🌸Chapter 17🌸

23 3 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang umuwi ako sa Palawan. Tahimik naman ang buhay at mukhang tinupad talaga ni Ciana ang pangakong ilalayo si Pierre sa akin.

Palagi pa rin akong nananaginip ng masama, pero nakahanap ako ng paraan para maiwasang gising ang diwa ko sa mga bangungot. Alak.

Hindi ako palainom noon, pero mula nang malaman kong nakakatulong iyon sa pagkakaroon ng mahimbing na tulog, sinimulan ko na ang gabi-gabing pag-inom.

Madalas kainuman ko pa sila Mommy.

Mabuti na lang kapag lasing na ako, talagang nakakatulog na ako at hindi nagwawala o nagkukwento ng kung anu-ano.

I'm so thankful with my parents because they are helping me to move on without even realizing it.

Madalas din naming kausap si Lolo sa telepono. Dahil duon panatag ang loob kong tama ang naging desisyon kong iwan na lang si Pierre.

Kahit pa magalit siya sa akin, ayos lang. Iyon lang ang tanging paraan para mailigtas ko siya at ang pamilya ko.

"Anak, mag-lunch na tayo. Si Jack na muna d'yan." napatayo agad ako nang makita si Daddy. May dala siyang dalawang plato ng ulam. Naupo na si Jack sa reception area kaya tinulungan ko na si Daddy at sumunod ako sa kanya papunta sa tabing-dagat.

Duon, naka-set-up na si Mommy ng table set para sa aming tatlo.

Araw-araw paborito ko ang niluluto ni Mommy kaya palaging napapalakas ang kain ko.

I am sure that I have gained weight.

May mga damit na akong hindi na kasya sa akin. Hindi ko naman sana papansinin iyon dahil tingin ko normal lang na tumaba dahil sa masarap na luto ni Mommy hanggang si Daddy na ang mag-comment. "Hindi kaya buntis ka anak?"

Out of the blue, bigla na lang iyong sinabi ni Dad. Nahampas siya ni Mommy sa balikat. Siguro matagal na nilang pinagtatalunan ang bagay na 'yon kapag silang dalawa lang ang magkausap. "Ano bang pinagsasabi mo, Hiro? Wala ngang ipinapakilalang lalaki ang anak mo? Ano bang kalokohan 'yang sinasabi mo?"

"Ah, eh baka lang naman may boyfriend pala itong si Rox."

Napabuntong-hininga ako saka inilapag ang chopsticks na hawak ko. "Ma, Pa... Nagka-boyfriend nga po ako." nagsabi na ako ng totoo dahil ayoko ng nag-aalala sila at paano nga kung buntis ako? Mas mahirap ipaliwanag 'yun kung hindi ko pa sasabihin ang totoo.

Nailapag din ni Dad ang kubyertos na hawak. "'Wag mong sabihing buntis ka nga at iniwan ka lang basta ng lalaking 'yon?"

"Naku, Dad. Hindi po ako buntis at ako ang nang-iwan sa kanya. Basta ko na lang kasi naramdaman na hindi pala ako in love sa kanya."

Mas maigi na ang rason na iyon kaysa ipaliwanag ko pa ang tungkol sa Baku at sa sumpa.

Sabay silang natahimik at nagkatinginan. "Anak, hindi ka pa nagsinungaling sa amin ng Daddy mo kaya kung iyan ang sinabi mo, paniniwalaan namin. Pero hindi ka man lang ba hinahanap ng lalaking 'yon?"

"Bago po ako umuwi, siniguro kong hindi niya ako mahahanap."

"Bakit mo naman kasi sinagot anak kung hindi mo naman pala siya mahal?" parang naawa pa si Dad sa lalaking na-iimagine nila ni Mommy. "Binasted mo ba ng maayos o basta mo na lang iniwan?"

"Ang mabuti pa, 'wag na nating pag-usapan 'yan. Kumain na at madami pang gawain."

Ipinagpatuloy ko ang pagkain, pero parang hindi ko malunok ang nginunguya ko dahil sa pag-iisip ko kay Pierre.

Sana okay lang siya.

Sana dumating ang araw na maintindihan niya ako kung bakit ko siya iniwan.

Katulad ni Graciella, gusto ko lang siyang protektahan, pero iba ang sitwasyon ko dahil madadamay ang pamilya ko oras na may ginawa akong hindi magugustuhan ni Nochnamora.

🌸🌸🌸

Hindi makapaniwala si Pierre na nagawa siyang patulugin ni Ciana nang gabing iyon.

Ngayon nama'y bihag siya nito. Nakakulong siya sa isang madilim na silid habang nakagapos. "Ano'ng ginawa mo kay Rox?" hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang naitanong iyon kay Ciana pero wala siyang makuhang sagot dito.

Halos tatlong linggo na din siyang walang kain dahil si Rox na lang ang source niya ng bangungot kaya nanghihina siya ngayon at hindi man lang magawang makalaban kay Ciana.

"Ciana, please. I need her."

"Siya mismo ang nagsabi sa aking gawin ko ang lahat para hindi mo siya mahanap. Ang mabuti pa sumunod ka na lang sa akin para makakain ka pa rin."

Of course, Ciana is Shishi. She can make things possible for him so he can still eat. Pero mas gusto niyang makita ulit si Rox.

Excuse lang ang pagkain.

He's dying to see her. Wala siyang ibang maisip ngayon kung hindi si Rox.

"Ciana, pakiusap. 'Wag mo 'tong gawin sa akin. I need to see her."

"She doesn't want you anymore."

Hindi siya naniniwala dito. Hindi man niya binasa ang isip ni Rox, naramdaman niya sa maikli nilang pinagsamahang gusto siya nito.

A person can't change overnight. Iyon ang natutunan niya sa itinagal niya sa mundo noon.

Kahit pa bago na ang mundo nang makalaya siya, alam niyang ganoon pa rin ang mga tao. At kung totoo mang sinabi ni Rox na ayaw na nito sa kanya, sigurado siyang may mabigat itong dahilan.

At masama ang kutob niyang may kinalaman duon ang sumpa at si Nochnamora.

Mariing napapikit si Ciana sa harap niya at malakas na napamura. She must have seen something from the future.

"What is it?" he curiously asked.

Umiling si Ciana. Hindi nakatakas sa kanya ang bulong nito. "No way."

If only he can read his thoughts. Ngayong mahina na siya, kayang-kaya ni Ciana na itago sa kanya ang nasa isip nito.

"What should I do with you?" problemado si Ciana nang tapunan siya ng tingin.

"Kung sasabihin mo sa akin lahat ng alam mo, baka sakaling mabigyan kita ng ideya kung ano'ng dapat mong gawin."

"No bargaining, Pierre." napipikon na si Ciana. "Sinabi ko na sa'yo kung ano ang pwedeng gawin. It's either you wait for her to kill you or you will kill her. There is no other way to break the curse."

Bigla niyang naunawaan na alam na ni Rox ang tungkol sa sumpa at sa misyon nitong patayin siya.

OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon