Chapter 8

32 0 0
                                    

[AYA's POV]

Kakauwi ko lang samin, naospital ako for 3 days eh. Alam nyo kung bakit?? 

Inantay ko kasi si Drew dun sa park. Friendsary kasi namin nun, eh yun, tinext ko sya. Nagreply naman sya eh. Sabi nya "Sige." ang tipid nga ng reply nya eh. Badtrip ata? Baka nagaway nanaman sila ni Irene. Pero yun nga, nagplano ako ng surprise para kay Drew, miss ko na kasi yung bespren ko. 7 pm naman yung laging meeting time namin tuwing friendsary namin eh. Eh kaso 9:30pm na, wala pa sya. Hmm, hihintayin ko nlang sya. Miss ko na talaga sya tsaka imposibleng makalimutan nun ang friendsary namin, yun pa! 

Inayos ko yung cake, balloons tsaka yung picnic blanket para sa dinner namin. Antagal naman nun, di pa ko nagdidinner, isip ko. >_< Naiinip na talaga ko nun, kasi quarter to 10 na eh Antagal. Eh kaso...

"Hmm. ano yun?? Umaambon ba??" -_________- ay baka laway ko lang yun, isip ko :D Pinilit ko aliwin sarili ko. Onting antay nalang, minsan lang naman ma-late si Drew eh, e kasi pag gumagala kami ako lagi late. :) 

"HALAAAAAAA! T______________T"  biglang bumuhos yung malakas na ulan! Nakakainis yung ulan! Sinira nya yung plano ko! Yung set up ko sa park! >_< Badtrip, pano na pag dumating dito si Drew?? Ode wala na! Basang basa na lahat! Nakakainis. Agad ko namang niligpit lahat, sayang lang talaga. >_< Teka? Puntahan ko nalang kaya si Drew sakanila? Sayang naman yung pinrepare ko eh. Tas yun, kahit umuulan, kahit basa na yung box nung cake, kahit basang basa na ko, pati yung balloons, pumunta ako kela Drew, malapit lang naman eh. Malapit na ko kela Drew, bute nalang, nilalamig na din kasi ako e. Eh kaso...

mula sa kinakatayuan ko, nakita ko si Drew, pinapayungan si Irene. Oo, nandun si Irene sakanila. <////3 Pero pauwi na ata? Naglalakad sila ni Drew eh, ihahatid na ata ni Drew sa sakayan. Ang sakit sakit, sobra akong nasaktan nung nakita ko yun. Sumabay yung luha ko sa lakas ng ulan. Ang sakit sobra. Wala na talaga ako para sa bespren ko. Nalimutan na nya ko. Drew, hindi na ikaw yung drew na kilala ko!! Hindi hindi na ikaw yun!! T__T Sobrang sama ng loob ko sakanya. Iniwan ko nalang yung dala dala ko habang tumakbo 'ko pauwi. 

Dahil sakitin akong bata, kinabukasan nilagnat na ko. SObrang taas ng lagnat ko. Kinausap ko din sila na wag na ipaalam kay Drew na nasa ospital ako. Wala naman na syang pakialam sakin diba? 

Pagkauwi ko sa bahay, wala pang isang oras akong nagpapahinga biglang may pumasok sa kwarto ko. Ahh, baka si mama lang. Kelangan ko magtulog tulogan, ayoko kasing makita nya 'kong umiiyak eh. Eh kaso biglang nagsalita. Si drew pala! T____T Bakit sya andito?! Ayoko sya makita!!! Sobra na nya kong nasasaktan!!! Lumapit sya sakin, ano ba yaaan! Pinilit pa nya ko humarap sakanya, nung nakita ko muka nya kahit mejo blurry yung paningin ko, naaninag ko yung muka nyang nagwoworry. Wow ha?! Yung totoo, ngayon ka lang ulit nag-alala sakin ng ganyan! Ni-hindi nga nya ko nakamusta eh kaya di nya alam na naospital ako! Nakakainis! 

"Bakit ka umiiyak?? May masakit ba? Ha?" worry nyangtanong sakin, lalo naman tumulo yung letseng luha ko.

"Oo drew. Ang sakit... Ang sakit sakit Drew" ayun nalang ang sinasabi ko. Ang sakit sakit ng ginawa nya sakin, ang sakit na pinaghintay nya ko pero busy pala sya sa mahal nya. Ang sakit na wala na syang pakialam sakin. 

 Bigla namang humiga si Drew sa kama ko at niyakap ako. Eto, eto yung yakap na nakakabawas ng sakit na nararamdaman ko. Sa tuwing niyayakap ako ni Drew feeling ko magiging okay lahat, kumakalma ako

"Ui wag ka na umiyak Bespren. Nagaalala ako" 

"Talaga?? Nag-aalala ka?" tanong ko naman sakanya, nakita ko syang tumango, at ayun nalang yung huli kong naalala. Nakatulog na pala ako.

Kakagising ko lang. Umaga na pala. Nakatulugan ko si Drew habang andito sya. Ang sakit din ng ulo ko, kakaiyak siguro tsaka kakagaling ko lang din sa sakit dba? 

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko, tas may napansin ako sa side table ko. WOW! Breakfast? Breakfast in bed ang eksena? Kinuha ko yung tray ng pagkain sa side table, may papel pang kasma.

Aya

I'm sorry. :'( Here's your breakfast and your medicine. Get well soon.

Drew

O____O Eh?? Nanaginip ba 'ko?! Si Drew? Galing to kay Drew? :o Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at nakita ako ni Mama.

"Oh?? Anak, nagbreakfast ka na ba? Kinain mo ba yung pinrepare na breakfast sayo ni Drew?"  

Hala??? Si drew nga talaga gumawa nun! Umiling ako kay Mama at pumasok ulit ng kwarto. Teka, bat may I'm sorry?? Alam na kaya nya yung dahilan kung bat ako naospital?? :o 

----

A/N: Ano ba yan, hindi ko pa din sya matatapos. Yun lang. Thankyou <3

He Will Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon