List #2: Eat Like A King

261 39 11
                                    

Nakalipas na naman ang maghapon na wala na namang nangyari sa buong araw ko, maliban sa nakakilala ako ng isang babaeng mamatay na raw.

Nakilala? Mali pala. Hindi ko pala s'ya nakilala. Hindi ko nga alam kung ano ba ang pangalan n'ya o kung sa'n s'ya nakatira. 

Hay buhay! Pabagsak akong nahiga sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Ganito nalang ba talaga ako araw-araw? Walang direksyon at walang pinahahalagahan?

Ipinikit ko ang aking mga mata, at sa muling pagdilat nito ay ang muling pagsikat ng ordinaryong bagong araw.

"Goodmorning 'nak." bati sa'kin ng nanay kong laging nakangiti. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang namana sa kan'ya ang pagiging masayahin sa buhay.

"Goodmorning po. Papasok na po ako." walang emosyon kong tugon.

"Mag-iingat ka ha. Nga pala 'nak, wala ka bang dadalhin na kaibigan mo rito? Malapit na ang birthday mo ah." sambit n'ya habang inaayos ang aking babauning tanghalian.

"Ma, kelan ba 'ko nag-uwi ng kaibigan dito? 'Wag kana mag abala, kagaya ng ibang araw, ordinaryo lang naman ang araw ng birthday ko." saad ko saka kinuha ang inihanda niyang pagkain at inilagay 'to sa bag ko.

"Ewan ko ba sayo kung bakit ka naging introvert. Sobrang daldal ko naman. Yung Papa mo naman sobrang pala-kaibigan. Bakit wala ka man lang namana sa'min? Siguro nagtatampo ka kasi wala kang kapatid hano? Gusto mo ba gumawa kami ni Papa mo?"

"Maaaaaa!" sigaw ko na kinatawa n'ya. Kailangan pa bang ipaalam sa'kin yung ganung bagay?

"Aalis na po ako, Ma." sambit ko saka ako naglakad patungo sa pintuan.

"Okay! Mag-iingat ka 'nak. Sa susunod mag-uwi ka ng babae ha. Kahit 'wag ng kaibigan, girlfriend nalang. Sayang ang lahi natin kung magiging matigas na bato ka lang na walang emosyon." natatawa nitong sabi na hindi ko na pinansin. Nagmadali na akong naglakad palabas ng bahay at tumungo papunta ng paaralan.

Sa'king pagtawid sa tulay ay may napansin akong isang babaeng nakasandal sa may isang puno. Waring may hinihintay s'ya. Hindi ko naman makita ang mukha n'ya dahil nakatalikod 'to sa'kin, pero alam kong iisa lang ang pinapasukan naming paaralan dahil sa suot n'yang uniform.

Bigla akong nagulat ng gumalaw s'ya at tumingin sa direksyon ko.

"Goodmorning!" malakas nitong pagbati na talaga namang kahit na sinong daraan ay mariring 'to.

"Ikaw?" sambit ko ng makita ang mukha n'ya. Anong ginagawa niya rito?

"Ako nga! Hindi mo ba 'ko babatiin man lang?"

"Para sa'n?"

"Dahil nag-goodmorning ako sa'yo." nakangiti niyang tugon. Hindi ko s'ya pinansin at mabilis akong dumiretso sa paglalakad.

"Alam mo ikaw, ang bastos mo talaga hano? Iniiwan mo ang isang magandang babaeng katulad ko?" saad n'ya na mabilis na nagtatakbo hanggang sa masabayan n'ya na 'kong maglakad. Ngayon ay magkatabi kaming naglalakad papunta sa school namin.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kan'ya. Huminto din s'ya at masayang nakatitig sa'kin. Halos hindi ako makapagsalita sa mga titig n'ya. Para akong na-estatwa sa maganda niyang mga ngiti. Nanghihina ako.

"Bakit ka huminto?" tanong nito na nagpabalik sa'kin.

"Ano ba kasing kailangan mo sa'kin?" seryoso kong tanong kahit na ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa'kin? Bakit kinakabahan ako?

"Naalala mo yung sinabi ko kahapon? Napag-isipan mo na ba?" tanong nito. Naglakad na 'ko at inalala ang mga nangyari kahapon.

"Ang alin? Ang samahan kang tuparin ang Dying List mo?" balik tanong ko habang patuloy lang sa paglalakad.

HER DYING LISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon