Kahapon pa nagsimula ang pagsusuka ko sa umaga. Hindi rin ako makakakain ng kahit ano'ng pagkaing malansa dahil umiikot ang sikmura ko at ang ending nasusuka ako.
Nagtataka na ang parents ko at lalong lumakas ang hinala nilang buntis ako dahil sa maselan kong pang-amoy. Kaya hapon nang magpaalam akong pupunta ako sa bayan. Hindi na ako nagpasama dahil siguradong magwawala sa galit ang sinuman sa parents ko kung sakaling mag-positive na buntis nga ako.
Bumili ako ng limang pregnancy test kits. 'Yung isa ginamit ko na sa public toilet at halos himatayin ako sa CR nang mag-appear ang dalawang guhit sa indicator.
#impregnant
Pinaghalong takot, saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
Yung katotohanang dala ko ang anak ni Pierre ang tanging nagpapaligaya sa akin, pero natatakot akong baka pati ang buhay niya manganib. Kung pwede ko lang sanang sabihin kay Pierre ang tungkol sa kanya, kaya lang paano? Para saan pa?
Pagkauwi ko sa bahay, ginamit ko ang isa pang PT kit. Dalawang guhit muli ang naging resulta.
Pagkalabas ko sa CR, naroon na ang mga magulang ko. Ibinulsa ko na muna ang PT stick. Mukhang naghihintay sila ng balita, pero wala pa akong balak na sabihin sa kanila ngayon.
Siguro kapag napagdesisyunan ko na kung mananatili ako sa Palawan habang nagbubuntis.
Sa totoo lang, ayokong maging pabigat sa parents ko. Ayoko ding sumama ang loob nila na kailangan kong palakihing mag-isa ang magiging anak ko.
"Ayos ka lang, anak?"
Ngumiti ako saka tumango sa tanong ni Daddy. Bumalik na kami sa mga trabaho namin at kinagabihan, nagsimula na akong mag-ayos ng gamit habang tulog na sila Mommy.
Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Paano kung alam na ni Nochnamora ang tungkol sa sanggol na hindi ko pa naipapanganak, at saktan niya ito?
I can't let anyone hurt my child.
Kaya kahit pagtulog, takot akong gawin ngayon. Pwedeng-pwede siyang magpakita sa akin sa panaginip.
Imbes na mahiga, lumabas ako sa may tabing-dagat at nanatili sa may ilaw na bahagi ng pampang.
Muli ko na namang naiisip si Pierre. Kailan ba siya nawala sa isipan ko? Kahit lokohin ko ang sarili ko, alam kong hindi ko huminto ng pagmamahal sa kanya.
Ayoko ding mawalay sa kanya pero ito lang ang paraan para mailigtas ko siya habang pinoprotektahan ko ang iba pang mahahalaga sa buhay ko.
Tiisin kong malungkot nang mag-isa kaysa mayroon akong kailangang isakripisyo.
🌸🌸🌸
Halos madurog ang puso ni Pierre nang makitang umiiyak si Rox sa tabing-dagat.
Sa wakas ay pinagbigyan siya ni Ciana na makita ang nobya gamit ang malapad nitong salamin.
Napalingon siya nang tapikin ni Ciana ang kanyang balikat. "'Wag mong sayangin ang pagsasakripisyo niya. Kung ako sa'yo, mabubuhay na lang ako nang malayo sa kanya habang nabubuhay pa siya."
"Sa tingin mo ba, titigil na si Nochnamora kapag hindi niya ako napatay gamit ang mga kamay ni Rox?" sinundan niya ito sa lamesa. "Ayoko ng maging duwag at habang-buhay siyang takasan."
"At ano'ng balak mong gawin? Hahayaan mong patayin ka ni Rox?" nahampas ni Ciana ang lamesa nang tumayo. "Alam mo kung ano ang pwedeng mangyari, Pierre. Kapag napatay ka na niya, isusunod na niya ang mga katulad mo. Kami. Kami na sumusunod lang sa agos ng buhay dito sa lupa nang tahimik. Akala mo, ikaw lang ang may buhay. Paano pa natin poprotektahan ang balanse ng mundo? Paano ang mga tao? Sabihin mo nga?"
"I can break her curse and kill her. I have to kill her no matter what it takes. I would appreciate your help though. Pero kung ayaw mong makialam, wala akong magagawa."
Ginamit niya ang natitirang lakas para buksan ang isang portal na magdadala sa kanya kay Rox.
Wala pa ring balak si Ciana na tumugon sa paghingi niya ng tulong pero mukhang wala na itong magagawa. May nagtulak ditong palayain siya, isang bagay na hindi niya mapiga mula rito at malalaman niya lang iyon oras na magkita sila ni Rox.
"Susubukan kong kausapin ang iba. Pero hindi ako mangangako." pahabol ni Ciana bago siya higupin ng portal.
🌸🌸🌸
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago ako nagdesisyong bumalik sa kwarto ko. Madilim duon kaya nagulat ako nang biglang bumukas ang lamp shade.
Hindi naman ugali nila Mommy na pumasok sa kwarto ko lalo na kung wala ako duon. Kaya dahan-dahan ang ginawa kong pagpasok para kunin ang pinakamakapal kong libro panlaban kung sakali mang tauhan ni Nochnamora ang naroon.
Bigla ko na lang nabitawan ang libro nang makitang nakaupo si Pierre sa recliner katabi ng lamp shade.
Napaatras ako at sinubukang huminga ng maayos. Am I dreaming or imagining?
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Ano'ng ginagawa mo dito?" I asked ignoring his question.
Napalunok siya. "I'm sorry if you had to do that for me."
"Pierre. Umalis ka na!"
"Listen to me first." bago pa ako nakaiwas, nahawakan na niya ako. Iyong simpleng paglapat ng palad niya sa balat ko ay para bang obvious na kumpirmasyon sa kanya kung ano ang ayaw kong ipaalam. "You... We... We're pregnant?" hindi siya makapaniwala sa nalaman. Halata sa mga mata niya ang saya at gusto kong ma-guilty dahil hindi , ganoon ang reaksyon ko nang malamang nagdadalang tao ako. I was scared.
Hinaplos niya ang pisngi ko, ngunit umiwas ako. "Hindi ibig sabihin na buntis ako ay pwede na tayong magsama. Pierre, sa lahat, ikaw dapat ang may alam ng sitwasyon natin. She will force me to kill you." duon na ako parang nawalan ng lakas at nagsimula ng umiyak. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi masyadong mag-ingay kaya niyakap ako ni Pierre.
"Let me take care of this."
Malaki ang tiwala ko kay Pierre. Walang duda iyon. Sadyang takot lang ako kay Nochnamora.
Kahit ngayong kasama ko si Pierre, nararamdaman ko siya. Ang kwarto kong naiilawan lang ng lampshade ay mas lalong dumilim. Gumapang ang hilakbot sa bawat himaymay ko nang makita ang naglalakihang ugat ng punong biglang tumubo sa loob ng kwarto ko.
Bago pa ako nakasigaw, nawala ng bigla si Pierre sa harap ko. At muli akong mag-isa sa bangungot at naglalakad pabalik sa kaharian ni Nochnamora.
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]
RandomA love that was destined is a curse to break. UNDER MAJOR REVISION Started: 25April2020 Finished: 5May2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 4: Mr. Dream-Catcher written by Suzie Kim