List #10: Leave A Note For Stranger

200 33 10
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang malakas na hanging dumadampi sa balat ko na nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto. Kasabay nu'n ay ang banayad na tugtog na nanggagaling sa cellphone ko. Hindi pa rin siya nalolobat?

Napangiti nalang ako ng maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng 'yon sa loob lamang ng isang mag-damag.

Iginapang ko ang kamay ko para maramdaman ang katawan n'ya ngunit bigla akong napabalikwas ng mapagtanto na wala na s'ya sa tabi ko. Saan s'ya nagpunta?

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at nilibot ang buong kwarto. Wala s'ya sa loob ng kwarto at wala din s'ya sa CR. Wala na din ang gamit n'ya ngunit napansin ko ang isang puting notebook na nakabalot pa ng pulang ribbon na nakapatong sa ibabaw ng study table ko.

Halos manginig ang kamay ko habang kinukuha ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kung bakit parang ang lungkot ko. Ano ba ang nangyayari sa'kin?

"Baka nasa baba lang s'ya at kausap ang magulang ko" bulong ko sa hangin. Pilit kong pinapalakas ang sarili ko kahit na hindi maganda ang nararamdaman ko.

Ibinaba ko muna ang notebook na binigay n'ya at dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto. Akmang hahawakan ko na ang door knob ng mapatigil ako dahil sa lyrics ng kantang lumalabas sa cellphone ko. Pansamantala ko 'tong dinamdam.

Bigla akong pinag-pawisan habang pinapakinggan ang lyrics ng kanta. Bakit sa dinami-daming kanta ng westlife na naka saved sa cellphone ko, Please Stay pa talaga ang gumising sa'kin.

Nagkibit balikat nalang ako at mabilis na tumakbo pababa. Nakita ko ang magulang ko na parehas na nakatayo sa may pintuan.

"Ma.. Pa.. nakita n'yo yung kaibigan ko?" sambit ko na kinalingon nila.

Sabay silang napalingon sa'kin ng marinig akong magsalita.

"Bakit ganyan ang itsura n'yo? Ano po ba ang nangyayari?" taka kong tanong. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon ko lang nakitang seryoso ang mga mukha nila.

Biglang tumakbo papunta sa'kin si Mama at niyakap ako. Narinig ko ang mga hikbi ni Mama na sa tingin ko ay umiiyak s'ya. Napatingin naman ako kay Papa na tahimik lang na nakatingin sa'min.

"Pa.. anong nangyayari? Bakit umiiyak si Mama?" Dahan-dahan namang lumapit si Papa sa'kin at hinaplos ang balikat ko. Ang mukha n'ya ay halatang malungkot na nagpapakita ng matinding pagsusumamo.

"Sagutin n'yo kaya ako!" hindi ko na napigilan ang mapahiyaw ng mga sandaling 'yon. Alam kong may hindi magandang nangyayari sa paligid pero mas nakakabaliw na hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Nak, umuwi na s'ya. Sinundo na s'ya ng magulang n'ya." sambit ni Mama na patuloy pa din sa pag-iyak.

Hinawakan ko ang mga braso ni Mama at inialis 'to sa pagkakadantay sa kanang balikat ko. Hinawi ko ang mga buhok na tumatakip sa mukha n'ya at pinawi ang mga luhang dumadaloy sa pisngi n'ya.

"Umuwi lang naman pala Ma. Bakit naman ang OA makaiyak. Daig n'yo pa ang namatayan!" wika ko na nagpatulo ng luha ni Papa.

Bigla akong nanlamig sa mga sinabi ko. Mabilis na dumaloy ang kakaibang pakiramdam sa buong katawan ko. Umiiyak ba sila dahil umalis lang 'to o umiiyak sila dahil hindi na 'to babalik?

"Ano po ang nangyari habang natutulog ako?" nauutal kong tanong kay Mama. Hindi ako nakarinig ng sagot kay Mama dahil mas lalo lang siyang umiyak sa harapan ko.

"Pa.." sambit ko kay Papa. Umaasa ako na s'ya ang makakasagot sa itinanong ko kay Mama.

"Wala na s'ya anak. Binawian na s'ya ng buhay sa tabi mo." umiiyak na sabi ni Papa habang pinipisil ang balikat ko. Pinaparamdam n'ya ang matinding pag-aalala sa'kin.

HER DYING LISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon