According to ancient Chinese and Japanese mythology, there is a monstrous creature who loves to devour on nightmares.
It is called Baku.
Pinaniniwalaang uri ito ng hayop na nadiskubre noong panahon ng Muromachi na siyang tumutulong sa nga taong ginagambala ng masasamang panaginip.
Kawangis ito ng isang chimera na isang mitolohikal na nilalang na nilikha gamit ang mga natirang parti ng ibang hayop - ang katawan ay katulad nang sa mabangis na oso, ilong na sing-haba ng sa elepante, katulad nang sa tigre ang mga paa, at ang buntot ay kaparis ng sa baka.
Pinaniniwalaang nag-iisa lang ang Baku at madami ang nagtangkang tugisin ito. Lahat sila, hindi nagtagumpay.
Nabubuhay ang Baku sa pagkain ng bangungot at iyon ang nagpapalakas sa kanya. Isang bagay na madaling gawin para dito, ngunit kung hindi nasiyahan ang Baku sa bangungot na kinain ay maaari nitong makitil sa panaginip ang isang mortal.
Ang kwento tungkol sa Baku ay naipasa sa mga sumunod na henerasyon ngunit pagkatapos ng Muromachi Period, nakalimutan na ng mga tao ang tungkol dito at nanatiling mito ang tungkol sa mahiwagang nilalang.
May mga naitala mula sa mga hindi tiyak na kasulatan na ang Baku ay nagawang kitilin ng isang makapangyarihang nilalang mula sa kadiliman. Ginawang balabal ang balat nitong kawangis ng sa oso at ang ibang parte ng katawan nito ay ginawang talisman na ginamit ng mga tao noong unang panahon sa Tsina.
Gusto kong ibato sa mukha ni Pia ang ibinigay niyang ipad pagkatapos kong mabasa ang walang ka-kwenta-kwentang librong nahanap niya sa internet tungkol sa dream-catcher.
Thesis ang kailangan naming gawin, hindi fantasy novel sa Wattpad o Booklat na hindi rin naman babasahin ng ibang taong gusto ng facts.
"Ano'ng gagawin natin sa BAKU!!!" sigaw ko sa loob ng library na may kasamang paghampas sa lamesa.
Na-carried away ako sa galit.
Kami na lang ang hindi nakakapagpasa at kailangan kong um-absent sa Huwebes, Biyernes at Sabado dahil naka-book na ako ng flight na aalis mamayang gabi papunta sa Osaka.
Kahit ano'ng mangyari, manunuod ako ng concert ni Shin Byeol!
Sinutsutan kami ng Librarian kaya hininaan ko ang boses ko.
"Tatlo tayo dito, pero bakit parang 'yung ideas lang namin ang may sense?" singhal ko kay Pia habang nagmemenor sa lakas ng boses ko.
"Hayaan mo na, Rox. Ito na lang ang gawin natin." ipinakita ni Julie ang draft niya at mas feasible iyon.
Nagpapatawa ba itong si Pia? Paano namin mai-interview ang isang mythological creature?
Mabilis kong hinati sa aming tatlo ang gawain saka ako nagpaalam. Mag-eempake pa ako.
Mahal ko naman ang kaibigan kong si Pia. Minsan, ang weird lang talaga niya. Palibhasa, masyadong malikot ang imagination niya at hindi na kinakaya ng powers ko!
"Sorry."
Nag-chat sa group messenger naming tatlo.
"Okay lang. Next time, 'wag tayong puro anime. Hindi naman ako galit sa'yo. Sa Lunes, pag-usapan natin ang defense. Update-update na lang."
Nagsend ng like emoji si Julie. Alam kong naiinis siya sa akin kapag hindi ko nama-manage ang magaspang kong ugali.
Hinayaan ko na lang.
Literal na hindi na ako naidlip. Natatakot akong matulog ngayon dahil mas dumadalas ang bangungot ko.
Paano kung hindi na ako magising sa oras at ma-miss ko ang flight?
Hindi pwede! Lahat ng sinahod ko sa part-time job ko, nagastos ko na para sa plane ticket at concert ticket. Wala ng atrasan 'to.
See you soon Osaka!
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 4): Mr. Dream-Catcher [COMPLETED]
AléatoireA love that was destined is a curse to break. UNDER MAJOR REVISION Started: 25April2020 Finished: 5May2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 4: Mr. Dream-Catcher written by Suzie Kim