matapos maligo, nag ayos ako. Hmm, gusto kong mag ayos para sakanya, gusto kong mapansin naman nya ko. Ano?? Aamin na ba ko? TT_____TT

END OF AYA'S POV

[DREW'S POV]

Di pa din ako makapaniwalang nagustuhan ko si Irene kahit na hindi naman yung tipo nya ang gusto ko sa babae. Pero ewan ko ba, masyado ata akong natutuwa tuwing kasama ko siya. Magkikita kami ngayon ni Aya, ibabalita ko na din sakanya ang plano kong panliligaw kay Irene. ^__^

Pinuntahan ko si Aya sa bahay nila, pinataas na din ako nila Tita dahil kilala naman ako neto at pumasok na ko sa kwarto nya. Haha, ganun naman ako lagi eh. 

"Hoy Bespren!!!" Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako nung nakita ko sya.

"Ayy anak ng sampong butiki!" nagulat din ata sya, malamang! Pero ang kinagulat ko talaga eh yung naninibago ako sa muka nya. Parang may mali, parang may nagbago. -____- Aha! Naka make up ang bespren ko! *___* Oo, maganda sya pero mas nagagandahan ako sakanya pag simple lang sya. 

"Ohh bespren?? Ang sama naman ng tingin mo?" sabi sakin ni Aya, tinititigan ko pala sya dahil iniisip ko kanina kung ano yung bago sa muka nya, nagmake up pala.

"ahh, wala wala. Tara na?" tumango naman sya. Bumaba naman kami at pinagpaalam ko siya kela Tita. Syempre, malaki tiwala sakin nun kaya basta ako ang kasama ni Aya, wala silang tutol *u*

[End of Drew's POV]

"ooy bespren ano ba yung sasabihin mo sakin?!" pangungulit ni Aya sa kaibigan.

"Eh kasi ano eh..." hindi matutuloy tuloy ni Drew yung sinasabi, syang kinakaba naman ni Aya.

Baka napansin na din ako ni Bespren??! :"""> Baka magtatapat na sya sakin na mahal din nya ko. *YEHEY* ^^, isip ni Aya

"..eh kasi, g-gusto..." bitin na bitin na pagsasalita ni Drew.

"gustooo?? Ituloy mo na!" nakangiting sabi ni Aya. This is it!, sabi ng utak nya :)

"Gusto ko sana magapatulong sayo, ano kasi eh..." 

"Ha?? Ano?" halatang halata ang pagkadismaya ni Aya sa narinig mula sa kaibigan, ang gusto lang naman  nya marinig eh yung dalawang salita 'gusto kita' eh kaso, hindi pala ayun yung sasabihin ni Drew

"Liligawan ko na kasi si Irene, gusto ko maging memorable yung panliligaw ko sakanya. Tulungan mo naman akong gumawa ng mga pangsurprise sakanya oh?? Please Bespren, please (-/\-)"

Parang binagsakan naman ng sampong milyong malalaking bato si Aya sa kinakatayuan nya. Iba yung sakit na nararamdaman nya. Sobra syang nasasaktan sa nangyare. Hindi nya alam kung binabangungot lang ba sya o ano.

"Ui bespren?? Ano? Di ka na sumagot jan?"

" H-ha? a-aahh, sige.Go ako jan! ^^" pero sa totoo lang, sobrang nasasaktan si Aya sa mga nangyayare. Eto na yung consequence ng pagiging inlove sa bestfriend. Eto na ramdam na ramdam na nya.

 ---

A/N: sorry sa update. Ang tagal nung exciting part. Sorry guys :(

He Will Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon