Matapos ang sandaling 'yon ay hindi na maalis-alis ang mga ngiti ko. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng tugtog na 'yon ay mararanasan ko ang isang masayang gabi.
"How was it?" nakangiti n'yang tanong.
"Thank You." malayo kong sagot sa tanong n'ya. Sa totoo lang, sobrang saya ko talaga ng mga oras na 'yon.
"No. Thank You! Kasi kahit na hindi ka sanay sa kumpol ng mga tao, nagawa mo pa din akong samahan dito. See! Kaya mo naman palang ma-enjoy ang lugar na maraming tao." masaya n'yang tugon.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-eenjoy." mabilis kong sagot.
"Naks! Pa-fall ka!" nakangisi nitong sabi sabay siko sa balikat ko. Duon ko lang naramdaman ang pag-bitaw n'ya sa kamay ko. Gusto ko sana 'tong hablutin pabalik sa palad ko, ngunit nag-alinlangan ako.
"Madami-dami pa ang kakantahin ng banda. May bala pa bang kanta ang cellphone mo na pangontra sa kanila?" natatawa n'yang tanong na halatang nang-iinis.
"Downloaded lahat ng kanta ng Westlife d'yan. Baka nga tapos na ang concert, pero yung cellphone ko tumutunog pa rin." nakangiti kong sagot. Isang ngiti lang ang binigay n'ya bilang tugon. Hanggang sa nagsimula na namang maglabas ng kanta ang string ng earphone ko na nagdudugtong sa magkabila naming tenga.
Kasabay ng paglundag at paghiyaw ng mga manunuod sa bandang nasa harapan namin, ay ang pakikinig naman namin ng westlife songs sa cellphone ko. Para kaming may sariling mundong dalawa dahil kami lang ang namumukod tanging hindi sumasabay sa ritmo ng tugtugin sa paligid.
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong posisyon ng biglang magdilim ang buong paligid.
Hanggang sa bigla kaming makarinig ng pagsabog. Pagsabog na mas lalong nagpalabas ng maganda niyang ngiti.
"Fireworks!" sambit n'ya na nakatingala sa itaas. Dahil open field lang naman ang parking lot, kitang kita namin ang magandang liwanag na binibigay ng fireworks.
"Ang ganda!" muling sabi n'ya na nanatili lang na nakatingin sa kalangitan.
"Sobrang ganda!" tugon ko habang nakatitig naman sa kan'ya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang mukha n'ya. Kung pwede lang sana na hindi na matapos ang gabing 'to.
Habang pinapanuod namin ang mga sumasabog na mga fireworks sa kalangitan ay bigla nalang bumuhos ang ulan. Mabilis na nagsitakbuhan ang ibang manunuod lalo na ang mga pasyente ng hospital.
Akmang hahablutin ko na ang kamay niya ng bigla n'yang itinaas ang kan'yang dalawang kamay.
"Ito na yun!" sigaw n'ya kasabay ng paglundag ng kan'yang mga paa.
"Anong ginagawa mo? Mababasa tayo." wika ko na nagtataka sa kinikilos n'ya.
"Unang ulan 'to, sa taong 'to. Alam mo bang gamot 'to?" masaya n'yang sabi na nagpataas ng kilay ko. Siguro noong araw, gamot ang ulan pero sa panahon ngayon, sakit na ang aabutin namin kapag nabasa kami nito.
"Baka kung anong mangyari sa'yo. Bumalik na tayo sa loob. Nag-sisipasukan na ang iba."
"Hindi ka ba natutuwa? Kasabay ng liwanag na binibigay ng fireworks ay ang pagpatak ng ulan. Napaka-perfect 'di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/223309000-288-k94529.jpg)
BINABASA MO ANG
HER DYING LIST
Teen FictionDEATH! One word that will shatter our hearts. A word that everybody fears of. An occurrence that every person doesn't want to happen. But at the end of the day, we all fall to that. Are you ready when the death day comes? Are you ready to face it o...