David Ross POV
Flashback
MAKIKITA ang isang batang babae na edad dyes habang naka-upo sa isang bench sa malawak na garden. Maganda, maputi, balingkinita ang katawan at higit sa lahat mayaman.
Sa kabilang banda naman. May batang lalaki na edad onse na marahang pinapaypayan ang nasabing batang babae.
Wala itong imik habang sinusunod ang gusto ng kanyang amo.
Noon pa lang. Pinagmamalupitan at inaabuso na siya ng ibang tao. Pinagkakakitaan at tinuturuan ng masasamang mga bagay.
Bata pa lang namulat na sya na hindi lahat ng mayaman... Mababait.. na hindi lahat... Mapagkakatiwalaan mo..
Yung iba nagpapanggap lang na mabait. Na animong may pakealam sayo.
Pero ang totoo. Gusto ka lang nilang gamitin sa pansarili nilang kaligayahan at kagustuhan.
Ang mga bagay na iyon ang tumatak sa isipan ng batang lalaki habang abala pa ring pinagsisilbihan ang batang babae.
Sa batang isip nya.. gusto nyang maramdaman ang sakit.. na mamatay na... Pero lagi yung hindi nangyayari...
Ewan nya kung swerte sya o ano...
Pero lagi na lang may nagliligtas ng buhay nya...
"David... Kuha mo kong juice." Malambing na saad ng batang babae.
Walang imik na sinunod nya ito na parang tuta.
Pagbalik na pagbalik nya at akmang ibibigay ang baso sa kanya.. Kaya lang bigla na lang sya nitong sinampal.
Natapon tuloy ang juice na dala nya para dito. Nabasag rin ang baso at nagkapira-piraso.
Hindi sya nagulat dahil inaasahan na nya ang ganoong pangyayari. Hindi rin nya kasi maintindihan sa sarili kung bakit parang ang dami nyang alam. Bata pa lang sya marami na syang napagdaanan na karahasan kaya siguro ganon.
Imbis na magalit sa batang babae ngumiti sya ng matamis sa harapan nito.
"Gusto mo kuha na lang kita ng laruan?" Masayang saad ko at kinuha ang baso na nabasag.
Kinuha ko lahat iyun gamit ang kamay ko at itinapon na sa basurahan.
Wala na akong pakealam kahit magkasugat ako. Sanay na naman na ko.
Napalabi ito "Ayoko nga.. Gusto ko ikaw ang laruan ko."
Ang cute nya...
Masaya akong tumango... " Sige.. wait mo lang ako ok? Babalik din agad ako.. kukunin ko lang ang mga gamit mo." Dali-dali akong pumasok sa malapalasyong bahay at kinuha ang pink na bag sa kwarto nito.
Nakasalubong ko pa si Mr. Zhaeron na may dalang mga papel.
Nginitian ako nito ng makita ang hawak hawak kong pink na bag. Hinimas nito ang buhok ko ng marahan.
"Maglalaro na naman ba kayo ng anak ko Ross?" Maotoridad ang boses nito.
Napatango ako. "Yes po!"

YOU ARE READING
NOVALEXUS
RomanceI left him because of money... I left him feeling lonely... I left him with pain... But I do all that because I really really love him. I hurt him because it's for good. I hurt him because of my selfishness I hurt my fiance because it's for the bett...