🌸Chapter 19🌸

26 3 0
                                    

A Love to Die for

Nasalo niya agad si Rox, pero hindi niya nagawang iligtas ang mga magulang nito nang tangayin ng mga halimaw.

He sjaw it and Nochnamora started to move as soon as he touch Rox's skin.

Napamura na lang siya. He fed on her nightmare pero mukhang walang katapusan ang bangungot na iyon. Hindi pa siya ganoon kalakas para harapin si Nochnamora, pero kailangan niyang subukan.

Hinalikan niya ang noo ni Rox bago siya pumasok sa panaginip.

Mukhang sinadya siyang iligaw ni Nochnamora dahil hindi niya matagpuan si Rox. Napunta siya sa isang pamilyar na lugar.

Naamoy niya rin ang isang pamilyar na bulaklak. Isang babae lang ang pumasok sa isip niya. Graciella. Gusto niyang magtanong kung bakit narito ang diwata pero nalaman na niya agad ang sagot.

Nabigo si Graciella na patayin siya noon dahil sa pagmamahal nito sa kanya kaya ang kabayaran ng pagbali nito sa kasunduang ginawa kasama ni Nochnamora ay ang pagkakakulong nito sa underworld kasama ng mga halimaw na hayok sa buhay ng tao.

Napatakbo sa kanya si Graciella. Sa haba ng panahon, hindi pa rin kumukupas ang ganda ng diwata. Nawala man ang kapagyarihan nito, isa ang kagandahan nito ang hindi kayang lumain ng panahon. "Ikaw nga..." hinaplos nito ang kanyang mukha upang marahil siguruhin na totoong naroon siya. "Nahanap mo na ang babaeng sinasabi ko?"

Tumango si Pierre. Bakas pa rin ang lungkot sa mukha at ang pag-aalala. "Kailangan ko siyang iligtas. Hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa kanya ni Nochnamora, lalo't dala niya ang anak ko."

Napangiti ang diwata. "Sabihin mo kung ano ang pakiramdam nang ikaw naman ang lubos na nagmamahal, Baku? Sabihin mong nagsisisi kang sinaktan mo ako."

"Patawarin mo ako, Graciella. Nagkamali ako noon, pero hindi ko pinagsisisihang tinanggap ko ang parusa mo dahil iyon ang naging daan para makilala ko si Rox. Sa katunayan, gusto pa kitang pasalamatan dahil naispan mong ilagay sa mga kamay niya ang buhay ko. Madami akong natutunan."

Mababakas pa rin sa mukha ni Graciella ang pait dahil sa katotohanang nasa babaeng bihag ni Nochnamora na ang puso ni Pierre.

Hindi niya maipagkakailang totoong pag-ibig ang mayroon ang Baku para sa mortal na babae. "Ikinalulungkot ko, Baku. Walang ibang paraan paraan para mabali ang sumpa kung hindi ang kamatayan ng isa sa inyong dalawa." pahayag niya bago pa man hingin ng Baku ang tulong niya.

"Wala kang dapat ipag-alala. Gusto ko lang ituro mo sa akin kung paano makarating sa kanya. Ako na ang bahala sa lahat."

Malambot pa rin ang puso ni Graciella para sa Baku kaya sa huling pagkakataon, tinulungan niya ito.

🌸🌸🌸

Pagmulat ko ng mga mata, nasa gitna na ako ng isang bulto ng mga nakakatakot na nilalang habang nakapalibot sa akin ang katawan ni Mommy, Daddy at Lolo.

Bawat isa sa kanila, hawak sa leeg ng mga ugat na nakita ko sa kwarto ko bago ako nawalan ng malay.

Napaluhod ako nang dumating si Nochnamora.

Aliw na aliw siya sa pagtawa habang nakatitig sa akin. "Akala siguro ng babaeng ito ay maiisahan niya ako."

Ang lakas ng tili ko nang iangat niya ako sa lupa gamit ang kamay niya.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na ayaw ko ng mga taong basta na lang sumusuko at nagtatago?"

"Hindi ko kaya. Hindi ko kayang patayin si Pierre. Pakawalan mo na ako, please? Hindi ko siya kayang patayin para sa'yo!"

Humugot ng halakhak si Nochnamora.

Dumagundong sa buong kaharian niya dahil sa lakas ng pagtawa niya.

"At ano ang dahilan mo? Pag-ibig?" mas lalong lumakas ang tawa ng bruha. "Oh please, Rox. Don't make me laugh."

"Tama ka. Mahal ko si Pierre at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko magagawang patayin siya."

"O sige, tingnan na lang natin kung kaya mo pang sabihin 'yan sa harap nila." ikinumpas lang ni Nochnamora ang mga kamay at humigpit na sa leeg ng mga magulang ko at ni Lolo ang ugat ng puno. Nagising sila at sabay-sabay na sumubok kumawala sa ugat. Mas lalo akong naiyak nang makitang hirap na hirap na silang huminga.

"'Waag!" tili ko saka nilapitan silang tatlo pero mas malakas ang ugat na para bang may sariling buhay iyon. Hindi ko magawang sirain para mapakawalan sila kaya tumakbo ako palapit kay Nochnamora. "Gagawin ko na. Gagawin ko na. Please, 'wag mo na silang saktan. Please. Please."

Wala na akong mapagpilian.

Ibinalik niya sa pagkakatulog ang pamilya ko saka tumatawa na namang binigyan ako ng maliit na punyal.

"Good girl. I knew it. Now, do as I say. Pagkatapos niyang mamatay sa kamay mo, gigising kang payapa sa bahay ninyo kasama ang mga magulang mo. Then, you can call your grandpa to see that he's okay and these will all be a dream to them."

Tumango ako.

As if on cue, biglang pumasok sa hall na iyon ang aking Baku. He look so ordinary yet dignified.

Nakita kong napatingin siya sa pamilya ko at sa akin pero nanatili siyang handa lalo na nang sinugod siya ng mga halimaw pero walang nakapatay sa kanya. He tore them using his bare hands. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi magawang patayin ni Nochnamora si Pierre at kailangan niya pa akong gamitin para gawin iyon.

Pagkatapos ng pakikipagbuno niya sa mga halimaw, naubos niya ang mga minions ni Nochnamora saka lumapit sa akin.

Niyakap niya ako.

"Rox. Rox." parang halos hindi siya makuntento sa pagyakap sa akin. Naramdaman ko na lang na tumutulo sa balikat ko ang mga luha niya. Sinipat niya ako para tingnan kung may galos ako. "Sinaktan ka ba niya?" tanong niya sa akin habang hawak ako sa magkabilang balikat.

Hindi ko na napigilang bumunghalit ng iyak. Paano ko magagawang patayin ang lalaking ganito ako kamahal?

"It's okay. Andito na ako."

Naririnig kong parang aliw na aliw si Nochnamora habang nakatingin sa aming dalawa. Minsan naihiling ko na sana katulad na lang nila ako. Makapangyarihan. Edi sana, magagawa kong magdesisyon nang walang kinatatakutan.

Itinago ako ni Pierre sa likod niya saka hinarap si Nochnamora. "Kung gusto mo akong patayin, ikaw ang gumawa. 'Wag mo na siyang idamay dito."

Nanginginig ang kamay ko nang itutok kay Pierre ang punyal. Pinipigilan ko ang isa kong kamay sa balak nitong gawin, pero mukhang hindi talaga ako ang may kontrol sa katawan ko.

Napapikit na lang ako nang maitarak ko sa likod niya ang hawak kong patalim.

OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon