chapter 12

10 4 0
                                    

David Ross POV

Sh*t that two! How coward he is to shot my father's friend in the chest?! Masyadong pabaya ang taong yun kaya kailangan ko na syang patahimikin.. Kahit kaisa sya sa amin wala na akong pakealam pa doon.. Masyado syang palpak kaya naman susundin ko lang ang utos ni boss para naman hindi na kami magka-problema pa...

Masyadong magaling magtago ang isang yun kaya naman nandito ako sa hospital na to para hanapin sya.. Pinasabi din sakin ni Boss na kailangang maging ligtas si Mr. Andreas kaya kinailangan kong alamin ang lagay nito. Pero sa nakikita ko ngayon masyadong malala ang natamo nitong sugat sa dibdib..

Na ibinalita ko naman agad kay Ama..

Nasa hallway na ako ng hospital ng bigla akong makabangga ng babaeng tatanga tanga... Hindi ba nya alam na malaki ang daanan?

"I-i'm s-sorry." Hingi ng paumanhin nito..

Tumingin ako sa mukha nito at nagulat.. para kasing pamilyar ito sa akin, pero hindi ko na lang binigyan pa ng pansin at mabilis ng tumalikod at dali-daling naglakad papaalis..

Sa loob ng tatlong araw. Mission ko na hanapin si two.. kailangan na pagbayarin ko sya sa ginawa nyang katangahan..

Lumabas na ko at dumaretso sa parking lot.. Binuksan ko agad ang makina saka dumaretso sa bahay ni Nine para ilocate kung nasaan ang gagong yun..

Nagkakamali sya kung iniisip nya na makakatakas sya kay boss? Hindi ba nya alam na malalaman at malalaman ko kung nasaan sya ngayon? Napangisi ako. Hinding hindi nya ako matatakasan...

Not me!!

You moron!!

____

Nova Pearl POV

Pinakiusapan ko si Vince na pumunta sa bahay para ikuha ako ng mga damit.. Gusto kong magpaiwan dito para samahan si Dad... Gusto ko na nandito ako sa tabi nya kapag nagising sya...

Mabuti na lang at naging maayos lang ang operasyon sa dibdib ni Dad... Sabi ni Dr. Aldeno ay mabuti na lang at naagapan ang naging pagdala ni Dad sa hospital.. Ito ang naging dahilan upang mabilis na malapatan ang kanyang sugat.. pero kahit ganun, hindi pa rin ako kampante dahil na rin siguro sa hindi pa gumigising si Dad kahit na naging successful ang operasyon..

Sabi ni Doc may temporary Coma si Dad.. Maaaring gumising ito sa mga susunod na araw pero hindi pa daw sa ngayon...

Na ipinagpasalamat ko naman dito.. mabuti na lang at nasa maayos na itong kondisyon.. Sigurado ako na matutuwa si Tiya Emily, si Zhan, at si baby Lax ko..

I'm thankful...

Inilipat na si Dad sa private room dito sa hospital... Mabuti na lang at hindi bumaon hanggang sa puso niya ang bala kaya naman naligtas agad siya ng mga sergion dito..

Umalis na si Vince upang sundin ang bilin ko.. Napatingin naman ako kay Dad na may mga nakakabit na makina sa katawan.. Naaawa ako kay Dad at namuhi sa kung sino man ang may gawa nito sa kanya...

Hinding hindi ko sya mapapatawad!!

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Dad.. Gusto ko na maramdaman nyang nandito lang ang anak nya sa tabi nya..

Magiging ayos lang sya...

Magiging okay lang si Dad...

___

Alas singko na ng hapon ng dumating si Vince kasama si Tiya Emily... Masyado daw itong nag-alala sa akin at kay Dad kaya naman sumama ito kay Vince upang tignan ang kalagayan ni Dad.. May dala din itong bag na may lamang mga damit ko.. Nang makita nya ko ibinaba muna nya ang bag saka dali-daling hinawakan ang kamay ko..

NOVALEXUSWhere stories live. Discover now