Napaluhod si Pierre sa harap ko at gaya ng pangako ni Nochnamora, nawala na ang mga magulang ko at si Lolo sa mga ugat na nasa leeg nila kanina.
Mabilis kong nayakap si Pierre. "I'm sorry." alam kong kahit paulit-ulit kong sabihin 'yon, hindi ko na mababawi ang katotohanang sinaktan ko siya.
Hinawakan niya ang pisngi ko para punasan ang mga luha ko. "Don't be sorry. You did a good job."
Hinugot niya sa likod niya ang patalim na ginamit ko saka siya nahiga sa hita ko. "Pierre, stay with me, please. 'Wag mo akong iiwan."
He smiled. Ngunit hindi na niya napigilang maubo. Lumabas sa bibig niya ang dugo kaya mas lalo akong natakot. Niyakap niya ako bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Para na akong mababaliw sa kakaiyak nang hindi na siya ulit gumalaw.
Habang durug na durog ako't iniiyakan si Pierire, lumilipad na lumapit si Nochnamora saka muling iniabot sa akin ang punyal. "Kailangan ko ang puso niya. Kapag naibigay mo sa akin ang puso niya, wala akong gagawin sa anak ninyo."
Napahawak ako sa t'yan ko.
Paano na kaming dalawa?
Kinuha ko ang punyal, patawarin sana ako ni Pierre pero hindi ko kakayaning mabuhay nang wala siya. Imbes na gawin ang sinabi ni Nochnamora, mabilis kong isinaksak sa sarili ko ang punyal.
Kung ito man ang katapusan niya, mas gusto kong mawala nang kasama siya. Susundan ko si Pierre kahit saan.
Narinig kong sumigaw si Nochnamora bago ako nawalan ng malay.
🌸🌸🌸
A Happy Ever After... Afterlife.
He is certain that he died.
Nagdilim ang paningin niya at naramdaman niyang tumigil ang puso niya sa pagtibok, pero bakit naroon siya sa gubat kung saan siya noon naninirahan noong bago pa niya makilala si Graciella. It reminded him of the days when the earth is still young.
Did the time went back and reset everything?
Malapit na niyang isipin na ganoon na nga nang may biglang tumapik sa balikat niya.
Si Ciana.
"She's doing okay. Pati ang maliit na bata sa t'yan niya. You have to bring her quickly back to life. Hindi siya pwedeng magtagal dito."
Hindi na kailangang sagutin ni Ciana ang mga tanong sa isip niya nang titigan niya ito. Alam niyang naroon siya sa Afterlife.
Kinapa niya ang likod niya at gaya ng inaasahan, wala ng bakas ng sugat mula duon.
"Ano'ng nangyari?"
"Gosh. Sundin mo na lang ang sinabi ko. Susunod ako at ipapaliwanag ang lahat." Wala pa ring malay si Rox nang mapunta siya sa mga kamay ni Pierre. At gaya ng inutos ni Ciana, bumalik sila sa kwarto ni Rox. Halos isang oras lang ang lumipas sa timezone ng ordinaryong tao.
Hindi siya sigurado kung tama ang hinala niya pero mukhang tinulungan sila ni Izanagi.
Totoong walang takot niyang sinugod ang libu-libong Shinigami sa kuta ni Nochnamora dahil alam niyang hindi siya pababayaan ni Ciana, pero hindi niya inaasahang si Izanagi mismo ang tutulong sa kanila.
"He was really impressed by your craziness... both of you." napalingon siya nang marinig si Ciana. "Akala ko rin, hahayaan niya na lang kayo. Kilala mo si Nochnamora. Lahat gagawin niya para makuha ang gusto. Mabuti na lang at nasindak siya ni Izanagi. Muntik na siyang maging abo habang-buhay dahil sa ginawa niya kay Rox. This silly girl took her own life after killing you and that's when Izanagi decided to put his abilities into use. Ngayon lang nakakita si Izanagi ng ganyang pagmamahal kaya ikaw mismo ang mananagot kapag bumalik ka sa pagiging babaero mo."
Nataw na lang ang Baku. "How can I thank you enough."
"Let me just live peacefully. Aalis na ako."
She just vanished through thin air.
Duon naalimpungatan si Rox.
🌸🌸🌸
"Pierre?" hindi ko na alam kung ano ang totoo sa panaginip. Basta ko na lang sinugod ng yakap ang lalaki sa harap ko. "Ikaw nga ba 'yan?"
Nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko. "Who else?" Medyo masakit iyon kaya napatunayan kong hindi ako nananaginip.
Excited akong naupo sa hita niya at inangkla ang braso ko sa batok niya. "Akala ko, napatay kita. Akala ko katapusan na natin."
Pinisil naman ngayon ni Pierre ang tungki ng ilong ko. "We literally almost died. Stupid."
"Did you just called me stupid?"
"How else would you like me to call a girl whose willing to take her own life just because of a dead Baku?"
"Love."
Kumunot ang noo niya.
"It's because of love. Hindi ko kayang mabuhay sa mundong wala ka."
May tumulong luha sa mata niya. Mabilis kong pinunasan iyon. Siniil niya agad ako ng mapusok na halik.
Halos mapugto ang hininga ko nang saglit na makawala sa mga labi niya. "Yes, you can call me stupid for chasing you until death. Pero hindi mo ako masisisi dahil isa ka sa mga rason kung bakit ako nabubuhay. I can't even imagine myself living without you."
Ikinulong niya ang mg pisngi ko sa mga palad niya saka pinunasan ang mga luha ko. "From this day onward, she can no longer touch you. I'll make sure to keep you, your family and our little baby safe."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Just promise me one thing, Love."
Kinintalan ko ng pinong halik ang labi niya. "What is it?"
"Ipangako mong hindi mo na ulit saktan ang sarili mo kahit anong mangyari. Sa loob ng mga taong pagsasamahan natin, magiging mabuting asawa at Nanay ka sa amin ng magiging anak natin, naiintindihan mo?"
"Paano kapag tuluyan na akong nawala dito? I mean, I'm not immortal like you."
"Sino bang may sabing hindi kita susundan sa kabila kapag dumating ang oras na 'yon? I will be forever yours. Sa ngayon, mamuhay tayo ng normal kasama ang pamilya mo at ng mga bata."
Higit sa kilig ang nararamdaman ko ngayon habang hinahaplos niya ang t'yan. Kulang ang sabihing masaya ako na panaginip ko lang ang lahat. Iyon yata ang pinakamahabang gabing naranasan ko.
Pero mahalaga pa ba 'yon?
Ang importante kasama ko siya at masaya kami. Bukas ko na lang iisipin kung paano ipapaliwanag kayla Mommy ang tungkol sa Dream-Catcher na minahal ko higit pa sa buhay ko.
🌸Wakas🌸
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]
DiversosA love that was destined is a curse to break. UNDER MAJOR REVISION Started: 25April2020 Finished: 5May2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 4: Mr. Dream-Catcher written by Suzie Kim