Chapter 3

92 22 1
                                    

After

"Tama na nga yan!"

Pag aalo sakin ni Jeolliana habang di ako tumitigil kakaiyak. Andito kami ngayon sa Rest room ng babae, andito kaming dalaqa sa pinakahuliny cubicle,nakatakip ang lid ng bowl at nakaupo ako don, habang si Jeolliana ay nakasquat or ewan na posisyon sa harap ko.

Di na kami pumasok ng last period. Ikaw banaman maembarass ng ganon , papasok kapa?

Tuloy tuloy padin sa pagpatak ng luha ang mga mata ko. When will they stop from

"Tama nayan! Ang pangit mo pag umiiyak!" sabi ni Jeolliana, I glared at her and she stucked her tongue out as she rolled her eyes

What the fuck?! Kaibigan ko ba talaga to?!

"Kaysa naman sayo pangit kahit hindi umiiyak!" Sigaw ko sakanya , napangiwi siya at tumayo. Nagulat ako

Nahurt ba siya?halla

"O siya , halika na. Antagal mong nagsesenti dito sa cr uwian na" sabi niya at inakop ang mga nagkalat na tissue sa sahig na ginamit ko.

Yon naman ang pangit pag umiyak ako kaya as much as posible I didn't want to cry. Pag umiyak ako tuloy tuloy, hindi lang ang luha , pati ang uhog

Gross!

"H-huh? Bat kabilis?" Nagtatakang tanong ko kay Jeolliana na abala padin sa paglilinis ng kalat kong tissue.

"Ewan ko, ako ba nagdedecide kung kelan uwian ?!" Barumbadong sagot niya. Kung wala lang akong dinaramdam ngayon ay baka sinipa ko na to! Pasalamat siya

Nakatingin lang ako sakanya, siya naman ay napansin ata ang pagtitig ko kaya tumayo siya, tinapon ang tissue sa basurahan at nagpagpag ng sarili bago nagsalita

"Ano kasing pumasok sa utak mong makitid at nagpapansin ka gamit yung tumbler nung Damaris?" Seryoso niyang tanong. Minsan lang magseryoso si Jeolliana, nakakatakot pala

"E hindi ko naman alam na kanya yon no!" I defended myself "saka binigay sakin yon ni Veniamin kaninang nasamid ako, malay ko bang di kanya yon" umirap ako at tinignan ang kuko ko. I'll definitely have my nails done

"Kahit na" iling niya, nagulat ako sa sagot niya. Kinontra niya ako? First time ah

"Whether you knew it or not , hindi tama yung nagpapansin ka pa. Nagmagandang loob na nga yung tao sa'yo diba? Binigyan ka ng tubig nung kailangan mo. The moment you said thank you , don na nagtatapos yung pagtulong niya sayo" pagsesermon niya habang pinupunasan naman ngayon ang sahig, pwede na to mag-apply na janitress , pasado na

"E hindi nga ako nakapag thank you!" Pagrarason ko pa ulit, na kahit alam kong tama yon.

"Edi sana nag thank you ka tapos tapos na, ano yon? Kaya ka nagpapansin kasi di ka nag thank you? Anong klaseng utak ba meron ka?" Tinignan niya ako ng seryoso, nakakatakot naman magseryoso tong bwisit na toh

"Sorry naman,oo na ako na mali" pangguiguilt trip ko sakanya, sana maguilty siya sa pinagsasabi niya huhu

"Hindi ko sinasabing ikaw ang mali, oo may mali ka , may mali si Damaris, at may mali si Veniamin. Pero hindi toh mangyayari kung hindi ka na nagpapansin kanina" she crossed her arms while looking at me "kita mo , mukhang magaaway pa silang magkakaibigan dahil sa nangyari"

"It's not my fault anymore" sabi ko na tila proud na proud ako sa kamailang ginawa ko

Nagulat siya sa sagot ko at nagtikhim, umiling siya bago nagsalita

"Bahala ka sa buhay mo" iling niya at tumalikod na at binuksan ang cubicle, iniwan ako

Tumayo nadin ako at hinabol siya, galit ba talaga siya?!

The Danger You Put in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon