Matapos ang gabing 'yon ay mas naging makabuluhan ang gising ko. Ngayon mas naging malinaw na sa'kin kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay.
"Goodmorning!" masayang bati ng babaeng nakatayo sa dulo ng tulay na nilalakaran ko.
Bigla akong napahinto ng makita s'ya. Paano s'yang nakalabas? Okay na ba s'ya?
"Hindi naman ako multo para ganyan ang maging reaksyon mo!" nakangiti nitong sabi.
"Nakalabas ka na?" tanong ko na halos hindi makapaniwalang nasa harapan ko s'ya. Naka-suot na s'ya ng school uniform na halatang papasok na sa school.
"Galaw-galaw baka ka ma-stroke!" wika n'ya na kinakilos ko. Nang magkatabi na kami ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa paaralan namin.
"Kelan ka pa nakalabas?" muling tanong ko.
"Kagabi din. Nung nagpasya kang umuwi, naisipan kong umuwi na din sa bahay. Ayokong mamatay sa hospital no." sambit n'ya na kinahinto ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Naaah. Nevermind. Namiss ko ng mag-aral. Saka gusto kong makasama ngayon mga bestfriends ko. Tapos bukas, sayo ko naman ibibigay buong araw ko."
"Ang weird mo ngayon ha. Okay ka lang ba talaga? Hindi ba dapat mag-pahinga ka nalang sa bahay n'nyo?"
"Ayoko nga! Pag nagpahinga ako, panghabang buhay na 'yon. Gusto kong ienjoy ang bawat oras ko."
"Okay. Basta make sure hindi mabibigla ang katawan mo ha."
"Opo Dok. Promise, aabot pa ako bukas." natatawa n'yang sabi na kinanoot naman ng kilay ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gate ng campus.
"Oh paano ba yan, see you tomorrow nalang." sambit n'ya sabay wave ng kanang kamay.
"Sandali." pag-pigil ko na kinahinto n'ya.
"Hindi tayo magkikita mamayang hapon after ng class?" tanong ko na kinangiti n'ya.
"Bakit? Hindi ka na ba sanay na hindi ako nakikita sa umaga at sa hapon?" pang-aalaska n'ya.
"Hindi naman sa ganun. Sabado kasi bukas. Wala namang pasok. Sa'n tayo pupunta?" muling tanong ko.
"Ikaw walang pupuntahan. Ako meron." sambit nito na muling nagpakunot ng noo ko.
"Huh? Akala ko ba magkikita tayo tapos may pupuntahan ka pala. Ang gulo mo." wika ko na kinatawa n'ya.
"Dun tayo sa inyo bukas. Gusto ko makilala ang parents mo."
"Ano? Bakit naman...."
"No what ifs. No buts. Nasa tulay ako bukas ng 8am. See you tomorrow Mr. Stranger." nakangiti nitong sabi saka naglakad patalikod sa'kin. Wala na akong nasabi at nagawa dahil mabilis siyang naglakad papalayo sa akin.
Natapos ang mag-hapon na hindi ko na siya nakita kahit na ang anino n'ya. Pilit kong iginala ang mga mata ko ngunit hindi ko talaga s'ya makita. Marahil ay gumala sila ng mga bestfriends n'ya.
BINABASA MO ANG
HER DYING LIST
Teen FictionDEATH! One word that will shatter our hearts. A word that everybody fears of. An occurrence that every person doesn't want to happen. But at the end of the day, we all fall to that. Are you ready when the death day comes? Are you ready to face it o...