🌸Chapter 9🌸

25 3 0
                                    

"Kung hindi mo boyfriend, e bakit parang di makahiwalay sa'yo?" curious talaga si Normie.

Ang weird naman kung sasabihin ko sa kanilang, ah kasi kinakain niya yung bad dreams ko dahil isa siyang dream-catcher, diba? Kaya sumagot na lang ako nang hindi ko alam. Pakiramdam ko tuloy tingin nila sa akin, feeling maganda.

I am just an average girl.

Kaya ko namang mag-ayos pero hindi ako yung supermodel type na bagay kay Pierre kaya siguro ang dami nilang tanong. Gusto ba nilang malaman kung ginayuma ko ang isang 'yon?

Kung pwede ko lang talagang sabihin ang lahat nang hindi nila ako mapagkakamalang baliw, ginawa ko na.

"Sa internet mo nakilala?" segundang tanong ni Miss Jane.

Um-oo na lang ako. Korean ang nationality ni Pierre sa ID niya kaya dapat match sa proofs ang mga sasabihin ko.

"So, nasa ligawan stage kayo, ganoin?"

"Hay Normie, bakit ba ang daming tanong?" mabuti at narindi na din si Miss Jane.

"Gusto ko rin kasing makahanap ng kasing yummy niya. Ano ngang pangalan ng boylet mo? Pakilala mo kami mamayang lunch. Baka may friends siya na single."

Tumawa ako. "Sige, ipapakilala ko kayo later, pero hindi ko talaga sure kung may friends siyang maipapakilala." ayoko namang mag-magic si Pierre ng lalaki para lang kay Normie. That's unfair dahil ilusyon lang ang mamahalin ng bago kong kaibigan kapag nagkataon.

Isa pa, alam kong walang ibang Baku sa mundo kung hindi si Pierre lang kaya sinong mga kaibigan ang pwede niyang maipakilala?

Excited ang dalawa. Hindi nga lang masyadong obvious ang excitement ni Miss Jane dahil kailangan niyang panindigan ang dignidad niya bilang senior researcher ng team namin.

But I must admit that she's quite cool at being a team leader.

Mabilis akong nakapag-blend in sa lahat.

KINSE minutos bago mag-lunch break, nakatanggap ako ng post-it note mula kay Normie.

"Jojowain mo ba, bes? Kung wala kang balak jowain yun, ibalato mo na sa akin."

Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon siya ka-vulgar. Pierre is worth the fight, lalo na sa mata ng mga ordinaryong taong kagaya namin kaya hindi na nakakapagtakang handa ang ibang mga babaeng nakakita na sa kanya na makipag-unahan sa paningin ni Pierre.

And I can't be too confident just because he's bound with me by a curse. Paano nga kung makahanap siya ng paraan para ma-reverse ang sumpa at humanap siya ng ibang mas jowable kaysa sa akin. Paano na ako?

Nginitian ko lang si Normie saka ibinalik sa kanya ang note.

Magkakasama kaming tatlo nang puntahan si Pierre sa malapit na restaurant gaya nang sinabi niya sa text.

Table for four ang nireserba niya dahil nabanggit kong isinama ko ang dalawa kong katrabaho.

Hindi ko pa man sila pormal na naipapakilala sa isa't isa, kuntodo na ang pagpapa-cute ni Normie. Bagay naman kasi sa kanya dahil petit siya at maganda. Sa totoo lang, mukha siyang porcelain doll at siya naman iyong tipo ng babaeng ligawin pero mas gusto niya yata talaga si Pierre.

I introduced them with each other at duon na nagsimulang chimika si Normie ang daming makatotohanang kwento ang sinabi ni Pierre sa kanila tungkol sa kung paano kami nagkakilala.

Iyon lang naman ang topic at kung mayroong kaibigan si Pierre na single na pwede niyang ipakilala sa dalawa. At napalingon ako sa kanya nang sabihin niyang mayroon.

So, may friends siyang ibang nilalang?

Hindi ako makatutol sa kinauupuan ko dahil ayokong lumabas sa bibig ko ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Pierre.

Nagpasalamat na lang ako na bumilis ang oras kaya nawalan na sila ng oras sa mga follow up questions.

Inihatid kami ni Pierre sa office at halos malaglag ang puso ng dalawa dahil sa sobrang bait ng Baku sa kanila. Nakipagpalitan pa ng number si Pierre at social media accounts. Hindi ako makapaniwalang may Facebook na siya.

He's way too friendly.

Kung sa bagay, mabait naman talaga siya at sincere. Mukhang totoo nga ang sinabi niya na pagkatapos niyang makulong sa figurine ng madaming taon, e nagbago na siya.

Isang bagay lang siguro ang hindi niya kahit kailan maiiwasan. Ang maging masyadong sweet sa kahit na sinong babae.

The next week flew in a flash. At nakaugalian na nila Miss Normie at Miss Jane na sumabay sa akin tuwing lunch. Mukhang palaging hahanap ng paraan si Normie para makuha ang gusto niya.

Walang duda.

In love na nga si Normie kay Pierre.

"Hay 'day ang swerte mo naman kay Pierre. Bakit hindi mo pa sunggaban 'yun?" natanong niya isang araw.

Gusto ko siyang sagutin nang... Gusto ko namang sunggaban kaya lang, hindi kami match... Mortal ako, Immortal si Pierre. Pero ngiti lang ang isinagot ko kay Normie sa tanong niya.

At paano ko ba ipapaliwanag na hindi ako gusto ni Pierre sa romantic na paraan gaya ng iniisip ng madami?

He was just cursed. Isinumpa siyang matatali sa akin hanggang buhay ako. Once I died, he's free to go.

Nasaan ang love duon?

Wala.

Lumipas ang kalahating parte ng shift namin na busy ako sa trabaho.

Hindi ko na namalayang may text na si Pierre sa akin.

Lumipas na yata ang kinse minutos bago ko iyon nabasa at nasa baba na siya.

Luminga ako sa paligid at halos dalawa na lang kami ni Miss Jane ang naroon.

"Tama na 'yan, Rox. Hindi ka nila ipagtatayo ng statue sa opisinang ito. Okay?"

Natawa ako sa sinabi niya saka iniligpit ang sarili kong gamit at sumabay ako sa kanya sa pagsakay sa elevator na pababa.

Inabutan naming masayang nagkukwentuhan sila Normie at Pierre. Mukhang close na close na sila. I tried to play it cool. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Si Normie, parang walang kiber sa akin.

Mukhang balak pang magpahatid sa MANLILIGAW ko?

"See you again tomorrow, Normie." pasimple kong sinimangutan si Pierre.

"Madadaanan niyo naman yata ang house ko, can you drop me off too?"

Nakita kong siniko ni Miss Jane ang katabi. "Ano ka ba. 'Wag ka ng makisabay."

"I'm sorry if I can't do that tonight. Maybe some other time. May lakad kasi kami ni Rox." he sheepishly answered.

Gusto ko siyang dibdiban sa mga oras na iyon bakit ba ganyan siya kabait? Mami-misinterpret pa siya ni Normie na baka may gusto din siya dito at ako ang isang malaking harang.

Mabuti na lang at hindi na nagpumilit si Normie kasi medyo nababadtrip na talaga ako. Kapag ito, jinowa na ako ngayong gabi, hindi na ako mag-iinarte.

Mapapraning na ako e!

OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon