List #1: Meet A Stranger

758 159 14
                                    

Walang kasigurahan ang Buhay.
Sabi nga nila, ang buhay ay punong puno ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan. 

May mga pagkakataon na ayaw nating mangyari ang isang bagay pero nangyayari pa din. Kagaya ng mga taong hindi mo piniling makilala pero dumating pa din sa buhay mo. May mga tao din naman na kahit anong pilit nating alagaan, kusa nalang aalis at mawawala.

Ganito talaga siguro ang buhay.
Isang sugal na walang kasiguraduhan kung mananalo ka o matatalo.
Isang sugal na ang tanging kabayaran ay ang iyong buhay.

Sa edad kong labing pito hindi ko pa din alam kung ano ba ang purpose ko bakit ako nabubuhay sa mundong 'to.

Matagal ko ng itinatanong 'to sa isipan ko, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din 'to masagot. Nananatili lang akong nakikisabay sa agos ng buhay.

"What happens, happens." Yan ang panata ko sa buhay. Kung ano ang nand'yan, okay lang. Kung wala naman, e 'di wala. Wala na akong panahon para alamin pa ang maaring mangyari sa hinaharap. Ang katapusan lang din naman ng buhay ay kamatayan.

"Mag sorry ka! Mag sorry ka sa matanda!" rinig kong sigaw ng isang babae. Napatingin ako sa pinagmumulan ng boses na 'yon at nakita ko ang isang estudyanteng babae na seryosong nakatingin sa isang malaking lalaki. Sa gilid niya ay may isang matandang babae na nakasalampak habang pinupulot ang mga gulay sa sahig. Marahil ay nabunggo 'to ng lalaki.

"Bakit ako magsosorry? Kasalanan ko ba na hindi tumitingin ang matanda sa dinaraanan niya?" sigaw ng lalaki.

Bigla namang dumami ang mga taong nakiki-usyoso sa nangyayari.

"Hay! Mga tao talaga walang ibang ginawa kundi ang maki-alam sa iba." bulong ko sa aking isipan.

Akmang maglalakad na ako para lisanin ang lugar na 'yon ng bigla nalang sinampal ng estudyante ang lalaki.

"Wala ka bang manners? Hindi mo na nga ginalang ang matanda hindi ka pa mag sorry?" sambit nito na lalong kinainis ng lalaki.

Akmang susuntukin na ng lalaki ang babae ng bigla s'ya nitong sinipa sa pagitan ng dalawa n'yang hita na naging dahilan para mapangiwi 'to sa sakit.

"Tingnan nalang natin kung magawa mo pang maging masaya matapos mong mabasagan ng itlog d'yan. Twit twit twit twit twit." natatawang sabi ng babae na naging dahilan para matawa ang mga nanunuod. Nagpalakpakan pa sila na mas lalong nag-pagulat sa'kin.

"Ang weird talaga ng mga tao!" pa-ismid kong sabi at ibinaling ang aking paningin sa daan at nagsimulang lumakad papasok patungo sa paaralang pinapasukan ko.

Nakarating naman ako ng ligtas sa aking classroom. Kagaya ng dati, naka-upo lang ako sa pinaka dulong upuan. Simula't sapol ay wala akong kinakausap sa mga classmates ko. Hindi naman sa may nakakahawa akong sakit, mas gusto ko lang na laging mapag-isa.

Walang sinuman ang nagtangkang kausapin ako dahil narin sa seryoso kong mukha. Ni isa sa kanila ay hindi pa ata nakita ang ngipin ko o narinig man lang ang boses ko.

Natapos ang buong maghapon na tanging libro lang ang kausap ko. Araw-araw nalang ganito. Gigising ako para pumasok at uuwi para matulog. 'Yun na lang ata ang cycle ng buhay ko. Paulit-ulit. Pero hindi naman ako nag-sasawa. Ito ang desisyon ko, kaya paninidigan ko 'to.

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng campus ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang may mali sa'kin.

HER DYING LISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon