Chapter 18

50 11 1
                                    

Apology

"Eto yung ticket mo para mamayang gabi" Jeolliana handed me a ticket para sa contest na she will join later this night "mahal yan, wag mo iwawala. Yung upuan mo sa tapat ng gawaan ko at nasa pinakaharap kaya napakaspecial mong duldog ka" tuloy tuloy na sabi niya

Andito kami sa Comfort room ng girls sa school, I was brushing my teeth habang inaabot niya ang ticket kaya sinenyasan ko siya ng saglit , mamaya mabasa pa ang ticket edi mas lalo siyang nagalit?

also, Henrik already left last wednesday. Ngayon ay nasa London na siya, he called us as soon as nakalapag sila and he told us na namimiss niya na kami. Parang tanga

I am missing him too , pero what can we do? We have done something wrong and we should always be responsible for the consequences ng actions namin.

We are already walking in the hallways ng school namin nang kinuha ko ang ticket mula kay Jeolliana.

"Seven pm?" I asked her, she nodded "oo,agahan mo at mabloblock yung way mo bahala ka" sabi niya, tumango ako

Never naman akong nalate sa appointments lol

"Dalhan mo nga ako ng extra shirt, for sure madudumhan ako mamaya don" she told me, tumaas naman ang kilay ko

"Wow! Bakit di ikaw magdala?! Uutusan mo pa ako gaga!" Bulyaw ko sakanya, tumawa lang siya

"Sige na! Ang arte pa e!"

"Aissh! Fine fine! Basta ililibre moko after, lalo na pag nanalo ka!" I disclosed it to her "galingan mo a! Mahiya ka naman na manonood ako tapos di ka mananalo diba?" Pagbibiro ko sakanya

"Oo gaga! Nganga ka nalang pag nanalo ako, maderpaker" tumawa siya, I also laughed with her then we both entered our classroom

I haven't seen Veniamin for this week, may rumors na nagsasabing suspended daw siya.

I asked kung bakit siya suspended, pero si Damaris pakalat kalat padin sa campus kahit na may kagaguhan din naman siyang ginawa. The reason is ,hindi nagpunta ang parents ni Veniamin nung pinatawag sa Guidance

I wonder why... wala ba siyang parents?

But, why do I care? He hurt me , he deserves that

"Hoy galingan mo sa contest mo Jeols ah!" Kausap namin ngayon si Henrik thru video chat. It was already six in the morning sa London, pero kagigising niya palang

He was just lying down in his bed, medyo madilim pa and the only thing that's giving him light right now is the light that was coming from his phone

He was topless right now, magulo pa ang buhok at namumungay pa ang mga mata

"Galingan mo, ipapavideo ko kay Kailani para mapanood ko" he informed at saka humikab

"Oo , gagalingan ko! Pag ako talaga nanalo ililibre ko si Kailani, wag na ikaw kasi mayaman ka naman saka malayo ka haha" pang-aasar ni Jeolliana na nagpasimangot kay Henrik

"By the way, are you wearing the jewelries I gave you?" sumisilip siya paibaba,as if makita niya. Di talaga nagiisip

"Here!" Sabay naming sabi ni Jeolliana saka ipinakita ang mga palapulsuhan naming may bracelet

Henrik smiled then held his lips "good girls a"

The call ended na because Henrik was about to prepare himself because he has classes, and kami naman ay nagklase nadin.

it was two thirty in the afternoon when the school sent us home.

"Kailani" tawag sakin ni Jeolliana habang nag-aayos ako ng gamit ko

The Danger You Put in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon