chapter 4

5 5 0
                                    

Nova Pearl POV

"WOW! Ang ganda." Iyon lang ang nasabi ko habang iginagala ang paningin kung saan ako dinala ni Zhan.

Para itong old fashioned room kung saan lahat ng nakalagay doon ay mga antique na paintings, gamit, at iba't ibang mga rebulto na talaga namang mahilig ako noon pa man.

"You like it?" Binalingan ko ang brother ko habang maluwang na nakangiti... " I love it! Pero bakit mo naman pinakita sakin to? Anung meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Curious lang ako kung bakit nya naisipang gawin to.

"I just want you to see it." Bakit? Ayaw mo ba?" Humalukip-kip pa ito sa harapan ko.

Napalabi ako. "Gusto."

Biglang tumaas ang kilay nito "Then, don't say anything and enjoy. Follow me Sis may ipapakita ako sayo." Ikinawit ko ang kamay ko sa braso nya. Hindi naman niya iyon inalis kaya siguradong walang topak.

Mabuti naman.

This room is so wonderful... Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito? Edi sana araw araw akong pumupunta.

And I'm sure my baby Lax will love it when he see this.. maybe next time isasama ko sya.

Habang naglalakad tumigil kami sa harapan ng jewelry section ng room na to. May nakakuha agad ng atensyon ko sa gitnang bahagi nito na agad namang itinuro ng brother ko. Naningkit ang mata ko dahil sa nakita.

Ang ganda...

Isa itong old fashioned necklace. With white diamond shaped in the front. Meron din itong mga black, gold, and silver na parang mga ahas na pumupulupot sa diamond na nasa gitna at sa paligid nito.

Shet.. para akong nahihipnotismo dahil sa magandang image nito. I never imagine that they have this kind of necklace.

It's beautiful...

"Gusto mo ba Sis? I'll buy it." Seryoso ang mukha nito.

Biglaan ang paglingon ko dito at mabilis na tumango. "Pwede ba?" Umaasang saad ko.

He slowly shake his head. "Hindi."

Matalim ko itong tinitigan. " Eh bakit tinatanong mo pa ako!" Loka talaga to. Hindi naman pala bibilhin. Paasa.

He laughed...

"Galit ka na nyan?" Tanong nito

Napasimangot ako lalo. "Hindi ba halata? Baka gusto mong hindi makasama si Lax?" Pagtataray ko sa kanya.

Tumawa ito ng alanganin. "I just joking ok?"

"Really?"

Tumango ito. "Yeah..."

Bumalik na muli ang matamis kong ngiti. "Then you buy it for me? Huh?" Tinaas taas ko ang kilay ko.

He suddenly smiled. Nabuhay tuloy ang pag-asa ko. "It's a no."

Nanlaki ang ilong ko sa sinabi nito. "But why?"

"Kasi po... Hindi po iyan pinag-bibili. It's like a treasure in this mini museum. And the owner of this whole thing is now passed away. Marami pa namang nagtitinda dyan sa labasan. Dun nalang tayo bumili ." Walang kaemo-emosyon nitong paliwanag.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Teka nga lang... Ipinunta lang ba ako ng lokang to para asarin? At hindi ang pasayahin?... Muntik ko ng makalimutan na may LQ nga pala sila ng Jowa nya kaya siguro nagsusungit.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at itinuloy na lang ang paglilibot. Para kasing wala syang mood ngayong araw. Kaya naman pinabayaan ko nalang. Ang lalim ng iniisip e.

NOVALEXUSWhere stories live. Discover now