Chapter 4: FLASHBACK

54 0 0
                                    

AYA's POV

[Flasback]

Dear Diary,

I’m falling for him. I’m falling for his smile. I’m falling for his laugh. I’m falling for his hugs. I’m falling for him. Pero bestfriend ko sya. Hinahayaan nya kong umunan sa tyan nya kahit di na sya makapanuod ng TV kasi nahaharangan ng ulo ko tas pinaglalaruan nya yung hair ko. Niayaya nya ko kumain ng breakfast with him tas sabay pa kaming pumasok sa school. Binebebet nya ko pag sinabi kong pagod na ko sa kalalakad. He holds me close pag pumapasok kami ng horror house. Oh? Ngayon, sabihin mo lung pano ko hindi maiinlove sakanya?! He's perfect. SYa yung boy version ko eh. Too bad all I am to him is a friend. Dapat na siguro akong masanay sa pagffriend zoned nya sakin :'(

                                                          -A.xx

Nagsusulat ako ngayon sa journal ko. Mahal ko na nga talaga ang bestfriend ko. Sa lahat ba naman kasi?! Bat sya pa. 

[End of Flashback]

"Bat kasi sya pa Aya!?!! Ang tanga tanga mo talaga!" umiiyak na pinaghahahampas ni Aya ang unan nya. Nagpaalam na rin kasi sya agad kay Drew after nyang malaman ang sasabihin sakanya ng kaibigan. Sinabi nalang nyang sumama ang pakiramdam nya at kailangan na nyang umuwi pero ang totoo lang, sobra sobra na yung sakit na nararamdaman nya, gustong gusto na nga nya umiyak dun sa kinakatayuan nya eh

"Ano ba yaaan! Nakatulog pala ko habang naiyak kagabi. Magta pa tuloy mata ko,tas male-late nako!! Huh?? Male-late na ko?? WAAAAAAHHHHHH!!! Male-late na ko!!!" dali dali akong nag-ayos ng sarili. Nakooo, ayoko malate ngayon, mahirap daw lesson sabi ni Sir last week eh, isip ni Aya. Pero buti nalang mabilis ako kumilos. Makakabot pa ko! ^^

Pababa na ko ng hagdan nung napansin ako ni Mama.

"Oh, nak, male-late ka na ah? Pero magbreakfast ka muna."

"Ay ma, magbabaon nalang ako ng sandwich, sa daan ko nalang po kakainin. Male-late na talaga ko. Ha ma?? " kinuha ko yung sandwich tas nagbabye na ko kay Mama. Malapit na ko sa pintuan ng bigla akong tinawag ni Ma.

"Ay, 'nak. Bat parang bihira ka ng sunduin ni Drew dito? Ediba lagi kayong sabay pumasok. Wala na tuloy pati nanggigising sayo pag tinatanghali ka, wala na pati tuloy ako kakwentuhan pag umaga habang nagpreprepare ng breakfast mo"

"Ha?? A-aah kase ma... ano.. Ahmmm. Ah!! Busy na kasi sya. Sige ma, alis na ko. Bbye po" Ugh! Nakakainis si Mama, tumayming pa sa pagpapaalala sakin ng mga ginagawa ni Drew sakin dati. Bwiset!! 

[Flashback]

*Poke*

*Poke*

Naalimpungatan naman si Aya dun, para bang may nagpo-poke sakanya pero di nya nalang pinansin. Inaantok pa sya eh.

*Poke*

*Poke*

*Poke*

"Ano ba yan!!!" minulat ni Aya ng bahagya ang mata para makita kung sino ang nangiistorbo sakanya. Handa na nya sanang sapakin ito dahil nga ginsing sya. Pero....

"WAAAAAAAAAAAAH!!!!! DREEEEEW?!!!!" napaupo naman si Aya ng makita nya si Drew sa loob ng kwarto nya.

"Hello Aya! Goodmorning!*u*" Nakangiting sabi ni Drew.

"E?? Teka, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!! Bat ka andito?! Ha!!? Hooooy Drew!!!" sunod sunod na tanong ni Aya.

"Eh kasi tumawag ako kaninang 5:30 am dito senyo, tinatanong ko kay Tita kung gising ka na ba, eh sabi ni Tita tulog ka pa daw eh. Eh kaya eto, pinuntahan na kita dito para sunduin ka, wala ako kasabay pumasok eh. Tas pag dating ko naman dito sabi ni Tita gisingin na daw kita kaya umakyat na ko dito sa kwarto mo. Nagpaalam ako noh! *u*" Nakangiting sabi ni Drew.

"Ha?! Baliw talaga si Mama, pinaakyat ka dito! Teka nga... Inistorbo mo ko sa pagtulog ko!!!"

"Abnormal ka ba Aya?! Pag nalate ka, late na din ako!! Buti nga ginsing pa kita eh"

"Ha?! alas-sais na pala?!!! " 

Tumango tango naman si Drew habang nakatitig ng masama ka Aya.

"Hala ka Drew! Teka teka, eto na!! Shuppiii ka muna dito sa kwrto ko. Liligo na ko! Shupiii!" pinapalabas na ni Aya ng kwarto nya para makakilos na sya. Male-late na sila!!

"Hoy Aya!! isang oras lang ang kilos ah?! Dalian mo!! 'manda ka sakin pag ako na-late!" -___-

Nataranta naman si Aya at tumango tango lang.

Yan ang unang beses na pagpasok ni Drew sa kwarto ni Aya. Nasundan pa ng madaming beses ang gawain ni Drew na panggigising kay Aya tuwing umaga, kaya kampante naman si Aya matulog dahil alam nyang andyan ang bestfriend nya upang gisingin sya.

[End of Flashback]

Sus! Naalala ko tuloy yung 1st time na ginising ako ni Drew! Ano ba yan!, isip ni Aya. Andito na din pala ko sa tapat ng University. Si Drew lang naisip ko buong paglalakad ko papasok ahh.. TT__TT

Pero teka lang, sino yun?? Tinanaw naman nya ang isang lalaking nakatalikod, para bang may kinakausap.

S-si Drew yun ah?!

libo libo nanamang aspile ang tumusok sa puso nya ng nakita nya ang kinakausap nito, 

..... kasama si Irene.

 -----

A/N: Wooops, awat na muna. HAHAHA. Goodnight guys. Tutulog muna ako dahil pagod na ko. Thankyou again. Comment lang kayo, suggest na din ng magandang eksena :"> Thankyou. Xoxo~'

-E.xx

He Will Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon