[Irene's POV]
Hi, Ako si Irene. Girlfriend ako ni Drew, 3 months na kami. Oo, gwapo sya, mabait, at sweet pa. Full package na nga kumbaga. Yes, I love him. Pero alam nyo ba sa 3 months na naging kami, may napansin ako sakanya.
Everyday pag magkasama kami lagi nyang sinisingit sa usapan si Aya. Syempre nagseselos ako, pero alam ko namang bestfriend nya yun eh. Akala ko mababago yun, but then nung ika 2nd monthsary namin isusurprise ko dapat sya. I saw him na nakaupo sa bench ng school. May dala dala akong cake nun, at dahan dahan akong lumapit sakanya, nakatalikod kasi sya. Pero nagulat ako nung nakalapit na ko sakanya, he was crying. Tas may hawak hawak sya. So lumapit pa ko lalo...
"Babe!" sigaw ko sakanya. Halatang halata ko ang pagkagulat ny, may binitawan syang papel, ay teka, picture ata yun at bigla syang nagpahid ng luha. "Are you crying??" tanong ko sakanya.
"Hindi ah! Bat naman ako iiyak" bigla syang ngumiti.
"Sus. Nakita kita!"
"Ahh, eh kasi anoo... namimiss ko si Lola." bigla naman sumimangot muka nya. Tas tinignan nya yung cake na dala dala ko atska ngumiti ulit.
"Ayy, Happy 2nd Monthsary Babe!" ngumiti nalang din ako, ayokong sirain ang araw namin noh. Tas parang nalungkot ulit sya, ay abnormal ata? Ngingiti tas sisimangot ulit.
"Nakalimutan mo noh??" pagtatanong ko sakanya. Baka nakalimutan nya kasing monthsary namin, di bale. Okay lang naman eh. BIgla syang tumayo, kinuha yung cake sa kamay ko at niyakap ako. Napangiti naman ako dun. Tas niyaya nya ko umupo sa bench, nagkwekwentuhan lang kami tas bigla syang may kinuha sa bag nya.
Isang balloon na nakalagay sa stick, yung maliit lang then 3 red roses. Sobrang kinilig ako nun, akala ko kasi nakalimutan nya eh. :"">
"Pwede ko ba naman makalimutan ang monthsary naten." sabay abot nya sakin nung roses at balloon. Sa sobrang saya ko hinalikan ko sya sa pisngi. Tas maya maya pa niyaya nya na ko pumunta ng classroom. Pumayag naman ako, pero nung nakatayo na sya at nakatalikod sakin, dali dali ko tingnan yung nalalglag ni Drew nung tinawag ko sya.....
picture ni Aya yung nalaglag nya.
[End of Irene's POV]

BINABASA MO ANG
He Will Never Know
Teen Fiction"I like you. But I can’t like you. You have someone and we’re just friends. Sometimes I question that. We click. We constantly talk. We have a lot in common. Our personalities intertwine together. I have never really had a crush on someone and not...