Nova Pearl POV
DAHIL wala naman akong ginagawa ngayon. Naisipan kong tawagan si Dad.. pero katulad ng palagi kong naririnig sa phone ko.. lagi itong busy..
Napatingin na lang ako sa anak kong nagbabasa ngayon sa sala. Ang sipag talaga ng baby ko..
Tungkol naman dun sa lokang si Zhan. Kwento ng kwento ito ng kayabangan nya nung nakaraang araw.. lahat daw kasi ng tanong ni Lax nasagot nya.. Nasa isang business trip itong inaasikaso ngayon kaya hindi sya rito matutulog ngayong araw. Mga two weeks daw syang mawawala..
Nasisiguro nya na kasama nito si Adam kung saan man ito naroroon..
"Manang, pasuyo naman po nitong mga laruan ni Lax. Pakilagay na lang po ulit sa kwarto nya.." pakiusap ko..
Bahagya itong ngumiti..
"Ah, sige ija.." Sabi nito.
Pumunta naman ako kay Lax, at tinignan ang pinagkakaabalahan nito..
Nagbabasa na naman ito ng mga librong niregalo sa kanya ng Lolo Papap nya at ng Tito Zhan niya. Naangiti ako at hinimas ang medyo magulong buhok nito.
"Mom... Where's Tito Zhan? Tanong niya.
Umupo naman ako sa harapan niya habang ito namang baby ko ay padapang nagbabasa.
"Ah baby... Marami lang inaasikasong works ang Tito Zhan mo.." sagot ko.
"Ano pong mga work nya?" Curious na tanong niya.
"Hindi alam ni mommy e.. but I'm sure it's important.."
Lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit sa tiyan ko.. naglalambing na naman ang bata...
"Anong kailangan ng baby ko?" Sabi ko at sinimula na itong kilitiin sa tagiliran nya..
Nagsimula na itong tumawa ng tumawa..
"N-no! Mommy! Hahahahah..." Hiyaw nito.
Tumigil ako at niyakap ko rin ito ng sobrang higpit. Hinalikan ko rin sya sa pisngi...
"Where naman po si Lolo Papap?" Tanong nya.
Nagtaka ako kung bakit tanong ng tanong ang isang to.
"Meron ding inaasikaso ang Lolo Papap mo e.. Pero sigurado naman na uuwi na sya at papasalubungan ka nun ng maraming books..."
Napangiti naman ito. Hindi ko maiwasang ayusin ang nagulo nitong eye glasses dahil siguro sa pagkiliti ko sa kanya kanina.
"Ba't naman hinahanap ng baby ko ang dalawang slow na yun?" Napalabi ako. " Eh nandito naman si Mommy." Tampo ko.
Tumayo ito at hinalikan ako sa noo.. Sa ginawa nyang yun parang gusto kong umiyak sa harapan nya.. Sya na lang ang natitirang alaala ko sa taong yun.. papahalagahan ko sya at higit sa lahat mamahalin ko sya ng buong puso ko.
Napaka-swerte ko sa baby ko..
Thankful ako na dumating sya sa buhay ko. Kahit na wala ang taong yun, kayang kaya kong pasayahin ang anak ko. Mahal na mahal ko sya so I do my very best for him and for my family now.
Nagkukulitan kami ng baby ko ng bigla na lang mag-ring ang phone ko.
Daddy Slow
Calling
Excited kong sinagot ang tawag..
"Hello Dad!" Bati ko. Bigla naman ang pagtingin ng baby ko sakin.. Binigay ko na ang phone dito dahil alam kong mas excited sya.
YOU ARE READING
NOVALEXUS
Roman d'amourI left him because of money... I left him feeling lonely... I left him with pain... But I do all that because I really really love him. I hurt him because it's for good. I hurt him because of my selfishness I hurt my fiance because it's for the bett...