🌸Chapter 8🌸

24 2 0
                                    

Nagising akong wala na si Pierre sa tabi ko.

Nasaan siya?

Fear. Iyon agad ang naramdaman ko. Kagabi lang, iniisip kong kaya lang naman niya ako ginugulo ay dahil sa sumpa ni Graciella at sumagi din sa isip ko ang posibilidad na oras na makahanap siya ng babali sa sumpang iyon, maaari na siyang umalis sa buhay ko.

It might sound good, because I can go back to my normal life. Pero isipin pa lang na mawawala siya sa akin, nalulungkot na ako.

"Pierre?" I called him, but he didn't answered.

I took my phone from the bedside table, tried to call him but I couldn't reach him.

Napayakap na lang ako sa unan niya. I can still smell him. Ang bango. Napasinghot ako. Am I crying?

"No I'm not." I stubbornly answered myself.

Kung umalis na nga siya dahil nabali na niya ang sumpa, mahirap bang magpaalam? He could've said goodbye before he left.

Ang herodes na 'yon? Ginulo ang buhay ko tapos, biglang mawawala? Hindi man lang nagpaalam!

Limang araw pa lang nagiging stable ang closeness namin, kung naghintay siguro siya, edi sana naging kami na talaga. Pero hindi e, INIWAN NA NIYA AKO.

Malapit na akong ngumawa dahil sa sobrang lungkot nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod habang nakaupo pa rin ako sa kama ko.

I felt a warm kiss on my neck. Gusto kong mapausal ng panalangin na sana hindi ito panaginip saka ako mabilis na lumingon.

Naroon si Pierre at nakangiti. "I'm back. Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo. I bought coffee." iyon yata ang dahilan kung bakit warm ang lips niya.

Pagharap ko sa kanya, mabilis akong nagpunas ng mata. Bago ko tuluyang maalis ang lahat ng luha ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinitigan ang mukha kong patuloy kong itinatago.

"Why?" gusto niya akong tawanan. Halata sa tono niya pero pinipigilan niya.

"Don't read my mind!" sigaw ko saka tumakbo sa CR para maghilamos.

🌸🌸🌸

Nasa coffee shop pa siya kanina nang marinig ang pag-tawag ni Rox.

Dahil sa limang araw na hindi sila nag-away, he was able to establish connection with her. He can sense anytime she needs him. In short, she can summon him by just thinking of him without even trying too hard. Pagkalabas niya sa coffee shop, gumawa siya ng paraan para makarating ng mabilis sa apartment.

In split seconds, naroon na siya sa apartment at nadatnan si Rox na naluluha.

He's just curious. Hindi naman niya sinasadyang baliin ang pangako niyang hindi na babasahin ang nasa isip nito pero bigla na lang niyang nalamang nag-aalala itong baka bigla na lang siyang umalis at iniwan ito.

Funny but he can't blame her.

Some male human beings are nasty and lousy. Sa experience marahil ng ibang babae nakuha ni Rox ang ideya na maaari niya itong iwan anumang oras kapag nabali na niya ang sumpa.

But he wants to beg to disagree.

Hindi siya katulad ng mabababang uri ng mortal na lalaking kapag nakuha na ang gusto sa babae ay aalis na lang.

He tends to stay. Bukod sa iyon ang nasa sumpa ni Graciella, mananatili siya sa tabi ni Rox dahil gusto niya. Nobody can understand him, kahit nga siya hindi maintindihan ang nararamdaman. Basta ang alam niya, ayaw na niyang mahiwalay sa dalaga.

Minabuti niyang magkunyaring walang alam sa kung ano ang nararamdaman nito. Ayaw niyang malaman nitong binali niya ang pangako niya kahit isang beses at sinisiguro niyang iyon na ang huli.

🌸🌸🌸

Paglabas ko sa CR, nakahanda na ang lamesa na may breakfast.

Napatingin ako sa labi niyang naglapat pagkatapos sumipsip ng kape. Did those lips really kissed my neck? Duon niya ako hinalikan sa ibaba ng tenga. It's a bit firey kaya bigla akong napahilamos at toothbrush.

Ano bang iniisip niya at ginawa niya iyon?

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Wala siyang kurap na parang normal lang naman na hinalikan niya ako.

"Oo naman okay ako." I lied.

Tumango siya. "You looked worried earlier. Did something happened? You can tell me."

Napasipsip ako sa binili niyang kape. Mabuti na lang at kaya ng dila ko ang mga maiinit na inumin. Kailangan kong kumalma ngayon. Coffee is the best cure.

Inabutan niya ako ng pasta and bread. "Kumain ka na para maihatid na kita sa trabaho."

Second day ko pa lang sa trabaho ko at wala yatang hindi kayang gawin ang lalaking ito para sa akin dahil kahapon, de kotse na siya. Inihatid ako.

Kung tutuusin, mapagkakamalan na kaming opisyal na magkarelasyon dahil sa iisang bubong na kami nakatira at palagi pa kaming magkasama.

Sa loob yata ng limang araw na magkasama kami, hindi pa kami naghihiwalay.

"Wala kang ibang gagawin?"

"I can clean the house."

Kinilig na naman ako sa sinabi niya. "Is that how much you need me?"

"You can never imagine how much I needed you, Rox."

Need. Hindi want, hindi love. Need.

Keri naman siguro ang need diba? Wala namang masama duon.

Sinubuan pa niya ako nang hindi ko na ipinagpatuloy ang pagkain. "I will be there again during your lunch break."

Tumango ako.

Pagkatapos nga ng almusal, nag-asikaso na ako para makapasok. Habang siya prepared na.

Hinatid niya ako sa office at kung kahapon, kaunti lang ang nakapansin sa amin dahil first day ko pa nga lang, ngayon, halos lahat na ng kasama ko sa production team binati kaming dalawa. Ipagbukas ba naman ako ng pinto ng kotse sa tapat ng entrance ng building? Nakakaloka. Sabi ko ng kaya ko na.

Mabilis kaming nilapitan ng dalawa kong kasama sa research team.

"Hi Miss Bushida, boyfriend mo?" tanong ni Normie habang nakaangkla sa braso ni Miss Jane. Sila agad ang nakasundo ko dahil pare-parehas kami ng ginagawa. Mukhang papasok pa lang sila at malayo pa lang kita na nila ako sa loob ng kotse dahil hindi naman tinted ang sasakyan ni Pierre.

"H-Hindi." sagot ko.

Ngumiti si Pierre sa kanila sabay baling sa akin. "I'll be here at 11:30 am." sabi ni Pierre na halos tilian ng dalawa. Mukhang nagwapuhan sila sa manliligaw kong Baku.

"Okay. See you."

Hinila ko na ang dalawa saka nagpaalam sa lalaki.

OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon