Chapter 5: The Proposal

51 0 0
                                    

" Ayaa!!!"  sigaw ni Marga nung nakita nya si Aya sa bench ng University. Magiistart na yung klase ah, bat andito pa sya? isip ni Marga. NIlapitan nya ang kaibigan at kitang kita sa mata neto na katatapos lang neto umiyak.

"Aya? ANong nangyare?! Bat ka umiyak?!!"

"Ha?? Ako? Umiyak?? Di noh! Pambata lang yun!" pansin na pansin naman ni Marga ang fake smiles na ipinakita sakanya ni Aya. 

"Ano?? Magdedeny ka nanaman? Halata naman eh!" Nagulat naman sya ng bigla syang niyakap ni Aya at naramdaman narin nya ang pag iyak nito. Hinaplos haplos naman nya ang likuran ng kaibigan, alam nyang nasasaktan ito.

"M-marga.. N-nakita ko kasi s-si s-si D-Drew at Irene..." lalong umiyak naman si Aya habang nakayakap pa din kay Marga.

"..... Marga, ang sakit sakit Marga! Ang sakit. Eh ginusto ko naman 'to diba?! Ginusto ko 'to!!! Nainlove ako sa bestfriend ko!" malakas na sigaw ni Aya, ramdam na ramdam naman ni Marga yung sakit na dinadanas ni Aya. Hinayaan lang nya na magsalita si Aya para kahit papaano eh gumaan ang pakiramdam neto.

"Tas kagabi... nagkita kami ni Drew...

...

...

...

Nagpapatulong s-sya sakin na gumawa ng surprise pr-proposal kay Irene, p-para maging g-girlfriend nya. M-MARGAAA! Hindi ko kay! Hindi ko alam kung kaya kong makita yun." 

"Oi, Aya. Tumahan ka na oh! Magang maga na yang mata mo." pag aalo naman ni Marga sa kaibigan. Hindi nya alam kung ano gagawin nya.

"Sige, pumasok ka na muna Marga. Hindi ko ata kayang makita si Drew at Irene"

Tumango naman si Marga at nirespeto nalang ang desisyon ng kaibigan. 

[AYA's POV]

Malapit na ang klase, andito pa din ako sa bench. Di na kasi ako pumasok kasi sobrang bigat ng pakiramdam ko kanina. Bute nalang dumating si Marga. :'( Oh ano?? Ganito nanaman ako, karamay ang Journal ko, eto ang unang bestfriend ko eh. Bute nga di 'to nagtampo nung di ko na sya nasusulatan nung mga panahong busyng busy ako kay Drew. Eh ngayon, nakalimutan na ko ng bespren ko kaya balik ako sa journal ko.

Biglan naman akong nakapagcompose ng kanta dala na din siguro ng emosyon ko.

Drew looks at me

I fake a smile so he won't see

What I want and I need

And everything that we should be

Ayan, nakagawa na ko ng isang stanza. Pero di ko na natapos nung nakita ko si Drew, palapit sakin.  Dali dali ko namang sinara ang journal ko at tinago sa bag ko.

"Bespren!" tawag nya sakin, nginitian ko sya at nagwave ang kamay ko

"hello bespren" nakangiting sabi ko. Tinitigan naman nya ako at umupo sa tabi ko habang hindi naalis ang tingin sa muka ko. Ayan nanaman, ayan nanaman ang mga titig nya, kaya mainlove ako eh >__<

"Uy bespren, wag mo naman ako titigan ng ganyan" sabi ko sakanya

"Hmm. Umiyak ka ba bespren?! O_O" 

"Ha??? a-aah, a-anoo.. Uhm Oo. Eh ksi bespren nakakaiyak yung movie na pinanuod ko kagabi eh! >_<" agad kong sabi sakanya para di na sya magtanong.

"O_O HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAH, Weak ka talaga bespren! Iyakin ka talaga!" tuwang tuwang sabi nya.

"Oy! Ano ka ba naman! >___< Wag mo ko pagtawanan."

"Dat niyaya mo ko manuod kasama mo para may taga abot ng tissue sayo habang umiiyak ka" 

"sus, busyng busy ka na nga sa Irene mo eh >_<" mahina kong sabi.

"Ha?? Ano yun Bespren??"

"Ha?? Wala wala. HAHAHA. Oh, ano na palang plano mo sa panliligaw mo kay Irene?"

"Ah, yun nga pala pinunta ko dito..." aray! ang sakit naman nun, akala ko namiss nya ko kaya pinuntahan ako dito. 

"... Papatulong sana ako gumawa ng mga letters, bubuoin ko yung words na 'CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?' " with matching hand gestures pa sya nung sinasabi nya yun.

"yes..."  biglan ko nalang nasabi yan

"Ha?? Bespren?? HAHAHAHHAHAHAHAHAHA, di para sayo yun! Para yun kay Irene!. HAHAHA"  kinurot naman ni Drew ang pisngi ko, napayuko naman ako sa sobrang kahihiyan. Ano 'to?? Pinapamuka nya sakin na hindi para sakin yun. Ugh! Tumayo na tuloy ako at nagpaalam sakanya, sabi ko nalang may kelangan pa kong tapusin.

[End of Aya's POV]

Kasalukuyan namang ginagawa na nila Aya ang gagamitin para sa panliligaw ni Drew. Labag man sa kalooban nya, kailangan nyang pakitaan ng suporta ang bestfriend nya. Malapit na din naman sila matapos.

"Bespren, kinakabahan ako bukas. Pano kung hindi sya pumayag?? O_O" sabi ni Drew kay Aya

"Papayag yun. Halata namang gustong gusto ka nya eh"

"Talaga??^__^"

tumango tango naman si Aya.

"Thankyou Bespren!!^^" lumapit si Drew kay Aya at niyakap ito ng mahigpit, ngayon nalang sya ulit niyakap neto simula nung 1st day ng college life nila. Pero bat ganun?? Nasasaktan si Aya habang niyayakap siya ni Drew...

Lahat naka set up na dito sa open space ng university, inaantay nalang ang pagdating ni Irene sa meeting place kung saan magpropropose si Drew. Si Aya naman ay hawak hawak ang isang construction paper na may letrang "A". Kasama sya sa mga bubuo nung "CAN YOU BE MY GIRLFRIEND IRENE?" eh, bawat letters isang tao, tas si Drew naman hawak ang isang malaking "YES" na word na nakalagay sa construction paper at may "No" din na word kaso sa maliit na papel lang nilagay. Dun pipili ng sagot si Irene.

Maya maya pa ay padating na si Irene, at agad na pumila naman ang mga may hawak ng letters. Marami rami na din ang mga estudyanteng nanuod sakanila ngayon, si Irene naman ay gulat na gulat sa nakita. Para bang hindi makapaniwala sa nababasa nya, at dun na nagsimulang lumabas si Drew mula sa likudan ng mga nakahilerang kaibigan, dala dala ang isang boquet ng roses at yung "YES" and "NO" na pagpipilian ng sagot ni Irene. Nakangiting lumapit si Drew kay Irene, at wlang humpay naman ang tilian ng mga tao sa paligid. Lumuhod naman si Drew sa harapan ni Irene at tsaka sinabing "IRENE, CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?", lalong lumakas ang hiyawan at kantyawan ng mga taong nanunuod sakanila. Napahawak naman sa bibig si Irene at naluluha luha, habang tumango at kinuha ang salitang "YES" sa kamay ni Drew. Tumayo si Drew at sabik na sabik niyakap si Irene.

"HOOORAAAAAAAYYYY!!!"

"YIEEEEEEE! KISS KISS"

"ang sweeeeet! Ang gwapo pa nung Guy"

"Maganda din naman yung girl eh"

Ayan yung mga naririnig na salita ni Aya. Nasasaktan sya habang sinasaksihan ang mga pangyayare. Pinahawak nya nag hawak hawak nyang papel dun sa lalaking katabi nya atsaka umalis na sa lugar na yun, di na nya kaya yung sakit eh.

"Aya?!!" tawag sakanya ni Marga, lumingon lang si Aya at nginitian si Marga at tska pinagpatuloy ang paglalakad.

---

He Will Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon