Matapos ang araw na malaman kong na-admit s'ya ay lagi na akong laman ng kwarto n'ya. Bago ako pumasok at umuwi ay dumadaan ako sa hospital para makita s'ya. Sa tuwing may bakanteng oras ako ay ginugugol ko lang ito para makasama s'ya.
Kapansin-pansin din ang pagbagsak ng katawan n'ya. Hindi naman s'ya payat, maayos naman ang katawan n'ya, pero mapapansin mong nagbago 'to simula ng ma-admit s'ya dito sa hospital.
"Apat na araw ka nang pabalik-balik dito, hindi ka ba napapagod?" tanong n'ya habang nagbabalat ako ng prutas na binili ko para sa kan'ya.
"Wala namang nakakapagod sa ginagawa ko. Saka isa pa, wala kaming afternoon class kaya mababantayan kita." wika ko sabay abot ng ponkan na binalatan ko.
"Salamat." nakangiti nitong sabi. Tumayo naman ako at tumingin sa bintana ng kwarto n'ya. Kapansin-pansin na walang nakaparadang sasakyan sa parking lot.
"Alam mo bang may live concert sa parking lot mamayang hapon?" wika n'ya na kinagulat ko.
"Live concert? Sa Hospital?" taka kong tanong. "Pwede ba yun?"
"Benifit concert para sa mga cancer patients na nandirito."
"I see. Pero hindi ba 'yon makakasama sa mga pasyente?"
"Nope. Sa katunayan mas makakatulong nga 'yon sa mga kagaya naming may sakit. Sabi nga, music is the medicine of the mind. It can raise or boost the spirits of the sick during the day they heard a music. Sa mga kagaya namin, music talaga ang isa sa nagbibigay lakas sa'min lalo na kung wala kaming mga bantay."
"Nandito 'ko. Binabantayan naman kita." seryoso kong sagot.
"Naah. You don't get it. May music therapy kasing tinatawag and it is effective in promoting relaxation for terminally ill patients undergoing an specialized medical treatment....."
"Okay! Okay! I got it. Huwag mo na akong lektyuran about music therapy." saad ko na nakataaas pa ang dalawang kamay. Naglakad ako patungo sa kan'ya at umupo sa upuan katapat ng higaan n'ya.
"Samahan mo ako mamaya?" nakangiti n'yang tanong.
"Saan?"
"Anong saan? Malamang sa concert. Yun naman ang pinag-uusapan natin."
"Malay ko ba. Baka kasi isa sa mga list mo ang gusto mong puntahan." walang emosyon kong pagkakasabi.
"Isa nga yun sa list ko. Ang manuod ng live concert. Nagkataon naman na may benefit concert dito sa hospital. See, hindi na tayo gagastos pa." masaya n'yang sabi.
"Mas okay ng gumastos tayo sa ticket para makapanuod ng live concert, huwag ka lang nandito." seryoso kong sagot na kinatahimik niya.
"Promise me na gagaling ka!" dugtong ko habang nakatitig lang s'ya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon pero yun ang idinikta ng isip ko sa labi ko.
Naramdaman ko naman ang mga palad n'ya na humawak sa mga kamay ko.
"Salamat kasi nandito ka. Salamat kasi....."
"Mangako ka na mapagtatagumpayan mo 'yang sakit mo!" sambit ko na pumigil sa pagsasalita n'ya. Bigla n'ya naman akong niyakap ng mga sandaling 'yon. Isang yakap na punong puno ng pasasalamat at pagmamahal.
BINABASA MO ANG
HER DYING LIST
Teen FictionDEATH! One word that will shatter our hearts. A word that everybody fears of. An occurrence that every person doesn't want to happen. But at the end of the day, we all fall to that. Are you ready when the death day comes? Are you ready to face it o...