Idinilat ko ang aking mga mata kasabay ng paggalaw ng aking mga labi. Ito na ata ang isa sa pinaka-masayang pag gising ko sa umaga.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing lalo na at hindi naman ako sanay na matulog nang may katabi. Siguro ay dahil na rin sa tama ng alak at sa masarap na hangin na dumadampi sa'king mga balat.
Malapit ng pumutok ang araw kaya naisipan kong bumangon na. Dahan-dahan kong inialis ang kamay ng babaeng katabi ko, na nakayakap sa dibdib ko. Ayokong magambala s'ya sa kaniyang masarap na pagkakatulog.
Matapos kong bumangon ay dumiretso na ako sa front desk ng hotel para mag order ng breakfast namin. Ayoko sana s'yang iwan pero wala akong magagawa. Safe naman ang resort kaya alam kong ligtas s'yang iwan pansamantala.
Bumalik ako sa lugar kung saan kami natulog at nakita ko s'yang nakaupo na habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat.
"Goodmorning!" sambit ko na kinatingin n'ya.
"Goodmorning! Ano yang dala mo?" wika n'ya na halatang kakagising lang.
"Breakfast natin. Mas masarap siguro kumain habang pinagmamasdan ang dagat 'di ba?" sagot ko habang inilalapag ang food tray sa harapan n'ya. Tumabi na din ako sa kan'ya ng mga sandaling 'yon.
"Breakfast in bed?"nakangiti n'yang tanong.
"Nope. Breakfast in buhanginan." nakangiti kong sabi na kinatawa n'ya. Dahil sa mga ngiti at tawa n'ya ay nanghina na naman ang mga tuhod ko. Iba talaga ang dating ng mga ngiti ni
'ya sa'kin."Kain na tayo?" alok ko saka inabot ang plato at nilagyan 'yon ng pagkain.
"Salamat ha." wika n'ya.
"Para saan?"
"Sa isang umagang kasama ka. Akala ko pag-gising ko wala ka na. Peron nandito ka pa rin."
"Bakit mo naman inisip na wala na 'ko pag-gising mo? Hindi ba ako dapat ang mag-isip na gigising nalang ako isang araw na wala ka na." sambit ko na kinagulat n'ya na kinagulat ko din. Bakit ko ba nasabi iyon?
"Sorry." nahihiya kong sabi.
"Wala 'yon. Kain na tayo." pag-iiba n'ya saka kami sabay ng kumain.
Habang kumakain kami ay pumasok sa isipan ko ang nakita ko sa bag n'ya kagabi. Hindi ko alam kung dapat pa ba na tanungin ko s'ya pero kailangan ko ng sagot.
"Mukhang may gusto kang itanong." wika n'ya na kinagulat ko. Nabasa n'ya ba ang naiisip ko?
"Huh?" pag-kukunwaring tanong ko kahit na ang totoo ay may gusto naman talaga akong itanong.
"Iba kasi yung kislap ng mga mata mo ngayon. Parang naguguluhan ka, kaya naisip ko baka may tanong na bumabagabag sa isipan mo." sambit n'ya saka isinubo ang kutsara.
"Sa totoo lang meron nga. Gusto ko lang itanong, handa ka na ba talagang mamatay anytime?" nauutal kong tanong habang nakatingin sa kaniya.
Inialis n'ya ang tingin n'ya sa'kin at ibinaling 'yon sa papalabas na araw. Bumuntong hininga muna s'ya bago tumingin sa'kin.
"Yung totoo, inihanda ko na ang sarili ko na darating talaga ang araw na mawawala na 'ko. Pero sa likod ng mga ngiti ko, sa kabila ng mga sayang pinapakita ko, nagtatago ang takot at lungkot. Ayoko pa talagang lisanin ang mundong 'to. Ang dami ko pang pangarap at gustong marating pero ganito talaga siguro ang buhay. Kailangan ko nalang tanggapin na darating ang araw na magdidilim din ang liwanag sa paligid ko." malungkot n'yang sabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa pisngi n'ya.
"Tama nga ako. Alam kong pinapalakas mo lang ang sarili mo sa harap ng mga taong nakapaligid sa'yo. Nakita ko lahat ng gamot mo kagabi. Hindi ko akalain na ganun kadami ang gamot na iniinom mo para lang makipaglaban sa sakit mo. Huwag kang mag-alala dahil hanggat nabubuhay ka pa, sisiguraduhin kong matutupad mo lahat ng nasa list mo." sambit ko saka ko pinahid ang mga luha sa pisngi n'ya.
BINABASA MO ANG
HER DYING LIST
Fiksi RemajaDEATH! One word that will shatter our hearts. A word that everybody fears of. An occurrence that every person doesn't want to happen. But at the end of the day, we all fall to that. Are you ready when the death day comes? Are you ready to face it o...