Nova Pearl POV
Ilang araw na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Dad. Kahit na nag-aalala pa rin ako ng sobra sa kanya ay tinatatagan ko pa rin ang loob ko. Dahil alam kong malapit na itong magkaroon ng malay. Tungkol naman doon sa lalaking bumaril kay Dad. Nalaman na ng mga pulis kung sino ang taong may gawa ng bagay na yun. He's name is Paulo Rahai na nabalita rin agad na mag-suicide sa di kilalang Hotel sa magubat na lugar. Napag-alaman ng mga pulis na nagbigti ito sa kanyang inuuphang kwarto roon hanggang sa mawalan ito ng hininga na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ewan ko kung bakit nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman. Masamang tao na ba ako kung wala akong maramdaman ni katiting na awa sa kanya. Na naging masaya ako ng malaman ko na wala na sya? Na kahit papaano nagbayad na ang taong yun sa kanyang masasamang mga ginawa.
Kinagabihan
Nandito ako ngayon sa bahay namin nila Dad dito sa Manila. Dito sa lugar na ito nag-stay noon si Tiya Emily ng napagdisesyunan nyang dito na lang sa Pilipinas tumira at tuluyang magpagaling sa sakit nya. Sobrang laki ng bahay na to dahil na rin si Dad ang nagpagawa para daw kung may emergency na biglaan kaming tumira dito sa Pilipinas ay nakahanda na lahat. Na nangyari nga.
Napagdisesyunan namin na ilipat si Dad sa bahay bukas na bukas din para naman mabantayan namin sya ng mabuti. Naiwan sa hospital sila Adam at Zhan. Sila muna daw ang bahalang magbantay kay Dad dahil baka daw lalo lang akong mapagod doon. Hindi na daw kasi ako nakakakain ng maayos kaya naman tinulak tulak pa ako nito papalabas at ipinahatid kay Adam sa bahay.
Wala na rin akong nagawa dahil sa makukulit na yun. Kaya naman napauwi nila ako ng wala sa oras.
Habang pababa ako ng hagdanan. Hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa kabuuan Mansyon. Malungkot akong napangiti dahil sa nakita. Marami at ibat-ibang mga antiques na bagay ang makikita. Simula sa base, sa mga paintings, mga old fashioned decorations sa mga dingding at iba't-iba pa.
Kahit na maganda ang ambiance ng paligid ay hindi ko pa rin maramdaman ang saya. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko ma appreciate yung ginawa nya ngayon dahil sa nangyari. Dapat ay maging masaya ako dahil sa surprise ni Dad sakin but it's not happen. Puro si Dad lang kasi ang naiisip ko.
Dumaretso na lang ako sa sala at nakita si baby Lax. Nakaupo ito sa carpeted na sahig at nakasandal sa mahabang sofa. May nakapatong na libro sa lap nito at nakatitig lang sa pinapanood nyang SpongeBob sa TV. Pumunta muna ako sa kusina upang maghanda ng sandwich and juice para sa anak ko. Sakto naman na dumating si Rhea at nagsabing tutulungan ako na maghanda kaya naman napangiti nalang ako sa kanya at napatango.
"Ahm.. Miss Nova, medyo nag-aalala lang ho ako kay Eman." Nagsalita ito bigla habang naghahanda kami. Napatigil naman ako sa paggagayat ng cheese dahil sa sinabi nya.
"Bakit Rhea? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"Kasi napapansin ko lang po na parang ang tamlay tamlay nya noong mga nakaraang araw. Nung pinuntahan ko siya sa kwarto nya kaninang umaga nakita ko po na nakatingin sya sa bracelet nya. Madalas rin po syang walang ganang kumain. Hindi na rin po sya masyadong naglalaro." Paliwanag nito.
Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa nalaman. Siguradong nag-aalala rin ito sa kanyang Lolo Papap kaya ganoon ang asta nito ngayon. About naman don sa bracelet. Ito ang regalo sa kanya ni Dad noong 4th birthday nya kaya lagi nya itong suot-suot. Kahit nga pagligo hindi nya tinatanggal. May nakaukit ito sa harapan ng name nya at aristotle naman sa bandang likod. Pinasadya pa ito ni Dad sa isang engraving designer kaya naman alam kong espisyal ito sa kanya. Napangiti na lang ako sa naisip. Kailangan kong maging masaya dahil alam kong okay na ngayon si Dad.
YOU ARE READING
NOVALEXUS
RomanceI left him because of money... I left him feeling lonely... I left him with pain... But I do all that because I really really love him. I hurt him because it's for good. I hurt him because of my selfishness I hurt my fiance because it's for the bett...