List #3: Ride a Ferris Wheel

197 38 7
                                    

Nang maramdaman naming hindi na namin kayang kumain pa ay napag-pasyahan na naming umuwi na.

"Medyo ginabi ka na ata 'nak? May project kayo sa school?" bungad sa'kin ni Mama habang pumapasok ako sa loob ng bahay.

"Hindi po. Kumain lang po kami ng kaibigan ko" sagot ko. Didiretso na sana ako sa kwarto ng marinig ko si Papa. Hindi ko man lang napansin na nasa sala pala s'ya at nakaupo sa sofa.

"Nak umupo ka muna rito. Mag kwentuhan tayo" nakangiti n'yang sabi. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tapat niya. Umupo naman si Mama sa tabi ni Papa.

"Ano po ang pag-uusapan natin?" seryoso kong tanong.

"Medyo nagtaka lang kasi ako. Tama ba narinig ko 'nak? May kaibigan ka na?" tanong ni Papa na hindi maalis ang ngiti.

"Bakit hindi mo s'ya papuntahin dito sa weekend? Para naman makilala namin ang kaibigan mo." singit ni Mama.

"Ahh. Ehh kasi po, hindi ko talaga alam kung mag-kaibigan ba talaga kami. Nagka-usap lang po kami kasi may hinihiling s'ya sa'kin." nag-aalinlangan kong sagot.

"Importante ba ang hiniling n'ya sa'yo? Kasi kilalang-kilala kita. Kahit sinong mag request sa'yo hindi mo naman hihindian pero hindi mo rin tutulungan. 'Di ba?" natatawang sabi ni Papa. Isang hampas sa hita naman ang ibinigay ni Mama sa kan'ya.

"Nagbibiro lang si Papa mo 'nak. Pero mas mainam kung tulungan mo s'ya. Kaibigan mo man o hindi kakilala, dapat lagi tayong handa na tumulong sa kanila. I'm so proud sa'yo 'nak kasi nag e-explore kana. Gusto ko s'yang makilala soon." wika ni Mama na masayang nakangiti sa'kin.

Nagkwentuhan pa kami nila Mama at Papa tungkol sa kung ano-anong mga bagay bago ko naisipang magpahinga na.

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas syete na ng umaga. Nag madali akong bumangon at magbihis dahil ayokong malate sa klase ko.

"Goodmorning 'nak. Nalate ka ata ngayon." bungad sa'kin ni Mama sabay abot ng baunan ko.

"Alam kong hindi kana makakakain ng umagahan kaya dinagdagan ko na ang pagkain mo. Saka good for two na yan ha para sa'yo saka sa kaibigan mo." nakangiting sambit ni Mama. Oo nga pala, nakwento ko din sa kanila kagabi yung nangyari sa tanghalian ko.

"Sige Ma. Mauna na po ako." tugon ko habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

Lakad takbo ang ginagawa ko para makarating sa tamang oras sa first subject ko.

Habang tumatawid ako sa tulay ay bigla nalang sumulpot sa likuran ko ang babaeng makulit na nakilala ko kama-kaylan lang.

"Goodmorning!" wika nito na malawak na naman ang ngiti sa'kin.

"Bakit ba lagi kang nand'yan? Hinihintay mo ba 'ko?" taka kong tanong

"Yeap. Ang tagal ko ngang nag-hintay sayo ngayon. Na-late ka ng gising?"

"Sino ba kasi nagsabing hintayin mo 'ko?" seryoso kong tanong habang mabilis na naglalakad.

"Wala! Ginusto ko lang. Bakit, masama bang hintayin ka? Madadaanan ko kasi 'tong tulay na papasok sa inyo kaya naisipan kong hintayin ka nalang para may kasabay kana pumasok."

"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Sanay naman akong pumasok mag-isa ng walang kasabay."

"E 'di masanay ka na. Simula kahapon, araw araw ka ng may kasabay papasok." masaya n'yang sabi na kinahinto ko.

HER DYING LISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon